Ikatatlongpu't walong Hakbang
Magkabilang mundo
Pagkauwian ay dumiretso ako sa bahay ni Daddy imbis na kina Lola. Gusto kong makita ang kapatid ko pati na rin siyempre ang Daddy ko.
Pagkarating ko ay agad na sumalubong sa akin si Tita Ales—mama ni Lhieanne, na nakataas ang kanang kilay at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Hinayaan niya naman ako.
"Magandang hapon po, Tita. Nasaan po si Daddy at Lhieanne?"
"Bakit? May kailangan ka?" Nakataas pa rin ang kanyang kilay.
"Wala naman po. Gusto ko lang naman po silang kumustahin." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tinignan niya ako diretso sa aking mata.
"Nasa kwarto si Lhieanne. Si Ricardo naman ay nasa kanyang opisina." Nagbigay galang ako sa kanya bago nagtungo sa taas para puntahan ang kapatid at papa ko.
Tita Ales looks scary. Natakot talaga ako sa kanya noong una ko siyang makita. Totoong masungit ang itsura niya kahit sa picture at pinatutunayan iyon ng ugali niya. Pero hindi ko mapagkakailang mabait naman siya. Siya 'yung tipo ng taong tatarayan ka talaga pero makikita mo rin ang kabaitan niya sa katagalan. Overprotective din siya pagdating kay Lhieanne at sobrang ikinatutuwa ko iyon dahil nararamdaman ni Lhieanne ang tamang pagmamahal na dapat ibigay ng mga magulang.
Dumiretso ako sa kwarto ni Lhieanne. Naabutan ko siyang nasubsob ang kanyang mukha sa kanyang unan. Nagtataas baba din ang kanyang balikat.
"Lhieanne? Are you okay?" Pagkasabi ko no'n ay awtomatikong tumigil ang kanyang paghikbi. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at pinalis ang luha sa kanyang pisngi.
"Ate!" Bakas pa din sa kanyang boses ang pag-iyak. Nakangiti akong lumapit sa kanya.
"Bakit umiiyak ang baby?" Hinagod ko ang likod niya. Niyakap niya naman ako matapos niyang punasan ang luha niya gamit ang kanyang suot na damit.
"Nagseselos kasi ako kay Jazz. Kasama niya palagi si kuya Josh. Samantalang ako minsan lang kita makita." Nakatago ang kanyang mukha sa tiyan ko.
"Yun lang ba ang iniiyak mo?"
"No. Si Mommy, pinagalitan ako. Sabi niya, hindi raw dapat ako masanay na may ate. E sinabi ko lang naman sa kanya na namimiss na kita." Napangiti lalo ako.
Kaya pala bigla kong ginusto na pumunta dito ay dahil namimiss na ako ng little sister ko.
"Hayaan mo na, Lhie. Nandito na si Ate. 'Wag ka nang umiyak." Nag-angat siya ng tingin.
"You will stay here, ate?" Tumango ako. Sumilay ang maganda niyang ngiti.
"But only this night." Biglang nawala ang ngiti niya.
"Pero, ate! I want you to be here always! Gusto ko katabi kita palagi." Sumimangot siya.
"Lhieanne, 'wag mong hilingin 'yan sa ate mo. May bahay sila doon. 'Tsaka your ate is studying. Hindi pwedeng palagi siyang nasa tabi mo." Napatingin kaming parehas ni Lhieanne kay Daddy na pumasok sa kwarto ni Lhieanne.
Nginitian ko siya. "Hello, Daddy!" Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit kay Daddy. I kissed his cheeks. Nagmano din ako sa kanya.
"Ano palang ginagawa mo dito, anak? You need something?" Nag-aalalang tanong niya.
Ngumiti ako. "Wala po. Gusto ko lang po sana kayong bisitahin."
"Dito ka matutulog?" Umupo siya sa tabi ni Lhieanne.
"Yes, daddy. And ate's gonna sleep with me." Natawa ako sa pagsabat ni Lhieanne.
Gabi na rin kaya naman ay agad na nakatulog si Lhieanne marahil na rin sa pagod. Parehas kami ni Daddy na nasa kanyang tabi.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...