Ikaapatnapu't apat na Hakbang

1.6K 87 48
                                    

Ikaapatnapu't apat na Hakbang

Piggy back ride

Nagising ako sa sikat ng araw at kamay na nakadantay sa tiyan ko. Tinignan ko ang nakabukas na bintana at tirik na tirik na araw sa labas. Ang kamay naman na nakadantay ay pagmamayari ni kuya Pat. Nakadapa siya habang ang isang kamay ay nasa akin. Napakunot ang noo ko.

Doon ko na naalala ang nangyari kagabi. Hindi na gaanong masakit ang ulo ko pero ramdam ko pa rin. Kung paano ako nakarating sa kwartong ito ay hindi ko alam.

Bumangon din si kuya Patrick sa kanyang pagkakahiga pagkatayo ko sa kama. Nag-aalangan pa nga akong tumayo pero nang maisip ko ang sunod na pupuntahan namin sa araw na ito ay agad akong napatayo.

"Bakit ka bumangon?" Kusot-kusot niya ang mata niya.

"May next destination pa diba? Late na nga tayo." Hinanap ko ang bag ko at nagsimulang maglabas ng damit.

"No need, Chi. Sinabi ko na na hindi tayo makakasama. May lagnat ka at ako naman ang magbabantay." Napakunot ang noo ko.

Bakit alam niyang may lagnat ako gayong akong may katawan ay hindi naman makadama ng init?

"What are you saying, kuya? Tara na! Sasama ako." Bumangon siya sa pagkakahiga.

"Makulit ka. Kapag lumala yang lagnat mo baka hindi ka na makapasok kahit kailan." Tinanggal niya sa kamay ko ang mga damit na sanay gagamitin ko.

Natakot ako sa sinabi niya. Kung ang hindi pagpapahinga sa isang araw ay hindi pagpasok kailanman ay hindi ko kaya. Baka magkasakit ako lalo kapag hindi ako nakapasok sa school.

Para akong batang tumango sa sinabi ni kuya at bumalik sa kama.

"Very good. Masunurin ka naman pala." He patted my head. Ginawa niya naman akong parang aso nito. Tinignan ko siya ng nakasimangot.

"What? May almusal na akong pinahatid at ihahatid ko lang dito. Just wait here."

"Pero hindi pa naman ako baldado at kaya--"

"No buts, Chi. Ihahatid ko." Umalis siya doon at iniwan akong nakanganga.

Maya-maya lang ay inihain niya na ang sandwich at gatas.

"Here." Kinilig akong bigla. Pakiramdam ko nagbabahay-bahayan kaming dalawa.

Siya ang daddy at ako naman ang mommy. May sakit ang mommy kaya daddy ang bahalang mag-asikaso sa may sakit.

Pinitik niya ako sa noo. Hindi ko alam na nawala na pala ako sa kasalukuyan.

"You're day dreaming."

"Ofcourse not! Ikaw ata iyon e!" Umirap ako sa kawalan.

"Hindi na kailangan. Balang araw ay mapapasakin din naman ang taong gusto ko."

Biglang may kumirot sa puso ko. Here I go again. Nasasaktan na naman dahil umaasa.

I'm so tired of loving him! Hanggang ngayon pala ay mahal niya pa rin iyong sinomang iyon. Masakit e. Umasa naman ako.

Nakalimutan kong friendship lang ang hiningi niya sa kin. Not love or anything more than friendship!

Nanahimik na lang ako. Walang maisagot.

Matapos kong magpahinga buong umaga at hindi pa rin sila dumadating mula sa pinuntahang destinasyon, napagpasyahan namin ni kuya Pat na kaming dalawa na lang ang mamasyal.

Pumunta kami sa isang amusement park at sa muling pagkakataon, nadama ko na naman ang sayang dulot ng pagsakay sa ferris wheel kasama siya.

Nagpapaalam na ang araw nang napagpasyahan naming magpahinga muna sa isang bench sa loob ng Enchanted Kingdom. Katatapos lang namin sa Star-O-Magic at hilong-hilo ang pakiramdam ko. Nakailang beses na kaming sumakay sa mga nakakahilong rides kaya ganito ang pakiramdam ko. Kita ko ang ngisi sa labi ni kuya Patrick sa aking tabi kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon