Ikaapatnapu't limang Hakbang
Chinese
Wala akong ideya sa maaari naming puntahan kaya nagtaka ako ng bumaba kami sa tapat ng condong pinagtutuluyan niya.
"Anong ginagawa natin dito?" Matawa-tawa kong turan. I didn't expect na dito pala kami pupunta.
"Chill okay? Wala naman akong balak gawin sayo 'no?" May pandidiri sa kanyang tinig.
Ang sarap bigwasan ngayon ng lalaking 'to-- I mean BEKI, kung hindi lang ako kinikilig ngayon.
"Alam ko, kuya. Beki ka nga diba? Alam kong safe ako sayo."
Sumakay kami sa elevator at bumaba sa roofdeck ng condo. Bago pa man niya buksan ang pinto ay inilapat niya ang dalawang palad niya sa mata ko.
Wala akong makita.
"Ano 'to, kuya?"
"A surprise. Basta sunod ka lang sa direksyong sasabihin ko." Tumango ako bilang sagot sa utos niya.
Nakaranig ako ng pagbukas ng pinto at nang maramdaman kong nakapasok na kami sa loob, dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa mata ko.
At first, all I can see is a blur. Pero nang medyo tumagal, namangha ako sa nakita ko.
Iba't-ibang kulay ng balloons ang nakita kong nakadikit sa kisame ng kwartong ito. This room is an open space. Kita ang naglalakihang buildings sa labas nito.
I heard a familiar song played through the speaker. 'Yung paborito kong kanta ng BTS na For you. Napangiti ako.
Hinanap ko ang mga mata niya. I smiled at him wildly. Hindi ko alam kung para saan ito pero sobrang saya ko sa pakulo niya.
I uttered a word 'thanks' to him at sinimulan kong lapitan ang lobong pinakamalapit sa akin.
May nakasabit na piraso ng papel doon at nang tignan ko ay isang sticky note na may drawing na spongebob. Natawa ako. Para siyang drawing ng bata na nasa edad tatlo. Hindi pantay ang mata nito at pagkakaparisukat ng katawan. Tinanong ko siya kung sinong may gawa pero nagkibit-balikat siya.
"Kumain muna tayo, Chi. Alam kong gutom ka na." Bigla siyang nag-iwas ng tingin at tumalikod. Nakita ko ang pamumula ng likod ng kanyang tenga.
Hinabol ko siya. Kinukulit. "Ikaw nagdrawing nu'n no? Aminin mo!"
"Hindi 'no. Kapatid ko ang nagdrawing nu'n." Sinundot ko siya sa tagiliran.
"Ows? Pinky swear?" Pinakita ko sa kanya ang hinliliit ko.
"Pinky swear." Sabi niya pero nagpatuloy siya sa pag-upo sa isa sa silya ng round table na may plato at iba't-ibang ulam.
"Hindi ako naniniwala. Mamatay ka man?"
"Mamatay man." Labas sa ilong na turan niya.
"Kahit kapatid mo?"
"Kahit na."
"Kahit ako?" Pagbabakasakali ko.
Hinila niya ang braso ko paupo sa silyang nasa kabilang parte ng lamesa. Sinimangutan ko siya.
"Ang kulit mo, Chi. Pinaghihintay mo 'yung pagkain." Inirapan niya ako.
"Hindi ka kasi nagsasabi ng totoo." I started to taste the foods in the table at masasabi kong ang sarap at ang ganda ng pagkakaluto. Probably, an expert in the kitchen.
Napansin kong hindi siya gumagalaw sa kinauupuan niya. Nakatitig lang siya sa akin habang sarap na sarap akong kumain.
"Okay. Ako nga ang may gawa no'n." Nagulat ako ng umamin siya.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...