Unang Hakbang

5.9K 239 73
                                    

Unang Hakbang

Gwapong nilalang

Unang araw ng pasukan bilang kolehiyo nang makilala ko ang isang lalaking agad nakapukaw sa aking pansin. Maputi, matangkad, singkit at payat. Suot ang kulay dilaw na spongebob shirt at maong shorts.

Inip na inip ako ng mga oras na iyon. Habang nag-aabang ng pagpasok ng prof ay nagsipasukan ang mga nagpakilalang sophomore students ng kursong kinuha ko. They introduced themselves, what do we need to know about our 'not-so-known-course' and everything that we need to expect.

Iniwas ko ang aking tingin sa pisara dahil sa pagkabagot. Unang araw ng klase ngunit hindi ko man lang magawang makipag-usap sa aking mga kamag-aral dahil hindi ako ganoong tipo ng tao. Nanahimik ako sa lugar ko.

And then unexpexted situation came, I think I already saw my future. He's smiling brightly while talking to my classmate. Bigla akong naging kyuryoso sa kung anong maaaring pinag-uusapan nila.

Kada magbubukas at magsasara ang kanyang labi ay hindi ko mapigilang pagmasdan iyon. Ang ganda ng kanyang ngiti. Para akong nanonood ng Korean Drama na nasa harap ko mismo ang bida.

Ang gwapo niya. Salamat sa liwanag ng araw sa labas ng classroom para madagdagan ang epekto sa panonood sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pangangarap nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Awtomatikong nag-iwas ako ng tingin. Nahuli niya ako. Pero maaaring hindi...

"Titig much?" Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Nakita ako ang mapanuyang ngisi ng isang babae na may suot na salamin sa mata. She looks nerd but pretty at the same time. Pansin na pansin ang tangos ng kanyang ilong. But she's kind of irritating.

"Pakialamera much?" Ganting sabi ko. Bahagyang nagtaas ang kilay ko bilang awtomatikong reaksyon. I saw her grin once more before turning her head back to the speaker in front.

Palihim na umikot ang mata ko sa kawalan. She's pretty but irritating. Mabilis pa naman akong maasar sa mga tulad niya. I'm obviously not sociable. I don't want to talk to anybody.

Nang mabalik sa isip ko ang ginagawa ko kanina, muli kong tiningnan ang lalaking iyon sa pwesto niya pero nabigo ako nang hindi na siya nakita.

Nilibot ko pa ang aking tingin sa paligid sa pag-asa na baka makita ko siya ngunit wala. Wala na ang bakas niya.

Days passed. Hindi ko na muling nakita ang tanging gwapong nilalang na napansin ko sa helera ng classroom sa floor na ito. Walang ibang nakaagaw ng pansin ko. Tanging siya lang. Ngunit hindi ko na siya muling nakita.

"Seems like you're looking for someone..." Iritable akong lumingon sa katabi ko. It's still her. A girl with a pretty face but irritating personality.

"Ano ngayon kung mayroon nga?" Taas ang kanang kilay na sagot ko. She's wearing her grin again.

"Pwede kitang ipakilala." Nagkunot ang noo ko sa kanya. Seriously? Paano niya makikilala ang ahead sa amin ng isang taon? Unless they know each other for years? Are they friends? Are they close?

Parang ang sarap sunggaban ng pagkakataon.

"Really? You know him? Personally?" I can imagine myself eyes wide while asking that. My fangirl self is already turned on. Why not use my skills to know him. Idiot, Chi.

"Him..." She chuckled. Awtomatikong kumunot ang noo ko.

"Bakit? Tama naman a? Him kasi lalaki siya. What's funny?"

"Wala. Don't mind me. Tara!" Mabilis siyang tumayo at hinila ang kamay ko palabas ng room. Gulat na gulat ako. 'Tsaka ko lang napagtantong nasa harap na kami ng classroom ng second years. Classroom ng gwapong nilalang.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon