Patrick's

1.8K 93 45
                                    

I love him. I love him very very much.

Sobrang saya ko nu'ng mga panahon na kami pa. 'Yung mga panahon na pinaplano pa namin kung anong gagawin namin sa future. 'Yung pinaplano namin kung saan kami susunod na magdedate. 'Yung pinaplano namin kung saang bansa namin gustong pumunta. At 'yung pinakanamimiss ko ay 'yung pagpaplano namin sa magiging future naming dalawa. Sa gagawin naming pamilya. Kung ilang mga anak. Kung gaano kalaking pamilya ang bubuuin namin.

I know that even we're not in the right age to plan for our future, even when we're not accepted by everyone, still, we plan for our future together. Nakakatawa lang dahil kahit na alam ko sa sarili ko na lalaki ako, na bakla ako, hindi ako nagdalawang isip na mahalin siya. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin siya. Hindi ako nagdalawang isip na suwayin ang lahat para sa kanya. Pero siya, hindi niya man lang nagawang mahalin man lang ako.

Buong akala ko, kami na. Kami na talaga hanggang sa huli. Sa panghabang-buhay. Kasama ko pa nga siyang gumawa ng plano para sa kinabukasan.

Pero laking gulat ko na lang, paggising ko isang umaga, wala na siya. Iniwan niya na ako.

Dahil may mahal na siyang iba.

Ang sakit e. Ang sakit sakit isipin na pinagpalit niya ako.

Pinagpalit niya ako sa babae. Sa isang dambuhalang chakang babae na kung tutuusin ay mas maganda pa ako.

Pero ang mas masakit, bestfriend ko 'yun e. Bestfriend ko ang ipinalit niya sa akin. 'Yung bestfriend ko na akala ko ay tinutulungan kaming dalawa. 'Yun naman pala inaahas niya na.

Saklap.

Ang nakakainis lang sa putang inang lalaking 'yan, pinaasa niya ako. Pinaasa niya ako na mayroong forever sa aming dalawa. Pinaasa niya ako na kami na habang buhay.

Pero mukhang forever doesn't exist nga talaga.

Nu'ng una, tinanggap ko. Mahal ko e. Kaya kong tanggapin ang lahat ng kagaguhan niya basta bumalik lang siya sa akin.

I begged for him. Nakiusap ako na bumalik na siya sa akin. Gagawin ko ang lahat. 'Wag lang siyang mawala.

I even begged for my bestfriend. I mean, my ex-bestfriend.

Pero ayaw nila e. Mahal daw nila ang isa't-isa.

Putang ina.

'Tang inang pagmamahal 'yan. Minahal ko naman siya a? Bakit hindi niya ba ako minahal? Bakit niya ako pinagpalit? Kasi wala akong ari ng babae na maipagmamalaki?

Sana sinabi niya. Edi sana nagpasex change ako.

Lahat naman kaya kong gawin para sa kanya. Hindi magiging labag sa kalooban ko.

Nilaklak ko ang hindi ko na mabilang kung pang-ilang bote ng alak itong iniinom ko.

I just want to be happy. I just want to ease the pain I'm feeling right now.

Sobrang sakit e. Sana lang mabilis 'tong maghilom. Kahit na labis na sakit ang pinadama niya sa akin.

Mag-isa ako ngayong pumunta ng bar. Feeling so depressed. Feeling so alone. Mukhang mali pa ata ang pinasukan ko. Lalo lang akong nagmukhang nag-iisa dito. Ako lang ang walang kasama. Ako lang ang walang boyfriend, wala pang bestfriend.

The fuck.

Napalingon ako sa babaeng kaninang tingin ng tingin sa akin mula sa di kalayuang table. I smiled at her. A playful smile.

I know what she wants. And I'm more than willing to give all of me just to forget even for this night.

Tumayo siya mula sa kinauupan niya. Nakangiting nagtungo papunta sa akin at ng marating ako ay agad na sumunggab ng malalim na halik. Gumanti ako. Kagaya ng hinihingi niya.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon