Ikapitong Hakbang

2.5K 166 45
                                    

Ikapitong Hakbang

malaking boobs

Ilang araw rin akong hindi pumasok dahil sa pagod na dulot ng palarong lahi. Ngunit bukod doon, nais ko ring subukan kung ano ang mangyayari kung hindi ako pupunta sa okasyon kung saan makakasama ko si kuya Patrick. At ngayon ko rin nalaman na mali pala ang desisyon kong iyon, dahil kahapon, naganap ang pangyayaring sana ay nakita ko.

Nalaman kong umiyak si kuya Pat dahil break na raw sila ng jowa niyang Patrick din ang pangalan. Alam kong minsan ko na ring hiniling na sana magbreak sila pero hindi ko naman magawang magsaya ngayon sapagkat nasasaktan si kuya Pat. Bitter ang pagkakasabi ni kuya Pat sa kanyang sulat at labis siyang nasaktan ayon kay Giselle na nakinig sa drama niya kahapon. Sabi niya pa'y hindi naman daw siya 'yung tipong bakla na babaeng babae kung kumilos. Sa katunayan ay mas lalaki pa siya kung tutuusin kapag nalasing siya na akin namang sinang-ayunan dahil totoo naman. Kaya nga ako nagkagusto sa kanya unang beses ko pa lang siya nakita dahil hindi ko inakala na bakla pala siya. Kung titignan mo naman talaga siya ay hindi mo masasabing bakla siya. Malakas ang kanyang appeal dahil sa mata niyang chinito. Hindi ko lang alam kung para sa lahat ay nakakaakit ang singkit niyang mata, siguro ay para sa akin lamang. Pero magpagayon pa man, gustong gusto ko si kuya Pat kahit na ano pa man siya. Pero siyempre joke lang iyon dahil kung minsan ay naiinis pa rin ako sa kanya dahil hindi ko talaga matanggap na beki siya dahil sobrang nakakapanghinayang ang kanyang taglay na kagwapuhan.

"Kapag talaga nagmahal ulit ako, gusto ko na 'yung malaki ang boobs." Napatawa ako sa sinabi no'n ni Nanette. Iyon daw ang sabi ni kuya Patrick. Pero paano na lamang ako? Ibig bang sabihin na wala na talaga akong pag-asa na magustuhan ni kuya Pat dahil lamang sa wala akong malaking hinaharap? Ang unfair naman siguro noon. Dahil lang nasaktan siya ay kailangan niya ng magset ng standard para sa mamahalin niya? Hindi ba ang pag-ibig bigla mo na lamang madarama? 'Yung magugulat ka na lang isang araw na mahal mo na ang isang tao. Hindi 'yung dahil sa siya 'yung mas nagfit sa standards mo ay siya na ang mamahalin mo.

Halatang-halata sa kanya ang pagkabitter. Siguro'y labis talaga siyang nasaktan dahil kung tutuusin, sa kanilang dalawa, siya ang mas nagmahal dahil siya 'yung may conflict sa kanyang sexual preference. Pusong babae siya kaya siguro nang nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang Patrick ay labis na nakasakit sa kanya.

If only I can mend his broken heart.

Matapos ang harana na ginawa namin sa aming mga guro ay napagdesisyunan namin na umuwi na. Nang papalabas na kami ng malaking gate ng unibersidad, nakita namin ang isang organisasyon na may sticky note na idinidikit sa puno kalakip ang mensahe mo. Kasama ang mga kaibigan ko ay nakisulat ako doon. Tinago ko ang sulat ko at hindi pinabasa sa kanila. Tanging si Harold lang ang nakakaalam ng mensahe ko para kay kuya Pat.

Oo, ang sulat na nilagay ko sa sticky note ay para kay kuya Patrick. Mensahe na nagpapahiwatig ng aking nararamdaman ganoon din ng makapagpapalakas ng kanyang kalooban upang hindi siya sumukong magmahal.

puNIETO,

'Wag ka na pong malungkot dahil sa pag-ibig na 'yan. Magmove on ka na po. Marami naman diyang nagmamahal sayo eh. Smile ka lang ah? Mahal pa po kita.


CRAZYKRUNG

Nakangiti ako habang sinusulat ang mensahe ko para sa kanya. Namamawis pa nga ang kamay ko no'n habang sinusulat iyon. Sadyang kinakabahan lang ako sa ginagawa ko. Ito ang unang beses na ginawa ko ang ganitong bagay. Ewan ko nga ba at naisipan kong bigyan ng effort ang punietong iyon. Kung tutuusin nga ay hindi niya naman ako binibigyang pansin. Pero bakit nga naman niya ako bibigyang pansin kung wala namang dahilan hindi ba? Pero gusto kong gumawa ng paraan upang malaman niya ang naradamdaman ko para sa kanya. Hanggang ngayon ay nagbabakasakali pa rin ako na mapansin niya ako.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon