Ikatatlongpung Hakbang

1.7K 100 23
                                    

Ikatatlongpung Hakbang

Anak

Masakit ang ulo ko nang bumangon ako mula sa kama. Para itong binibiyak sa sakit. Napahawak ako sa sentido ko at hinilot ito.

Hindi ko naman alam na ganito pala ang sakit ng ulo na matatamo mo pagkatapos mong uminom.

Napakunot ang noo ko ng maalala ang kabaliwan ko kagabi. Sa sobrang bigla ko kasi sa sinabi ni kuya Patrick ay hinablot ko sa kanya ang bote ng alak na kanyang hawak.

Alam ko naman na lasing siya noong mga oras na iyon pero nabigla talaga ako.

Crush niya ako? Like seriously? Sinong maniniwala?

Napalingon ako sa pintuan dahil sa katok. Maya-maya lang din ay may sumilip doon at malaking ngisi ang sinalubong sa akin ni Harold.

Pinagkunutan ko siya ng noo. Masakit talaga ang ulo ko.

"Kwento, Chi! Kailangan ko ng details." Nanakbo siya sa akin papunta sa kama at tumitili na niyugyog ako.

"Details saan?" Iritable kong sagot. Tumayo ako sa kama at dumiretso sa pinto ng banyo.

Pero walang akong pinto na nakita sa lugar na alam kong nando'n ang pinto.

"Nasan na 'yung banyo?" Napakamot ako sa aking batok.

Tinawanan ako ni Harold. "Bopols ka, Chi, ayun sa kabila o." Turo niya sa kabilang side ng kwarto.

"Paanong nalipat?"

"Ay, nako! Lakas ng hangover mo, day! Wala ka sa kwarto ni Giselle! Nasa kwarto ka ni Patrick!" Nanlaki ang mata ko ng marealize na wala nga ako sa kwarto ni Giselle.

Plain lang ang design ng kwartong ito at wala ang mga green items na naka display sa kwarto ni Giselle.

"Bakit ako nan--"

Naputol ang sasabihin ko ng pumasok si kuya Patrick sa loob ng may dalang tray na may isang tasa at plato na may sandwhich.

"Gising ka na pala, Chi. Ito o, inumin mo. Para mawala ang hang-over mo." Nilapag niya ang hawak niyang tray sa lamesang malapit sa kama.

"Ayiiee! Chupi muna ako a?" Tumayo si Harold sa kama habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa kabilang side ng kama.

What is this?

"Oo nga pala, kuya Pat. Kahit huwag mo nang painumin ng pampaalis ng hang-over 'yan, tanggal na 'yan kasi nandiyan ka na." Tumatawa siyang kinindatan ako. "Anyway, Chi, 'yung details a?" Humahalakhak siya palabas at padarag na sinara ang pinto.

"Ang lakas ng topak ng bestfriend ko 'no?" Pinilit kong tawanan 'yung sinabi ko pero bigla akong nakaramdam ng awkwardness.

Ano ba naman kasi 'to. Iniwan ako dito.

"Oo nga. Sige na, kainin mo na 'yan. Uuwi na daw kayo mamaya." Pumunta siya sa kama at inayos ang magulong kumot at unan.

Nahiya akong bigla. Siya pa tuloy ang nag-ayos sa kamang nagusot ko.

"Ako na diyan, kuya. Nakakahiya." Nakialam ako sa ginagawa niya. Tumigil siya sa pagpapagpag at pag-aayos bago tumingin sa akin.

"Ako na sabi, Chi. Kumain ka na lang. Aalis na kayo ng kaklase mong isa." Inirapan niya ako kaya inirapan ko din siya. Nagsusungit na naman ito.

Gaya ng sinabi niya, kumuha ako ng upuan sa gilid at inilagay sa harap ng bedside table at doon sinimulang kumain.

Tapos na siyang magligpit. Nakaupo na lang siya doon sa kama niya at kinakalikot ang kanyang cellphone.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon