Ikawalong Hakbang

2.3K 159 23
                                    

Ikawalong Hakbang

Followback

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Excited akong makita ang sulat ko sa puno. Sa pagpasok ko sa gate ng aming paaralan, tinanaw ko agad ang puno na alam kong naglalaman ang aking sikreto. Nagmadali akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa tapat mismo ng puno. Wala na ang mga sticky notes doon kasama ang mensahe ko sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nabasa niya kaya? Kahit nakita man lang niya?

Kung ano-anong bagay at tanong ang pumasok sa isipan ko. Para akong lumulutang habang naglalakad patungo sa aming classroom. Nais kong malaman kung kanya bang nabasa pero sa tingin ko ay hindi.

Haaayy! Nasayang lang ang effort ko.

Habang papalapit ako nang papalapit sa lugar kung nasaan ang room namin ay napangiti na ako. Naaalala ko kasi yung first tweet niya sa akin. Or should I say, hindi ko makalimutan? Kinikilig ako habang naglalakad. Pinipigilan ko na nga lang ang pagngiti ko dahil baka sabihin nila na nababaliw na ako. Tama naman sila kung isipin nila iyon. Baliw na ako sa walanghiyang punietong iyon.

"Uy, Harold! Buti nandito ka na." Humagikgik ako. "Kinikilig ako." Sabi ko pagkakita ko sa bagong dating na si Harold.

"Nako, Chi a. Baka naman gawa-gawa mo lang 'yan." Bigla ko siyang sinimangutan sa tinuran niya.

Kahit naman lagi akong nagi-imagine tungkol sa aming dalawa ay hindi naman ako magkukwento ng kalandian kung hindi totoong nangyari.

"Grabe ka naman! Totoo naman ang sasabihin ko. Basahin mo 'to." Pinakita ko sa kanya ang tweet naming dalawa ni Kuya Pat. At katulad ko ay ganoon din ang naging reaksyon niya. Tumili siya ng malakas kasabay ng pagsabunot sa aking buhok.

Natawa na lamang ako sa kanyang reaksyon. Talagang malandi rin ang baklang ito e. Manang-mana sa kanyang crush.

"Ano ba, be. 'Wag ka naman manabunot." Saway ko sa kanya at pilit siyang inaawat sa pagsabunot sa akin.

"E kasi naman. Malandi kayong dalawa. May paheart-heart pa kayong nalalaman." Tumigil na siya sa kanyang pagsabunot.

"Aba kasalanan ko ba? Hindi niya ako kilala pero gano'n siya kung makareply."

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang hinihintay ang sunod naming klase. Kanina pa kami naghihintay pero wala pa ring dumarating.

"Be, si punieto mo, nandyan sa likod mo." Sabi niya sa akin pero hindi ako lumingon.

"Mukha mo, Harold. Hindi mo ko maloloko. Wala kaya silang pasok ngayon."

"Letse ka, Chi. Alam na alam." Sabi niya sa pagitan ng tawa.

Narinig ng iba ko pang mga kaibagan ang kwentuhan namin ni Harold kaya no choice ako kundi ikwento rin sa kanila ang dahilan ng pagkakilig ko. Pero kahit na kinuwento ko ang pangyayari, iniba ko ang ibang detalye. Hindi ko sinabi na si Kuya Patrick ang nakatweet ko kundi ang dati kong crush. Iyon ang alam nila pero nababagabag ako dahl hindi ko sinabi ang totoo. Ayoko lang naman nilang malaman dahil baka asarin na naman nila ako.

Bago magsimula ang klase namin sa World Literature ay kinausap ko si Giselle. Nakahiwalay ng upuan sina Nanette at Mae Ann sa amin kaya may pagkakataon kong sabihin sa kanya ang katotohanan. Ayaw ko lang magsinungaling sa kanya. Isa ito sa mga naging mabait kong kaibigan at naging totoo sa akin. Gusto kong sabihin na iba ang kinuwento sa kanila kanina lang.

"Gis, 'yung kinuwento ko kanina, si kuya Patrick talaga ang katweet ko. Hindi 'yung dati kong crush. Ayoko kasing sabihin kanina kasi mang-aasar lang sina Nanette."

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon