Patrick's

1.8K 129 26
                                    

Nagising ako nang may naramdaman na sinag ng araw sa braso ko. Tinignan ko ang nakabukas na bintana. Hapon na pala. Mahaba rin pala ang naging tulog ko.

Sinubukan kong tumayo and I was so happy that finally hindi na umiikot ang paningin ko. Kinapa ko rin ang noo ko pero hindi na rin mainit. Magaling ata ang naging nurse ko.

Inikot ko ang buong kwarto ko pero walang bakas ng Chinita sa loob nito. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon? Hindi ko ba nasabi sa kanya na huwag siyang maglabas-masok sa loob ng kwarto ko? Dapat ay nag-stay lang siya dito sa kwarto ko at sinamahan ako.

Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyon. She's like my younger sister. Kahit na matanda siya roon ay parehas na parehas ang kanilang ugali. My sister's only 10 years old.

Chinita is so loud, makulit, prangka at cute. Pero bakit ko nga ba iniisip ang babaeng iyon?

Pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala siya sa isip ko. Lumabas ako ng kwarto pero maging sa sala ay hindi ko siya nakita.

Nasan na ba talaga iyon? Umalis na ba siya? Bakit hindi man lang nagpaalam?

Inikot ko pa ang buong unit. Sinilip ko na rin ang bathroom sa labas maging ang kwarto ni Daryl sa kabila. Wala rin siya.

Nakarinig ako ng bumagsak galing sa kitchen. Nandoon kaya iyon? Dali-dali akong nagtungo doon at nag-aalalang baka kung ano namang kabaliwan ang ginawa noon sa kitchen.

To my surprise, naabutan ko siyang naghuhugas ng pinggan sa may sink habang pinupulot ni Daryl ang nalalaglag na tupperwear sa sahig.

So, close na pala sila ngayon? Bakit hindi ko alam?

Nagkunwari akong umubo sa kinatatayuan ko para naman mapansin nilang may taong nanonod sa kanila habang tuwang-tuwa na naghuhugas ng pinggan. They are having a bonding time together. Lalong naningkit ang mata ko.

"O, Pat? Gising ka na pala." Unang nakapansin sa akin si Daryl. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy niya ang paghuhugas.

Humarap sa akin si Chinita. Nginitian niya ako pagkatapos ay nagpunas ng basang kamay sa soot niyang pink apron.

"Kumusta ka na, kuya? Wala ka na bang lagnat?" Lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko. Tumingkayad pa siya para maabot ito.

Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo kaming nagkalapit.

Pagkakapa niya ay nginitian niya ako. 'Yung matamis niyang ngiti na laging pinapakita sa akin.

"Buti naman wala ka nang lagnat. May iba ka pa bang nararamdaman?" Nakangiti niyang tanong.

Ako ba'y pinagloloko nito?

Pinagkunutan ko siya ng noo habang nakatingin sa kanyang mga mata. Todo-todo pa rin ang ngiti niya hanggang ngayon. Hindi ba siya nakakahalata na naiinis ako sa kanya?

"Actually, masakit ang ulo ko at para akong nahihilo. Masakit din ang paningin ko dahil sa nakita ko." Bigla namang nag-alala ang itsura niya. Muli na naman niyang inabot ang noo ko pero hindi ko na hinayaan. Biglang sumikip ang dibdib ko.

"Atsaka nahihirapan akong huminga." Pagkasabi ko ay tinalikuran ko na siya at pinilit na makapaglakad ng maayos pabalik sa kwarto.

Shete. Biglang bumalik 'yung sama ng pakiramdam ko.

Ano bang klaseng sakit 'to? Nakakaloka a?

Pakshet.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon