Ikadalawampu't tatlong Hakbang

1.7K 124 22
                                    

Ikadalawampu't tatlong Hakbang

Ukulele

♪You can count on me like 1, 2, 3. I'll be there. And I know I need it. I can count on you like 4, 3, 2. You'll be there. Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah. ♪

Nagmadali akong nagtungo sa labas ng classroom nang marinig ko ang kantang iyon na nagmumula sa gitara. Alam kong si Jake ang nandoon. Nakita ko siya kanina na may hawak na gitara. Hindi ko alam na alam pala niya ang tugtog na iyon.

"Waaaaahh! Jake, turuan mo ako niyan!"

"Alin?" Nagulat siya at biglang tinigil ang pag-gitara.

"'Yang kanta na 'yan." Tinuro ko ang gitara niya gamit ang nguso ko.

"Bakit?"

"Duh, Jake! Baka ituturo ko sayo! Alam ko yan e!" Sarkastiko kong turan. Nakita ko ang kanyang pag-iwas ng tingin.

Tumabi ako sa kanya sa sahig. Kinuha ang gitara niya at nagi-strum ng kahit ano.

"Sige na, dali! Ide-dedicate ko 'yung kanta na 'to. Kailangan alam ko kung paano."

"Kanino naman?" Tinignan niya ako. Nakakailang dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"E basta."

"Sabihin mo muna."

Huminga ako ng malalim. Hindi naman na bago sa akin ito kaya hindi na dapat ako mahiya.

"Kay kuya Patrick." Sabi ko nang nakangiti.

Tinitigan niya muna ako bago siya ngumiti rin.

"O hawakan mo 'to. Saglit lang a? Manghihiram pa ako ng isang gitara." Tumayo siya sa pagkakaupo niya atsaka naglakad patungo sa loob ng room.

Nasiyahan ako sa hawak kong gitara. Ang cute ng gitara niya. Ang liit!

"Hoy, Spongebob!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakatayo siya sa harap ko at ako naman ay nakaupo sa sahig kaya naman tiningala ko pa siya.

Ang ganda ng view niya dito. Nasisinagan ng araw ang bandang ulo niya. Hihi. Ang gandang pagmasdan.

"Hoy, baliw!" Nabalik ako sa katinuan nang kinurot niya ako sa pisngi.

"Uy, Patrick Starfish! Andiyan ka pala!" Napahawak ako sa pisngi ko na kinurot niya. Nakaramdam ako ng konting kuryente galing sa kanya. Kinikilig ako.

"Psh. Nagde-day dream ka na naman. Kanino 'yang hawak mo?" Nag-squat siya sa harap ko para magkapantay ang tingin namin.

"Sus. 'Wag kang magselos, ikaw lang naman dine-day dream ko." Tinitigan ko siya ng matagal. Tinignan niya din ako pero masamang tingin ang ibinalik niya.

Ngumiti ako. "Kay Jake 'to magpapaturo ako." Ini-strum ko pa ang gitara para mas feel.

"Sinong Jake? 'Yung ex ni Dettdett?" Nakakunot noo niyang tanong.

Tumango ako habang nakangiti. Nakita ko naman ang biglang pagsalubong ng kilay ni kuya Pat.

Tumayo siya sa pagkakaupo at bigla akong tinalikuran.

"Uy? Saan ka pupunta?"

"May klase na kami. Diyan ka na!" Hindi niya man lang ako hinarap nang sinabi niya iyon.

"Oy, sinungaling! Mamaya pa klase niyo. 12:30 pa lang o?"

"Busy ako. Bye!" Nagwave lang siya kahit nakatalikod at umalis na.

Sungit! Nu'ng mga nakaraang araw wala raw siyang ginagawa. Tapos ngayon meron bigla? Sinungaling din yun e.

Napalingon ako nang dumating si Jake na may dalang isa pang gitara kagaya ng kanya. Bakit ang liliit? Wala akong ganito.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon