Ikatatlongpu't apat na Hakbang

1.6K 107 39
                                    

Ikatatlongpu't apat na Hakbang

Siblings

Sinubukan kong hindi na talaga siya pansinin. Nagtagumpay naman ako. Halos buong ikalawang semestre ng taong ito ay hindi ko na siya pinansin pa pagkatapos ng nangyari sa bar.

Merong times na muntik ko na namang mabali ang pangako ko sa sarili ko lalo na nung halos mukha na siyang tanga na nagpapansin sa ex niya. He tried to get near with his ex pero panay ang iwas nito.

Parang nung iniiwasan niya ako, panay ang pagpapansin ko. Ngayon ko lang narealize na mukhang tanga pala ako sa pinaggagawa ko nun. Mukha pala akong desperado.

Espesyal para sa akin ang araw na ito. Ngayon kasi ako dadalhin ni Daddy sa bahay nila para ipakilala ako sa lolo't lola ko. Matagal akong namili ng damit na susuotin ko para lang dito. Ngayon ko lang kasi talaga makikilala ang pamilya ko.

Pakiramdam ko ay nahanap ko na ang nawawalang pagkatao ko.

Dali-dali akong bumaba ng kwarto ng marinig ko ang paghinto ng sasakyan sa labas ng bahay. Inaasahan kong si Daddy na iyon. Naabutan ko si lola na nakahalukipkip sa may sala habang nakatingin sa akin na pababa ng hagdan.

"Chinita Ann, ano bang kilos yan? Para kang hindi dalaga kung kumilos! Umayos ka nga!" Nakangiti akong lumapit sa kanya ay niyakap siya ng mahigpit.

"Lola, salamat po at hinayaan niyo akong makilala ang papa ko. Maraming salamat po talaga." Narinig kong suminghot siya.

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong pinapahid niya ang luhang tumulo mula sa kanyang mata.

"Si lola napakaiyakin e!" Muli ko siyang niyakap.

"Nako, Chi! Sumama ka na don sa tatay mo! Tigilan mo 'yang kakayakap mo!" Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa kanyang beywang. Tinawanan ko siya.

"Wag mo nang pilitin, lola. Yakapin niyo na lang din kasi ako. Kaysa mag-aksaya ka ng pagod diyan. Mas malakas ako sayo no!" Panunuya ko.

Piningot niya lang ako sa kaliwa kong tenga pagkatapos ay ginantihan niya na din ako ng yakap.

"Anak, handa ka na?" Narinig ko ang boses ng aking ama mula sa pinto. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakangiti.

"Opo, daddy." Ngumiti ako. Nagmano muna ako kay lola bago umalis at sumama kay Daddy.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kabahayan. Malaki ang bahay ni Daddy at puro antigo ang mga kagamitan. May mga gamit din doon na tinatawag nilang pangpaswerte sa mga chinese.

Yes, my dad is a half chinese. 'Yun na din siguro ang dahilan kung bakit singkit ang mga mata ko. Pero hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit sa dinami-rami ng pangalan sa mundo, chinita pa ang ipinangalan sa akin.

Narinig ko ang mga mabibilis na yabag mula sa itaas ng bahay. Nag-angat ako ng tingin doon at nakita kong dumungaw ang dalawang batang babae na nakangiti ng malawak.

"Hello, Tito." Bati ng isang singkit na batang babae na nakaipit ng dalawang bun.

"Hello, Daddy!" Mas masayang bati ng isa pang batang babae na kahit sa ganyang edad ay may mataray nang itsura.

"Hello, kids. Bumaba kayo rito. Ipapakilala ko sa inyo ang ate ninyo." Nag-uunahan na bumaba ang dalawa. Humahagikgik pa sila.

"Hello, Ate!" Sabay na bati ng dalawa sa akin. Nakangiti.

"Siya si Ate Chi. Ang ate mo, baby." Sabi niya sa batang tumawag sa kanya ng daddy.

"Really, Daddy? May ate na ako?" Kumikinang ang mata niya habang sinasabi iyon.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon