Ikaapat na Hakbang

2.7K 179 26
                                    

Ikaapat na Hakbang

Punieto

Maingay ang buong klase dahil sa walang professor na pumasok para sa oras na ito. Kanya-kanyang trip ang bawat isa. May kanya-kanyang ginagawa at labas pasok sa room. Nakapwesto ako sa tabi ng pinto. Sa tapat ng bintana para mabilis makita ang mga nagdaraan. Inaabangan ko talaga ang pagdaan ni kuya Patrick dito. Ewan ko. Nakasanayan ko na ang umupo dito para makita ang mga nagdaraan.

Sa muling pagtingin ko sa bintana ay ang saktong pagdaan ni kuya Patrick na naka- khaki shorts at grey na v-neck shirt. Ang manly niyang tignan sa damit na iyon. Wag mo lang iisipin na beki siya para hindi ka madisappoint.

Nang makalagpas na siya ay agad kong ibinalik ang tingin ko sa ngayon ay nagkukwentuhan na mga kaibigan ko. Sila Nanette, Giselle at Mae Ann ay naguusap-usap habang si Harold naman ay nakatingin sa akin at may nakakalokong ngiti na nakasilay sa kanyang labi.

Nginitian ko siya at palihim na kinilig. Alam niya naman ang pagkahumaling ko kay kuya Pat kaya okay lang na makita niya. Pero ang hindi okay ay ang makita ng tatlong maria na nakatingin sa aming dalawa at agad nalaman ang pagdaan ni kuya Patrick kanina. Kaya naman gaya ng inaasahan ay nakatanggap na naman ako sa kanila ng pang-aasar. Hindi nila ako tinigilan hanggang sa muli na namang dumaan si kuya Pat kahit hindi ko nakikita. Nalaman ko lang dahil bigla silang nag-ingay at ang malala ay tinawag na naman ni Nanette si kuya Pat.

"Kuya Pat! Crush ka nito o!" Hindi ako makalingon sa likod ko dahil sa tinuran ng aking kaibigan na si Nanette.

Shemay! Kinakabahan ako.

Panay ang saway ko sa kanya na wag niyang sabihin pero mukhang nae-enjoy niya na makita ako sa ganitong posisyon. Dahilan para hindi niya na tigilan pa.

Laking gulat ko na lang na mayroong nagsalita sa aking likuran na lalong nagpakaba sa akin. That voice.

"Ha? Sino?" Di ko akalain na lalapit siya. And now he is behind me. Hindi ko inasahang papatulan niya na naman ang walang kuwentang tinuran ni Nanette. Tumakas ang pawis sa aking mga kamay maging sa noo.

Tinitigan ko ng masama ang mga kaibigan ko. Umaasang maintindihan nila ang mensahe kong huwag nila akong ipagkanulo. Pero mukhang desidido na silang ipahiya ako ngayon.

"Ayan po o! Nasa harap niyo." Sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Mae Ann. Lintek na! Mga pahamak kayo.

Panay ang tutol ko at sinasabing hindi 'yun totoo. Hindi nga lang ako makaharap sa kanya dahil alam kong di ko kaya. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Ayaw ko na siyang makita. Nakakahiya.

"Bakit?" Turan ni kuya Pat. Nahimigan ko ang ngisi sa kanyang sinabi. Napatago ako ng mukha. Hindi ko alam kung anong iintindihin ko. Ang presensya niya sa aking likuran, ang boses niyang nakatatak sa aking isipan o ang pagkakanulong ginagawa sa akin ng mga kaibigan ko.

Hindi ko na alam.

"Crush ka po niyan kasi parehas kayong singkit! Pati 'yung pagiging Kpopper mo po!" Gustong-gusto ko nang lamunin ako ng lupa dahil wala na akong sikreto pa na pwedeng itago. Binuking na nilang lahat.

"Ate, sinong bias mo?" Halos mapatalon ang puso ko sa gulat ng hawakan niya ang balikat ko. Pakshet! Ang swerte naman ng araw na 'to.

Gusto ko man siyang sagutin ay hindi ko magawa, nakasuot kasi ako ng wolf shirt ng EXO kaya niya nalaman na isa akong EXO-L katulad niya. Nahihiya ako. Alam kong hindi pa ako ganoon kabatikan sa pagpafan sa EXO kaya hindi ko siya maharap at masabi ang nais ko.

Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpanggap na hindi ako apektado. Na hindi ako kinikilig. Ang tanging pinapakita ko sa kanila ay naiinis ako at gusto ko nang tigilan nila ang pangtitrip na ito.

Sobra-sobra na ang kahihiyan ko ngayong araw. Kinausap ako ni kuya Patrick! Tinatanong niya ako!

Sa bilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pagkainis ko sa kababalaghang ginagawa ng mga kaibigan ko, hindi na ako nakasagot. Gusto ko na lang manahimik. Kung pwede lang akong kainin ng upuang kinauupuan ko ngayon, mas maaari. I don't want to face this guy behind me, asking who's my bias. I don't want to face him and answer him 'cause it will just make my heart beat uncontrollably. It will just cause me to stutter. Malalaman niyang totoong may gusto ako sa kanya... na ayaw kong malaman niya.

Maya-maya din nama'y umalis na si kuya Pat sa aking likuran. Nakahinga rin ako ng maluwag. Sadyang ang sikip sa dibdib kapag nandiyan siya malapit sa akin dahil ang puso ko ay naghuhurumentado sa kaba.

Alam mo 'yung gusto mo siyang makasama pero kapag nandiyan na siya malapit sayo ay para namang tanga ang puso mo dahil ang bilis bilis ng tibok nito. 'Yung tipong nakipagkarerahan sa mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok. Tapos kapag wala na siya sa paligid, babalik sa normal na tibok pero hahanapin mo siya ulit.

Pakiramdam ko nga ay posible na akong magkaroon ng heart attack. E kasi naman! Nagloloko na ang puso ko dahil sa presensya ng baklang iyon. Grabe na ang impact niya sa akin. At sa tingin ko, hindi na maganda ito.

---

Muli na naman akong bumisita sa kanyang profile. Wala lang. Gusto ko lang tingnan kung anong bagong post niya. Lately kasi hindi na ako gaanong nakakapagbukas ng facebook dahil busy sa school. Pero dahil may time ako ngayon at hindi rin ako makapagmove on sa nangyari kanina, napagtripan kong tingnan ang profile niya.

May mga post siya na hindi ko nakita. Meron pa ngang sinabi niya na Nieto ang middle name niya. Natawa naman ako sa middle name niya. Maging sa post niya ay nagawa niyang pagtripan ang apelyido ng nanay niya.

Nieto. puNIETO. Tama, maganda ito. New codename for mister Patrick Abanero. I mean MISS patrick. Hihi! Natatawa ako sa kalokohan ko.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon