Pumasok ako sa kwarto kung saan nandoon ang lahat ng mga kasamahan namin sa club. Kasama na doon siya. Si Marvin. 'Yung taong mahal ko.
Ilang beses na akong nasaktan dahil sa pagmamahal pero iba 'to e. Iba siya sa lahat. Siya lang yung mas nakasakit sa akin nu'ng nagkahiwalay kami.
Hindi dahil sa ang ipinalit niya sa akin ay ang bestfriend ko. Kundi dahil siya lang ang taong minahal ko ng ganito.
Si Patrick. 'Yung katokayo kong minahal ko no'n na niloko din ako. Natanggap ko din naman na wala na kami e. Kasi natagpuan ko siya. Si Marvin. 'Yung lalaking nagparamdam sa akin na importante ako at ako lang ang mahal niya.
Pero panandalian lang din pala iyon. Put@. Akala ko siya na e. Bakit ganu'n? Bakit?
Awtomatikong nanahimik ang lahat ng nandoon pagkaapak ko sa kwarto kung saan nandoon siya.
Ang mga mata nila'y nakatingin sa akin habang ako naman ay nilalakad ang pagitan naming dalawa.
"Marvin.." Halos bulong na lang ito ng sinabi ko. Parang nanghihina ang sistema ko.
Tinignan niya ako sa mata. Sa tingin niyang iyon ay halos sumabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Ngayon mas lao kong napatunayan na mahal ko pa rin siya. Hindi pa rin nagbabago kung ano ang kaya niyang gawin sa sistema ko kada makikita ko siya.
Abot-abot ang ngiti ko ng makitang papalapit siya sa akin ngunit bigla itong naglaho ng dumating si Trisha sa gilid niya at hinawakan ang kanyang braso. Ang brasong minsang naging akin.
"What are you doing here Patrick?" Tanong ni Trisha habang tinignan ako ng mariin. Pinipigilan ko lang ang aking sarili na sumabatan ang babaeng ito. After all, bestfriend ko pa rin siya.
"Masama na bang bisitahin ang lugar kung saan una ko siyang nakilala?" Puno ng poot kong turan.
Ang sakit lang kasing balikan ang nakaraan na dati ay sobrang nagbibigay saya sa akin. Hindi ko naman kasi talaga inaasahan na magiging ganito ang sitwasyon. I never imagine this to happen. Akala ko happily ending na.
Ending lang pala.
"Umalis ka na lang dito Pat. Ayaw ko ng panibagong eksena." Parang sinaksak ng sobrang daming kutsilyo ang puso ko ng marinig ang katagang iyon mula sa kanya.
"Bakit Marvin? Ayaw mo na ba akong makita? Ayaw mo na ba talaga sa akin? Mahal kita Marvin. Mahal na mahal pa rin kita." Mangiyak-ngiyak na ako.
Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko. Tama na. Sawang-sawa na akong magpanggap sa harap nila na ayos lang ako. Na ayos lang sa akin na yung boyfriend ko noon at ang bestfriend ko ay sila na. Masakit bes. Masakit.
"Hindi na nga kita mahal Patrick. Lasing ka. Umuwi ka na lang." Halos ipagtulakan ako ni Marvin habang hawak niya ang balikat ko para lang mailayo ako sa kanila.
"Putang ina naman Marvin! Gano'n na lang ba 'yun? Akala ko ba--"
"Akala mo lang 'yun Pat. Sige na. Umalis ka na."
Nilisan ko ang lugar na iyon na umiiyak. Hindi makapaniwala na hanggang dito na lang talaga. Minahal ko siya. Tinanggap ko siya. Pagkatapos ay ganito na lang ang igaganti niya? Putang ina. Ang sakit e. Ang sakit-sakit.
Hinayaan kong lumipas ang sakit na nararamdaman ko nu'ng gabing iyon. Itinanim ko sa isipan ko na bukas, kailangang bumalik na sa normal ang katinuan ko. No Marvin. No heartaches. No crying.
Kailangang maging malakas ako para hindi na ako makatanggap ng pambabatok at pang-iinsulto mula sa mga kaibigan ko.
Naglalakad ako papunta sa room ng umagang iyon. Walang ibang estudyante ang naglalakad. Masyado pang maaga kaya naman nagtaka ako sa babaeng nasa tapat ng pinto ng aming kwarto na parang natataranta sa ginagawa niya. Dahan-dahan ko itong nilapitan ng hindi sinusubukang alamin kung sino ito. Tumayo lang ako sa gilid niya hanggang sa siya na ang nagharap ng kanyang mukha sa akin.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...