Ikadalawampung Hakbang

1.8K 144 17
                                    

Ikadalawampung Hakbang

Minamahal

Matapos ang pagiging makapal kong mukha noong gabing iyon, hindi ko ma ulit nakausap si kuya Patrick. Nakalulungkot. Masyado silang busy para sa coronation dahilan para hindi ko siya makasalubong man lang sa corridor. Hindi ko rin siya mabati ng personal.

Pagpasok ko sa school kinabukasan, walang ibang naging mukhang bibig ang mga kakurso namin kundi ang naganap na pageant. Lahat sila'y pinupuri ang galing ni kuya Patrick sa pagsasayaw. Lalong dumami ang may gusto sa kanya. At nakalulungkot dahil dumami lalo ang kakumpetensya ko.

"Ipaliwanag mo ngayon kung anong ibig sabihin ng may akda sa kwentong kanyang sinulat." Tinitigan ko saglit ang propesor ko na pareho kong nasa harapan. Katatapos ko lang ipresent sa kanila ang report ko.

"Nais ipabatid ng may akda ang karahasan na tinatamasa ng mga mahihirap. Ang-"

"Chinita, bakit wala kang boses ngayon?" Takang tanong ng paborito kong propesor. Bakas ang ngisi sa kanyang labi. Hindi na napigilan ng mga kaklase ko ang mapabungisngis. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Kasi, sir..."

"Go Boy In Luv ka pa, a?" Sigaw ni Nanette kaya napatingin ako sa kanya. Ang hilig niya talagang ibuking ako!

"May naganap na pageant kasi, sir kahapon. Nanood kami at obviously, napaos siya kakasigaw." Sigaw naman ng isa pa sa mga kaklase ko. Nahihiya akong tumingin sa aming propesor.

"Maupo ka na nga. Wala naman akong marinig sa sinasabi mo." Pabiro nitong sinabi kaya napangisi na lang akong umupo pabalik sa aking pwesto. Hindi ko natapos ang report ko.

Nang makaalis ang propesor namin sa aming room ay 'tsaka nang-asar ang mga kaklase ko. Lahat sila'y alam na ang sikreto ko.

Dumating ang araw ng coronation. Excited kaming nagtungo sa paggaganapan ng pageant at matiyagang naghintay sa labas habang hindi pa binubuksan ang pinto ng bulwagan. Ramdam na ramdam naming ang kaba at excitement ng bawat isa. Hindi lang ito para sa kung sino ang mananalo. Para ito sa pride ng bawat kurso at lahat kami'y umaasa na makuha ang titulong Mr and Ms CAL. Ang sinomang mananalo ang siyang lalaban sa pageant ng buong university bilang representative ng college. This is the real competition. Pina-required na kaming pumunta para suportahan ang bawat kandidato namin.

"I love you, kuya Patrick!"

"Go, number twelve!"

"Go, kuya Joshua!"

"Go, Patrick!"

Hindi na magkamayaw ang tao sa bulwagan nang simulang ipalabas ang behind the scene ng pageant na ito. Kada may ipapakitang mga kandidata sa malaking screen ay nagtitilian sila. Lalo na nang ipakita ang mukha ni kuya Patrick. Maging ang mga taga-ibang kurso ay pinag-uusapan siya.

Nang rumampa na ang lahat ng candidates ay tuluyan na silang nagwala. Habang ako naman ay napatanga na lang habang nakikitang naglalakad si kuya Patrick. May mali sa kanya ngayon. May kembot ang bawat hakbang niya! O baka imahinasyon ko lang iyon?

Inis na inis ako habang palihim na binibitin patiwarik sa utak ko ang mga babaeng nasa aking harapan. Kanina pa sila tayo nang tayo sa kanilang mga upuan at itinataas ang banner habang tuwang-tuwa sa pagrampa ni kuya Patrick sa taas ng stage. Hindi pa man natatawag ang numero kanina ni kuya Patrick ay panay na ang tili nila na labis kong ikinaiinis dahil hindi ko makita si kuya sa harap. Kinalampag ko ang kanilang mga upuan sa inis.

"Mga ate! Pwede pong umupo? Hindi ko po kasi makita e!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya. Tinignan lang nila ako habang nakangiti pagkatapos ay umupo ng maayos. Napairap ako sa inasta nila. Nakakainis!

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon