Ikaanim na hakbang

2.6K 166 20
                                    

Ikalimang hakbang

Chinitong Aguilus

ILANG ARAW rin akong nagtiis at nakuntento sa patingin-tingin na lamang sa labas sa tuwing dadaan siya. Wala kasing activities ngayon na magkasama ang klase namin at klase nila. Bigla ko tuloy namiss 'yung mga oras na may practice pa kami para sa buong kagawaran dahil nagkakaroon ako ng dahilan para makita siya. Ngayon ay tama na ang makita ko siyang dumaan sa tapat ng room namin at mapangiti sa presensya niya.

At habang iniisip ko ang mga katagang sinabi noon ni Nanette tungkol kay kuya Patrick, lalo lang akong nawalan ng pag-asa sa kanya. Kuya Patrick is in a relationshit with a guy. I mean, a beki like him. Baklang ang pangalan ay Patrick din. Coincidence? Destiny? I don’t know. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Simula nang malaman ko 'yung tungkol sa boyfriend niya ay talagang hindi ako makapaniwala. Pero ganoon pa man, wala na akong pakialam. E sa doon siya masaya e. Kaso palagi kong pinagmamasdan ang kilos niya lalo na kapag kasama niya ang so called 'boyfriend' niya. Pinatutunayan sa sarili kung totoo nga ba ang lahat.

Celebration ng week ng course namin ngayong pebrero. Ang unang event ay ang parade bilang pagbubukas ng celebration. Tapos na kaming maghanda para doon at nakasuot na rin kami ng kanya-kanya naming costume at handa nang bumaba para sa parada.

Nang makababa na kami sa lugar ng pagsisimulan ng parada ay nakita ko kaagad si kuya Patrick na nakasuot ng mulawin na costume. May suot siyang pakpak na kulay puti at bumagay ito sa kanya.

Nahiya naman akong magpakita sapagkat tanging damit lamang na pangdiwata ang aking suot. Sa aming first year na-assign ang encantadia at captain barbell. Since meron na lahat na role, sa diwata kami na-aasign. Ayos naman ang costume namin. Pero hindi naman ako nagmukhang diwata. Magmumukha akong chimay kung hindi lang ako inayusan.

Kung titingnan si kuya Patrick sa malayo, hindi talaga aakalaing bakla siya. Ang gwapo niya. 'Yung singkit niyang mga mata ang nangingibabaw sa kanya. Mukha siyang japanese. Chinitong Aguilus nga siya batay sa custume niya.

Nagagandahan ako sa suot niyang pakpak. Para kasing pang-anghel ang pakpak na ito. Ang gandang pagmasdan, lalong lalo na sa kanya.

Buong oras na iyon ay pinagmasdan ko lang siya. Nasanay na ako sa patingin-tingin sa kanya. Minsan nga naiisip ko, nahahalata niya na kaya lalo na kung nagkakasalubong ang aming mga mata? Pero kasi hangga't maaari, hindi ko hinahayaan na magkasalubong ang mga mata namin. Baka mabasa niya ang sinasabi ng mata ko at malaman niyang gusto ko siya.

And that's the last thing I'll do. Never akong aamin na gusto ko siya. Hindi lang dahil nakakahiya kundi dahil baka mabaliwala lang. Ayokong nababaliwala. Ayokong hindi nakukuha ang kagustuhan ko. Lumaki akong sunod sa layaw. Lahat ng gusto ko'y nakukuha ko. Pero alam kong iba ang sitwasyon ko ngayon. Kaya ayokong sumugal dahil alam ko sa aking sarili na malaki ang pag-asa na mabaliwala at masaktan.

Ikalawang araw ng linggo ng selebrasyon ng kurso namin ay ang palarong lahi. Hapon na nang magsimula ang laro dahil hinintay pa na lumubog ang araw. Sa oval o open field kasi kami maglalaro kaya kailangang walang gaanong init. Nakahati kami sa ilang grupo pero bawat grupo ay kailangang may first year, second year, third year at fourth year. Layunin ng palarong ito na magkaroon ng bonding ang bawat taon.

Matagal ko ngang inabangan kung magiging magkagrupo ba kami ni kuya Patrick pero kamalasan nga naman, hindi ko siya naging kagrupo. Nasa red team siya samantalang ako naman ay sa yellow.

Buong oras na nakaupo ako sa gilid habang naghihintay ng sunod na laro ay wala akong ibang ginawa kundi ang panuorin ang ngayo'y masayang-masaya na si kuya Patrick. Ang gandang pagmasdan ng kanyang pagtawa. Animo'y wala siyang iniisip na problema. Ang bawat halaklak niya kahit hindi ko naririnig ay nakapagpapaaliwalas sa aking mga mata. Napangiti ako ng makita ang kanyang muling pagtawa mula sa malayo. Naiitsura ko sa kanya ngayon ay tila nang-aasar na halaklak. Mukhang naburot nila ang kanilang kalaban.

Napangiti rin ako. Ang kanina ko pang pinipigilan na ngiti ay sumilay na sa aking mga labi. Hindi ko na kasi mapigilan. Sadyang nakakahawa ang kanyang halakhak.

Sana ay marinig ko rin ang tawa niyang iyon.

"OY CHI! NABABALIW KA NA NAMAN!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng isa sa aking mga kagrupo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat.

"Ano ka ba naman, Jake. Ginulat mo ako." Pagkasabi ko noon ay muli ko na namang ibinalik ang aking paningin sa taong kanina ko pang pinagmamasdan.

Pinapakita na naman niya ang kanyang magagandang mga ngiti.

"Uy. Grabe ka talaga, Chi. Kanina pa kita kinakausap." Nagtatampong banggit ni Jake.

Oo nga pala, nasa tabi ko siya. Nakalimutan ko ang kanyang presensya. Masyado na akong distracted sa half Alien na ito.

Nginitian ko si Jake pagkatapos kong muling sulyapan ang ngayo'y nakikipaghabulan nang si kuya Pat.

"May iba kasi siyang tinitingnan." Biglang singit ni Harold sa usapan naming dalawa.

"Naku, Harold! Manahimik ka na nga lang!" Nakangiting turan ko at palihim na pinandidilatan ng mata si Harold. Adik talaga ang isang kalahati ring ito. Tama bang ibuko ako?

"Palibhasa inlove." Mukha siyang aliw na aliw sa pang-aasar.

"Tara na nga, Jake. Alis na tayo rito. 'Tsaka, huwag ka nang magtampo diyan. Maglalaro na tayo." Sabi ko at masayang hinila ang kamay niya.

Yes. Maybe I'm definitely inlove with that puNIETO guy slash Half Human and Half Alien named Patrick Jimin Nieto Abanero.

I know I'm kind of underestimating the real meaning of being inlove. Alam ko ring hindi sapat ang maiksing panahon na nakilala ko siya para sabihing inlove ako sa kanya. It's too early to say this but I'm sure of what I'm feeling.

Wala na rin akong pakialam kung ganyan siya. Hindi na 'yan magbabago. But who knows? Kapag nainlove siya sa isang babae ay maging straight siya? Or who really knows? Na ‘yung swerteng babae palang iyon ay ako? Alam kong malabo dahil he's in a relationship with a guy. Pero hindi ko isusuko ang pangarap ko. At lahat ng gusto ko ay nakukuha ko.

I'll take a risk. Even if it means breaking my heart.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon