Ikalabingsiyam na Hakbang

2K 152 43
                                    

Ikalabingsiyam na Hakbang

Mr. CAL

Nagbukas ng isang pageant ang aming kolehiyo. Isa sa mga nakapasok doon ay si kuya Patrick bilang representative ng kanilang taon at ng kurso na rin namin. Tuwang-tuwa ako nang malaman ko na nakapasok siya. Pero sabagay, mayroon siyang talent sa pagsasayaw at matalino rin siya. Malamang ay kayang-kaya niya iyon.

Buwan ng agosto nang naging abala kami para sa buwan ng wika. May mga event na ginawa ang kurso namin para sa buwan na ito bilang mga Filipino Majors kami. May mga palarong gagawin at kanina lang ay may flashmob kaming ginawa sa harap ng malayang liwasan. Magiging abala pa kami sa mga susunod na araw. Habang si kuya Patrick ay mas abala dahil sa pageant na kanyang sinalihan.

Bihira ko na rin siyang makita. Maging ang mga kaklase kong pasok sa pageant na iyon ay hindi na rin nagpapakita. Halos araw-araw silang may practice at orientation. Gusto ko man siyang kausapin, nahihiya ako. Kahit naman pumayag na siyang maging magkaibigan kami, parang nahihiya pa rin akong bigla na lamang siyang kausapin ng walang dahilan. Kaya nang magsimula ang pageant ng CAL ay hindi ako nag-aksaya ng panahon para magbigay ng suporta sa kanya.

Chi: Good luck, kuya! Fighting! ❤

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko matapos kong isend iyon sa kanya. Kinakabahan ako.

Patrick: Thanks, Chi :) Manunuod kayo?

Chi: Yes, kuya. Susuportahan ka namin.

Patrick: Aww. Thanks! Asahan ko 'yan. ❤

Paimpit na tili ang lumabas sa aking bibig. Gosh! Kinikilig ako!

Kaya noong araw mismo ng pre-pageant ay hindi ako nagdalawang isip na umabsent sa isang subject na masasagasaan sa mismong oras nito. Halos buong klase naman kaming magtutungo doon. Handa na rin ang banner na ginawa ko para kay kuya Patrick. Sasayawin niya sa talent ang Boy In Luv na kanta ng BTS. Kinikilig ako.

"GO BOY IN LUV!" Nakipagsabayan ako sa pagtili nang maglabasan ang mga kandidato ng Mr. And  Ms. CAL. Suot ang kanilang theme wear ay graceful silang naglakad sa stage at pumwesto sa kani-kanilang lugar. Agad na nahagip ng aking tingin si kuya Patrick na ngiting-ngiting nakatingin sa audience. Ang lakas talaga ng self-confidence ng baklang ito. At take note! Lalaking-lalaki siyang ngayon. Nawala ang kaonting kembot sa kanyang lakad at ang tikas-tikas ng katawan niya.

"Sheyt, Chi! Nakatingin ngayon dito si kuya!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Awtomatikong dumako ang tingin ko kay kuya Patrick na nakatingin nga rito. Packing tape! Kinikilig ako.

"Itaas mo na ang banner mo! Dali!" Niyugyog ako ni Nanette habang pinipilit akong itaas ang ginawa kong banner. Tinulungan niya ako sa pag-angat no'n. Agad na nagtama ang tingin namin ni kuya Patrick kaya mas lalo kong winagayway ang banner na aming hawak.

"GO BOY IN LUV!" Ngiting-ngiting sabi ko. Nakita ko siyang binasa ang nakasulat sa banner atsaka ngumiti. Nagbigay pa siya ng flying kiss! Malandi!

Nagkagulo na ang lahat nang magtalent portion na. Si kuya Patrick ang huli sa mga lalaki dahil sa numero niyang panglabing dalawa. Nagwala ang buong bulwagan nang magsimulang sayawin ni kuya Patrick ang Boy In Luv. Gahd! Imagine kung paano sinayaw iyon ni JungKook sa MV na iyon. Ganoong-ganoon sinayaw ni kuya Patrick kahit na siya lang mag-isa.

Matapos ang pre-pageant ay paos na paos ako. Wala akong boses kakatili sa galing na paghataw ni kuya Patrick sa paborito kong kanta ng BTS! Gosh! Hindi ko talaga inasahan na ganoon ang ipapakita niya. Kakaiba. Lalo ata akong nahulog sa kanya.

Habang nakahiga ako sa aking kama noong gabi ay hindi mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina. Should I chat him again? Congratulate him? Hindi ko siya nagawang i-congratulate kanina ng personal. Gosh! Ang dami niyang fans kanina. I tried to get near him. Just to say congratulations but damn his fans. Sinolo nila si kuya Patrick at maya't maya'y may nagpapapicture. So instead na magmukha akong tanga doon, umalis na lang ako at hayaan siyang namnamin ang fame na nakukuha niya. Deserve niya naman iyon. I'm happy for him. Am I?

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon