Ikaapatnapu't isang Hakbang

1.6K 85 55
                                    

Ikaapatnapu't isang Hakbang

Court her

Nagpatuloy ang pagdedate namin ni Jake. I'm really enjoying his company. May sense of humor siya pero minsan ang mga jokes niya ay makakapagpainis sa'yo. Pero habang tumatagal naman ay nakakasanayan ko na rin naman.

It's been a month simula ng pumunta kami kina Giselle. Kinalimutan ko na ang nangayari. I pretended na hindi ako pinakilala ni kuya Patrick sa mommy nito bilang girlfriend niya. Kada magkakasalubong kami sa hallway ay agad akong iiwas. Ayoko siyang makasabay, makasalubong at mas lalong makatinginan at makausap.

Palagi akong umiiwas sa kanya.

Tumayo ako sa bench na kinauupuan ko. Kanina pa ako tinetext ni Harold at pinapapunta ako sa room. Wala akong load kaya hindi ko mareplyan. Importante pa naman ang ginagawa ko ngayon. I'm reviewing my thesis. Malapit na rin kasi ang pasahan.

Habang naglalakad ako paakyat ay nakasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ni kuya Patrick. Nginitian niya ako kaya naman ganon din ang ginanti ko sa kanya. Didiretso na sana ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya sa kasama niya.

"Sino naman kaya 'yung babaeng gusto daw ni Patrick? Balita ko, popormahan niya daw. Magiging straight na kaya iyon si Pat?" Halos matawa ako sa narinig ko.

Patrick? Sino? Si Patrick Abanero? Poporma sa babae? Oh come on! Napairap na lang ako sa kawalan.

Pagkarating ko sa taas, nakita ko si Harold na lumabas galing sa room ng fourth year which is sa room nila kuya Patrick. Nakangiti siyang lumabas doon at ng makita ako ay mas lumawak pa ang ngiti niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Bakit mo ba ako pinapaakyat? Busy ako sa thesis ko e."

"Ito naman, next week pa naman 'yan! Easyhan mo lang 'yan, Chi! Masyado kang GC e." Pinagtawanan niya ako habang hinihila ako papasok sa loob ng room.

"Pakyu ka, Harold! Kapag ako binagsak ng drakula.."

"Aist! Umupo ka nga diyan. May chichika ako sa'yo." Nginudngod niya ako paupo sa upuan.

Bilang ganti ng isang dakilang mabait na bestfriend, hinila ko ang buhok niya para umupo din sa tabi ko. Gantihan lang 'yan. Magbestfriend naman kami e.

"Aray ko naman, be, 'yung extension ko matatanggal." Inirapan niya ako habang inaayos ang hair extension niya sa bangs. Kulay lumot ito at dahan dahan niyang iniipit sa likod ng tenga niya.

"Ito na nga, be, 'yung ichichika ko sa'yo. Sobrang nakakaloka!" Nagtitili siya habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung kinikilig ba siya o natatakot. Parehas lang kasi yung expression niya e. Hindi ko madistinguish.

"Spill it na, be, nakakaloka ka." Humalukipkip ako. Binuklat ko ang thesis paper ko at binasa kung saan ako tumigil kanina.

"'Yun na nga, hihi. May crush si kuya Patrick na babae. And he's going to--"

"--popormahan niya?" Inunahan ko na siya bago niya pa tapusin ang sasabihin niya. Padabog kong inilipat ang pahina ng binabasa ko.

"Oh my god! Alam mo na?" Muli na naman siyang bumirit.

"Opo. Narinig ko kanina."

"So it's all over the campus na pala. Oh wait--!! Aminin mo, be, YOU STALKED HIM 'NO? AMININ MO! KAHIT HINDI NA KAYO FRIEND SA FB AT IN-UNFOLLOW MO NA SIYA SA TWITTER, INISTALK MO PA RIN SIYA!" Nanlalaki ang mata niya habang sinasabi niya iyon. Napapikit na lang ako at takip sa tenga ko.

"Ang kapal ng mukha mo, Chi! Sabi mo wala ka ng pakialam sa kanya, bakit mo pa rin siya inistalk?" Napapikit akong muli. Nakakaasar ang pambibintang ng baklang 'to e.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon