Ikatatlongpu't tatlong Hakbang
Shining pink armor
Kahit na anong klaseng pagtitiis pala ang gawin mo para lang makaiwas sa kanya ay hindi mo magagawa lalo na kung mas nangingibabaw ang pagmamahal at pag-aalala mo sa kanya.
Nagawa ko ang isang linggong pag-iwas sa kanya, akala ko okay na e. Pero nabaliwala ang lahat ng tatlong araw na raw na hindi napasok si kuya Patrick. Noong unang dalawang araw, akala ko ay tinatamad lang atsaka wala akong pakialam pero nitong ikatlong araw, sinabi sa akin ni Giselle na hindi napasok si kuya Patrick dahil daw nagkukulong sa kwarto niya.
Broken hearted na naman. Hindi sinabi ni Giselle kung kanino. Pero alam ko, sa ex-boyfriend niya na naman iyon. Palagi naman e.
Wala na siyang ibang kilala kundi ang ex-boyfriend niyang sinasaktan lang siya.
Walang nagsabi sa akin kung nasaan siya. At mas lalong walang nagsabi sa akin na puntahan siya. Pero ito ako ngayon. Nagbihis ng panglakad matapos kong umuwi galing eskwelahan.
Pupuntahan ko siya. Bahala na kung saan ako mapunta at kung magmukha na naman akong tanga kakasunod sa kanya.
Una akong pumunta sa unit niya. Ang sumalubong lang sa akin ay si Daryl na nakaschool uniform at sinabing wala siya doon. Akala niya ay pumasok kanina dahil umaga pa lang ay umalis na.
Umalis ako doon matapos kong magtanong. Ngayon, saan ako pupunta para mahanap ang beking 'yon?
Naglakad ako pababa ng tulay malapit sa condo nila. Doon ko nakita ang bar na pinuntahan namin noong naglasing siya. Maaari kayang nandiyan siya?
Naglakas loob akong pumasok sa bar ng ako lang mag-isa. Kinakabahan ako. Paano kung wala pala siya diyan at pumasok ako? Tapos hindi na ako makalabas dahil sa mga nagkakasiyahang tao?
Napalunok na lang ako sa sarili kong laway. Hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko susubukan.
Pumasok nga ako sa loob habang nakahawak sa sling bag na nasa balikat ko. Buti na lang at pinapasok ako ng guard kahit na wala pa akong eighteen. Nagpanggap na lang akong sanay na sanay na sa bar.
Umalingawngaw ang trance music pagkapasok ko. Unlike my first time here, mas kakaunti ang tao ngayon at wala pang gaanong nasa dance floor.
Iginala ko ang tingin ko sa loob ng bar. Nasan ba 'yung baklang 'yon? Napasimangot ako ng makitang wala siya sa counter.
Sinubukan kong pumunta sa mga couches sa may kanan ng bar. Sumilip ako sa bawat couches at nagsisi ako dahil may nakita pa akong nagme-make out. Nakakadiri. Kinilabutan tuloy ako.
Susuko na sana ako ng maging sa couches ay hindi ko siya nakita pero biglang sumilay ang ngiti ko nang makitang lumabas siya galing restroom.
There you are Starfish! Buti nagpakita ka pa.
Lalapitan ko na sana siya pero may biglang sumulpot na babae sa likuran niya at bigla siyang hinalikan. Masyadong magkadikit ang katawan nilang dalawa at ako ang nakakaramdam ng init para sa kanila.
My ghad! Ilang beses ba ko dapat makakita ng naghahalikan?
Sa inis ko ay umupo na lang ako sa bakanteng couche doon at pinanood ang hinayupak na baklang 'yon na pumwesto pa sa counter para ipagpatuloy ang halikan nila.
Nakakainis! So pumunta lang pala ako dito para panuorin kung paano humahalik si kuya Patrick sa isang babae?
May umupong lalaki sa tabi ko. Tinignan ko ito. Nakangisi siya habang nakatingin din sa counter na tinitignan ko. Inirapan ko lang siya at binalik ang tingin kay Patrick. Nag-uusap na lang sila ngayon.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...