Ikadalawampu't dalawang Hakbang
Japchae
Kasalukuyan akong nagi-spazz sa BTS sa twitter. Hanggang tingin na lang kasi ako kay V at Jimin na ngayon ay mukhang masaya sa comeback nila. Naiiyak ako! Gusto ko kasing makita sila sa personal para naman mas kiligin ako pero mukhang hanggang sana na lang ako. Picture at video lang kasi amg afford ng budget ko. Sobrang hirap talaga kapag isa kang mahirap na fangirl!
"Hoy, Chinita! Anong ginagawa mo diyan?" Nilingon ko ang isa pang lalake-- I mean bakla na nakakapagpakilig din sa akin. Tinawag niya na naman ako sa tunay kong pangalan. Ang sarap lang pakinggan.
Buti na lang may isang Patrick Starfish dito sa harapan ko na nakapagpapakilig sa akin. Di tulad nang mga iniidolo ko sa Korea na hanggang tingin na lang. Atleast itong baklang ito, nakakasama ko, nakakausap ko. Hihi! Ang gwapo kasi nitong nilalang na 'to kaso beki. Natawa ako.
"Hoy! Ano na naman 'yang tingin na yan! Nakakaloka ka na a?" Pinadilatan niya ako ng mata.
"Ha?"
"Baliw! Tara na nga, samahan mo na lang ako." Hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ko habang hila-hila niya ako. Yung palad ko mismo! Magkaholding hands kameeee! Pakshet. Kinikilig ako.
"Kuya Pat." Tawag ko habang nakatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak.
"O?" Hindi man lang siya lumingon.
"Pwedeng... 'wag mo munang bitiwan 'yung kamay ko?" Sabi ko at tinignan siya. Tumingin din siya sa akin at maya-maya'y nilagay niya ang kanyang tingin sa kamay namin na magkahawak.
Palagay ko namula ang mukha ko.
Nakita kong nangunot ang noo niya. "Bakit?"
Nginitian ko siya ng malawak. Nauna ako sa paglalakad kaya naman ako na ang nanghihila sa kanya. "Please, kuya a? Feel na feel ko kasi." Kinilig pa ako ng sinabi ko iyon.
Nag-igting ang bagang niya ng makita ang ganoong reaksyon ko. Nagulat ako ng bigla niyang binitiwan ang kamay ko. "Magtigil ka nga! Mukha kang timang!" Nauna siyang maglakad.
"Sige na! Ito naman e. Minsan lang!" Muli kong kinuha ang kamay niya at pinagdaop ang aming mga palad.
Kinikilig ako. Ang kapal ng mukha ko.
"Hala, kuya? Anong ginagawa natin dito?" Nagtaka ako ng pumara siya sa tapat ng isang korean restaurant. Sabi niya ay kakain siya pero hindi ko naman akalain na dito.
"Kakain nga diba?" 'Yan. Nagtataray na naman siya.
"Sorry naman a? Malay ko ba na dito tayo kakain?" Umupo siya sa bakanteng upuan at nagsimulang tingnan ang laman ng menu. Ganoon din ang ginawa ko.
Naghanap ako ng pwedeng kainin pero wala akong makita. Kung hindi mga dahon ang nasa menu, mga raw meats ang nandito. Wala man lang akong makita na kahit isang Filipino food!
Sabagay, korean restau nga pala ito. Walang filipino food dito. Tanga ka talaga, Chi.
"Kuya Pat. Sure ka bang dito tayo kakain? Hindi ako kumakain ng mga 'to." Turo ko sa mga pagkain na puro korean. Inilapag ko ang menu na hawak ko. Wala talaga akong mapili.
"Seryoso? Akala ko ba mahilig ka sa Kpop?"
"So? Anong kinalaman no'n?" Napahampas siya sa kanyang noo.
"Seryoso? Ano bang kinakain mo?" Napaisip akong bigla. Ano bang paborito ko?
"Ahmm.. ice cream, chocolate, strawberry, pies, cakes, ano pa ba? Ah! Paborito kong ulam yung hipon! Yung malaki." Nakangiti kong sabi. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...