Ikatatlumpu't pitong Hakbang

1.4K 59 1
                                    

Ikatatlumpu't pitong Hakbang

Classmate

"'Wag kang sisilip, Chi a? Pepektusan kita!" Banta sa akin ni Harold.

Napakamot ako sa ulo ko. Kaninang pagdating ko sa fourth floor ay agad na tinakpan ni Harold ang mata ko gamit ang palad niya. Kanina ko pa siya tinatanong kung para saan iyon pero tanging sinabi niya lang ay isang surpresa. Hindi na ako nag-atubiling tanungin ulit siya dahil pikon ang isang 'to.

"Matagal pa ba, Harold? Naiinip na ako."

"Saglit na lang, Chi. Upo ka lang diyan."

"Pag ako pinagtitripan mo na naman, lagot ka sa akin!" Banta ko sa kanya.

Maya-maya lang din ay nakarinig ako ng tunog ng gitara. Pilit kong tinanggal ang palad ni Harold sa mata ko pero ayaw niya. Gusto kong makita kung sino iyon. Kung para saan iyon.

"Oh her eyes, her eyes makes the stars look like they're not shining.
Her hair, her hair fall perfectly with out her trying.
She's beautiful and I tell her everyday."

Halos kilabutan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Napataas ang kilay ko.

"Harold kasi! Tanggalin mo na!" Giit ko.

"Oo na! Masyadong atat e!" Nang tinanggal ni Harold ang palad niya ay nanlabo ang paningin ko. Marahil ay sa tagal niyang takip dito.

Kinusot ko ang mata ko. At nang lumiwanag ay nakita ko si Jake na may hawak na gitara at nakangiting nakatingin sa akin.

"Oh you know, you know, you know I never asked you to change.
If perfect's what you searchin' for then just still the same.
Oh you never bother asking if you look okay, you know I say..

When I see your face
It's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are"

Nakangiti siyang lumapit sa akin. Inabot niya ang isang pirasong red rose.

"Happy birthday, Chi!" Abot-abot ang ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Jake, anong kabaliwan 'to? 'Diba tapos na ang birthday ko?"

"I know. Gusto ko lang kasing bumawe kasi sila nagperform sa birthday mo, samantalang ako hindi." Nagkamot siya sa likod ng kanyang ulo.

Napangisi ako. Ang kulit din nitong lalaking 'to e. Aktong yayakapin ko na siya ng mapatingin ako sa labas ng aming classroom.

Napakagat ako sa labi. Si kuya Patrick.

Bakit siya nakatingin sa akin ng masama?

Gusto ko man sanang pasalamatan si Jake sa ginawa niya sa pamamagitan ng pagyakap ay hindi ko na tinuloy. Natakot akong bigla sa titig ni kuya Patrick.

I know that I should not be affected with his gaze. Pero natatakot talaga ako. Para siyang..

Binalik ko na lang ang tingin ko kay Jake. I smiled at him. Bakas pa rin ang kaba sa akin.

Matapos ang kabaliwang ginawa ni Jake ay balik na sa normal ang lahat. Pilit ko pa ring pinaniniwala ang sarili ko na nagkakagusto na ako kay Jake at wala na akong pakialam kay kuya Patrick.

Ayos naman na ang lahat sa akin pero bigla lang nagulo ng umeksena na naman siya.

"Chinita.." Napalingon ako sa gilid ng bintana ng marinig ko ang pagtawag niyang iyon.

Nasa usual place pa rin ako ng classroom namin. Ewan ko nga ba kung bakit hanggang ngayon ay nakapwesto pa rin ako dito. Pero wala naman na akong pakialam e. Pwera lang ngayon na nandito siya sa gilid ko.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon