Patrick's

1.6K 79 27
                                    

Mahilo-hilo ako ng pumasok ako. Paakyat pa lang ako sa hagdan ay para nang babagsak ang katawan ko. Mabuti na lang at nagawa ko pang makarating sa fourth floor ng ligtas. Dire-diretso ang lakad ko kaya naman ng nakabunggo ako ay walang reaksyon ko itong pinulot at hindi pinansin ang nakabunggo. Narinig ko siyang nag-sorry pero hinayaan ko lang. Sobrang bigat ng ulo ko na pati ang bibig ko ay tamad na tamad magsalita.

Pumasok ako sa hindi ko alam na room kung kanino. Basta ang alam ko lang ay walang tao dito kaya dito ko pinili na iyukyok ang ulo ko.

Tang ina. Sobrang sakit. Parang binibiyak.

Narinig ko ang yabag ng tao papasok sa loob. Hindi ko tinignan ito pero ng marinig ko ang boses ng nagsalita ay alam ko na agad.

"Anong nangyari sayo kuya?" Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang nagtataka kaya naman pinagkunutan ko siya ng noo. Muli akong yumuko dahil hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko.

Nakaramdam ako ng malamig na palad na humawak sa kamay ko. Napitlag ako sa gulat.

Putang ina. Ano itong kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko?

Mas lalo akong nagulat ng muling dumapo ang malamig na palad sa batok ko. Bastos. Ano ba 'tong sakit na 'to?

"Kuya Pat. Uy!" Inuga-uga niya ako. Mas lalo akong nahilo kaya kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit kong tignann siya. Kaysa naman ugain niya ako.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi ko na gaanong makita ang repleksyon niya. Nanlabo ang paningin ko.

"Tara dalhin kita sa clinic. Ang init mo oh?"

"Ayoko. Ikaw mag-isa doon." Umirap ako sa abot ng aking makakaya. Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to. Hindi niya ba nararamdaman na ayaw ko sa kanya?

"Dali na! Concern lang naman ako sa'yo." Narinig ko ang malayo niyang boses sa akin. Mabuti naman at wala na siya sa tabi ko. Pakiramdam ko may malamig na nilalang sa paligid ko. Puta.

"Psh. Concern?"

"Eto. Sayang yung fee na binayaran natin sa clinic kung hindi mo gagamitin."

"Oh? Inumin mo na lang ito. Para kahit papano ay mawala yang lagnat mo." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Gamot. Siguro nga ay kailangan ko.

Sobrang sakit na talaga at parang hindi ko na kaya.

Tinignan ko muna siya at ang gamot. Kukunin ko ba o hindi?

Kinuha ko ito at mabilis na ininom. Pagkatapos ay padarag kong ibinalik sa kanya. Not saying thank you or anything. Ibinalik ko ang ulo ko sa pagkakayuko.

"Thank you ah? Thank you!"

Umalis ako sa room nila ng maramdaman ang pagdami nila sa loob. Medyo nawala naman ang sakit ng ulo ko. Pero pakiramdam ko, ang bigat bigat ng katawan ko.

Pinapauwi na ako ng mga kaklase ko bago pa man dumating ang prof namin pero hindi ako pumayag. Minsan na nga lang ako pumasok, uuwi pa ako. Hinayaan nila akong yumuko hanggang sa makatulog ako.

"Ikaw ba yung Chinita?" Napabangon ako ng marinig ang boses ng prof namin sa harapan.

"Ikaw daw ang maghatid kay Patrick sa bahay nila. Iuwi mo na. Nilalagnat." Nakangisi si Sir Ben habang nakatingin kay Chinita. Kumunot ang noo ko.

"Ayaw mo? Pero sabi ng mga kaklase niya ikaw daw ang girlfriend." Nagulat ako sa sinabi ni Sir. Puta. Anong imbento na naman nila Els 'to?

Wala akong nagawa kundi ang tumayo pagkatapos sabihin ni Sir na umuwi ako. Nahihiya ako sa pinagsasabi niya.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon