Ikalabinlimang Hakbang

2K 147 29
                                    

Ikalabinlimang Hakbang

Maginoo

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa walanghiyang mga bakklaaang nantrip sa akin kahapon. Hindi ko lang kasi matanggap na ako ang nagawa nilang pagtripan dahil sa hayuup na dare na yan sa laro nilang charades. Hindi ko alam ang larong iyon pero I swear isinusumpa ko na ang gumawa ng rules ng game nila!

Bwiset! Ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ang napagtripan. Karma ko na rin siguro iyon kahapon dahil kadalasan ay kami ang madalas mambiktima sa dare din namin sa UNO.

"I can't belive that, Harold! Hindi ko talaga matanggap! Ang sarap talupan ng buhay 'yung mga walanghiyang bakklaaanng 'yan!" Turan ko with my most expressions. Hindi ko na ininda kung anong itsura ko sa mga panahon na ito dahil ang tanging gusto ko lang ay mailabas ang galit sa akin puso. Haha. jk. Makagalit naman kasi ako. Inis lang siguro.

"Ouch, beh! Grabe ka naman makawalanghiya sa bakla. Baka nakakalimutan mo kung sino ang nasa harapan mo." Sabi niya at may pahawak-hawak pa sa kanyang dibdib na animo'y nasasaktan talaga.

"Ay, oo nga pala. Beki ka nga din pala." Sabi ko nang mapagtanto iyon.

"Kailangang ipagsigawan?!" Galit niyang sabi.

"Ito naman. Lab yow, bakla! 'Tsaka iba ka naman sa kanila 'diba? 'Diba hindi mo ako pagtitripan gaya ng ginawa nila?" Nagbeautiful eyes pa ako sa harap niya.

"Yuck! Pero siyempre di kita aawayin. Oo nga pala, bakit ba galit na galit ka sa ginawa nila? Ano ba kasing nangyari?" Ang landi talaga nito kahit kailan. Kinikilig pa habang nagtatanong kung anong nangyari. Galit ako, hindi ba halata?

Nakapwesto ulit ako sa usual na upuan ko. Sa tabi ng binta at nakatalikod dito. Si Harold naman ay nasa harapan ko at nakaharap din sa akin. Bale kita niya ang nasa labas ngayon.

"Alam mo? Kikiligin na sana ako sa paglapit niya sa akin. Imagine, ang lapit namin sa isa't-isa at kitang kita ko ang features ng mukha niya pero bigla akong nainis kasi nga pinagtitripan niya lang pala ako." With emotion pa na kwento ko.

"Talaga, Chi? Hindi ka talaga kinilig?"

"Ahmm.. Slight!" Tumawa ako. "Kasi 'diba? Ikaw ba naman, crush mo na 'yung nasa harapan mo di ka pa kikiligin? Like duh?! Manhid ka na ba para hindi maramdaman ang naghuhurumentado mong puso kapag nasa harap mo siya?" Umirap pa ako habang sinasabi ang mga katotohanang iyon. Si Harold naman ay hindi magkamayaw sa pagngiti dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Minsan ay titingin sa akin pagkatapos ay sa labas tapos ngingiti tapos titingin ulit sa akin.

Hindi ko nga alam kung ako ba'y pinakikinggan niya pa o pinagtitripan din. Lilingunin ko na sana ang labas para malaman ang dahilan nitong baklang ito pero pinigilan niya ako. Ituloy ko lang daw ang kwento ko.

"Kung ganoon naman pala, bakit ka naiinis sa kanya?" Tanong niya ng seryoso.

"Duh?! Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang kwento ko? With emotion and hand gestures pa nga ang pagkwento ko hindi mo pa rin gets?! Pinagtripan niya nga kasi ako kaya ako nainis."

"'Yun lang ba talaga ang dahilan?" Mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Harold.

"Oy, bakla! Hindi porket crush ko iyong punietong Starfish na iyon ay kikiligin na lang ako sa kanya forever kahit na sa simpleng bagay lang. May karapatan din naman akong mainis diba? Tao lang akong nagmamahal." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Nakatingin na nga sa akin ang iba kong kamag-aral pero wala na akong pakialam kahit marinig nila. Tutal ay alam naman na nilang lahat na may gusto ako sa isang beking nagngangalang Patrick Starfish.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon