Ikasampung Hakbang
Torpe
Kaya niya ba ako tinitignan dahil nakilala niya na ako o alam niya nang ako yun? O feelingera lang talaga ako at hindi naman talaga niya ako tinitignan? Na duling lang siya o banlag kaya mali ang tingin niya?
Palihim kong sinabunutan ang sarili ko. Kahit ano pa yan, hindi ko talaga alam. Basta hindi niya ako tinitignan dahil hindi niya ako kilala. Feelingera lang ako at duling lang siya.
Kahit na anong pag-iisip ang ipasok ko sa utak ko, wala pa rin ibang laman ito tungkol sa pagpi-feeling ko na tinitignan niya ako. Ewan ko nga ba kasi bakit napasok sa isip ko ang kalokohan na iyon. Pwede namang hindi ko na lang pansinin at mag-aral na lang. Natawa ako. Siyempre joke lang. Mahirap kapag puro aral lang. Dapat may kalandian. Joke lang ulit.
May practice ulit kami para sa gagawing concert ng aming kurso kaya naman pagkatapos ng klase ay dumideretso kami sa AVR para doon magpractice. Ayaw ko talaga ng ginagabi sa pag-uwi pero ginaganahan akong magpractice dahil kasama namin ang section nila kuya Patrick.
Ikalawang araw na itong practice namin pero ngayon ko lang nakita itong si kuya Pat. Kahapon ay hindi siya pumunta kaya naman wala akong ibang ginawa kundi ang umupo at manuod sa mga nagsasayaw. Ayaw kong sumasayaw. Tinatamad talaga ako. At higit sa lahat, wala akong talent diyan.
Pagkapasok ko sa AVR ay nagulat ako dahil sa lugar kung nasaan ang mga bag namin ay nandoon siya. Nasa tabi niya ang bag ko at hindi ko alam kung paano ako lalapit doon.
Malamang kapag lumapit ako doon ay doon na ang magiging pwesto ko. Gusto ko sana pero may kung ano na naman sa tiyan ko na parang kinikiliti. Hindi ako makalapit. Dahil kung gagawin ko iyon ay hindi ko kakayanin ang kilig na mararamdaman ko. Iba na talaga ang dating sa akin ng baklang ito.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo doon sa tabi niya. Ano pa bang magagawa ko kundi 'yun na lang. Masyadong masikip dahil may kanya-kanyang upo na ang lahat kaya no choice ako kundi dito. Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi ako mapakali.
Para na tuloy akong estatwa sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong klaseng galaw ang pwede kong gawin dahil baka konting mali ko lang ay makita niya. Waah! Nababaliw na naman ako.
Mabuti na lamang nang magsimula na ang practice ay nakahinga rin ako ng maluwag. Hindi na kami magkalapit sa isa't-isa ngunit hinahanap-hanap ko naman ang presensya niya. Maya't-maya ang tingin ko kung nasaan na siya pero kapag nagkakasalubong ang tingin namin ay ako agad ang iiwas.
Siguro ay ganoon nga talaga. Sasayangin mo 'yung pagkakataon na nandiyan siya tapos kapag wala na ay 'tsaka mo hahanap-hanapin. Ganoon naman talaga ang tao hindi ba? Sa huli palagi nagsisisi.
---
Tinitignan niya ako kanina pa. Mula ng dumating ako hanggang sa kaharap ko na si Ma'am maging siya ay sa akin pa rin nakatuon ang kanyang mga mata. Naasiwa na nga ako sa totoo lang dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong ikilos pero hindi ko maitatanggi na gusto ko ang senaryo na ito. Tila ba nagkatotoo na ang lahat ng hinihiling ko. Gustong-gusto ko ito. Sana hindi ito isang panaginip na paggising ko ay tila bula na lamang ang lahat ng nangyari at hindi totoong nangyari ang lahat ng ito.
"I want you to be my friend." Bulong niya sa akin nang hindi ko tinanggal ang kamay niyang ngayon ay nakahawak sa akin.
Parang isang kiliti sa aking damdamin ang ginawa niyang paghawak sa aking kamay. Lalo na't alam kong hindi nakikita ng guro namin na magkahawak ang aming mga kamay. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. At mas lalong hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...