Ikatatlongpu't dalawang Hakbang

1.5K 109 22
                                    

Ikatatlongpu't dalawang Hakbang

Huli

Tinalikuran niya ako. Nakita kong patungo siya sa kanyang kwarto kaya naman sinundan ko siya.

Papasara pa lang ang pinto kaya pinigil ko ito at pumasok sa loob. Nagulat siya ng makitang nasa loob ako ng kwarto niya. Pinagkunutan niya ako ng noo at pinagtaasan ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na sabi niya.

"Mag-usap nga tayo, kuya Patrick."

"We're already talking."

"Hindi. Gusto ko isantabi mo muna 'yang galit mo sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. Gusto ko, sagutin mo lahat ng itatanong ko." Humalukipkip siya.

"Go ahead. Ano iyong itatanong mo?"

Umayos ako sa pagkakatayo. "Bakit mo ako iniiwasan?"

"Hindi kita iniiwasan, Chi. Imagination mo lang iyon."

"Imagination, kuya Pat? Imagination ba iyong alam ko na hindi ka na namamansin at nagdadahilang busy kahit madalas na makita kita sa sulok sulok ng school na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya? 'Yun ba 'yun, kuya Pat? Imagination lang ba 'yon?

Kahit naman lagi ko siyang nakikita sa school ng hindi niya napapansin ay hindi na ako nag-aatubiling tawagin siya para magpapansin. Hinahayaan ko na lang siya doon at hintaying mapansin niya kahit wala namang kasiguraduhan kung papansinin pa niya ako.

Alam ko naman na dadating 'yung araw na hindi na kami magiging kaibigan e. Lalo na't madalas niya na akong sungitan at hindi pinapansin.

Pero umaasa pa rin akong babalik 'yung dati. Lalo na't madalas siyang sumulpot kapag nag-iisa lang ako at nangangailangan ng tulong.

"Tsk. You're overthinking, Chi. Totoong busy ako pero hindi kita iniiwasan. Kabaliwan lang 'yan."

"Overthinking? Psh. Palagi ka na lang ganyan. You're always saying na busy ka. Hindi mo ako papansinin tapos magugulat na lang ako kinabukasan na tinutulungan mo na ako kapag nangangailangan ako. Katulad ngayon. Dumating ka na lang basta nu'ng wala akong magawa dahil wala akong dalang payong." Huminga ako ng malalim. Pinipigilan na ilabas ang luha kong nagbabadyang tumulo. "Ano ba talaga ako sayo, kuya pat? Naguguluhan na ako sa'yo. Lalo na sa sarili ko. Hindi ko na alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy itong nararamdaman ko sa'yo kahit na patuloy lang akong nasasaktan ng dahil rin sa'yo"

Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng luhang matagal ko nang hindi pinapakawalan.

Nakatingin lang si kuya Patrick sa akin habang lumuluha ang aking mga mata.

"Buti nga dumadating ako sa oras na kailangan mo ko 'diba? Buti nga may concern pa ako sa'yo. Palibhasa nakahanap ka lang ng bagong KAIBIGAN ganyan ka na."

"Bakit? Nagbago ba ako sa'yo? 'Diba nga ikaw iyon? Susulpot ka na lang bigla sa kalagitnaan ng pagkawala mo at kung makitungo ka sa akin ay parang wala kang kakaibang ginawa! Try mo kayang i-explain sa akin 'yung mga pinaggagawa mo 'no? Naguguluhan na kasi ako."

Minsan kasi, sumasagi sa isip ko na baka nagseselos na siya pero naisip kong imposible dahil mahal niya pa rin ang ex niya. Pero kung umasta naman kasi si kuya Patrick ay akala mo laruan lang ako na pwedeng balikan kung kailan niya gusto.

"Hindi mo pa rin ba magets? May iba ka na nga kasi! May iba ng nagpapakilig sa'yo kaya dapat lang na mawala ako. Gano'n naman 'yun diba? Pabor naman ako dun e. Atleast hindi na ako mahihirapan na patigilan ka sa kakasunod sa akin, sa kakasabi na gusto mo ako at higit sa lahat hindi na ako makokonsensya sa'yo dahil kahit kailan hindi ko masuksuklian ang paghanga mo sa akin dahil iisa lang ang nilalaman ng puso ko."

Napaiyak na lalo ako sa narinig. Hinanda ko naman na ang sarili ko sa ganito. Alam ko namang imposible ang pinapangarap kong magkakagusto rin sa akin ang taong gusto ko. Na darating ang araw na sasabihin niya na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kanya pero kahit na ganoon ay nasaktan pa rin ako kahit inexpect ko na na mangyayari ito.

"Alam ko naman e! Alam ko naman na imposibleng magkaroon ako ng kahit maliit na puwang diyan sa puso mo! Pero bakit ang sakit?" Pinunasan ko ang luha sa aking mata. "Ang sakit palang manggaling diyan mismo sa bibig mo. Tsaka sige. Para hindi ka na nga mahirapan pa na patigilin ako, ako na mismo ang lalayo sa iyo. Pero tandaan mo, kuya, walang sinuman ang nakapagparamdam sa akin ng kilig na nararamdaman ko sa'yo gaya ng sinasabi mo. Dahil ikaw lang ang may kakayahan na gawin 'yun sa sistema ko." Tinitigan ko siya sa huling pagkakataon.

Huli na ito. Pangako.

Padabog kong nilisan ang kwarto niya. Dinampot ko sa sala ang plastic ng mga pinamili ko kanina. Lumabas ako ng unit niya kahit na umuulan. Bahala na kung mabasa ako. Bahala na. Basta makalayo ako dito.

Hindi ko na siya gagambalain pa. Sawa na pala siya sa presensya ko e. Dapat sinabi niya matagal na.

Hindi 'yung hindi niya ako pinapansin sa hindi ko alam na dahilan. Sana sinabi niya para hindi na ako umasa at nasaktan pa.

Huli na talaga 'to. Pangako.

I'm really tired of having feelings.

Isang buong gabi rin akong umiyak dahil sa sinabi ni kuya Patrick. Pero sinigurado kong kinabukasan wala nang tutulong luha mula sa mata ko.

Nagawa ko naman e. Hindi na ako umiyak ulit dahil sa sinabi niya. Pero hindi ko pa rin nagawang magsaya at makipagbiruan sa mga kaibigan kong walang ibang ginawa kundi ang pagtripan ang pagiging balisa ko.

Tatlong araw na ang lumipas simula ng sinabi niya sa akin iyon. Masakit alam mo 'yun?

Kahit wala naman talagang namagitan. Pero kasi alam niya namang may feelings ako sa kanya diba? Alam niya naman na pwede akong masaktan sa ginagawa niya pero ginawa niya pa rin.

Nakipag-kaibigan siya sa taong alam niyang may gusto sa kanya. Pinaramdam sa'yo na special ka pero iiwan ka rin pala.

Gag*

Nakakaloko siya.

Wala kaming pasok ngayon kaya ito at naisipan ko na namang magdrama. Nakakainis! Wrong timing palagi kapag walang pasok. Dapat busy ako ngayon e. Para walang kadramahan na nagaganap.

Hawak ko ang cellphone kong nanahimik ngayon. Walang message. Walang tweet. Nakakainis!

Nagscroll-scroll ako sa twitter at nakitingin ng mga tweet. Maya-maya lang nakita ko na naman ang tweet ni kuya Patrick kaninang umaga.

Pinindot ko ang pangalan niya at nakarating ako sa profile niya. Doon ko sinimulang i-stalk na naman ang profile niya. Matagal ko na pala itong 'di nagagawa.

Ang saya pala ng ganitong feeling.

Nakita kong tweet niya.

Ay sheyt! Anong ibig sabihin niya? Masaya siya at wala ng Chinita Ann na gumagambala sa kanya?

Agad akong nagtype ng tweet.

Alam mo 'yung masakit? 'Yung umasa ka kasi pinaramdam sa'yong special ka.

Tweet sent.

Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng tweet.

Hoy, Chinita Ann! Stop stalking HIM! How can you moved on if you keep on stalking? Tama na kaka-stalk. Masasaktan ka lang.

Halos mapamura ako sa tweet ni Harold. Punyeta siya a? Bestfriend ba talaga kita?

Pakyu, Harold. You don't know how it feels.

Napapa-english tuloy ako ng wala sa oras. Punyemas kasing Harold! Lalong sinira ang mood ko.

Alam ko, Chi! I've been there remember? Masakit pero tanggapin mo. May mga tao lang talaga dadating sa buhay mo para saktan ka.

Natouch ako sa sinabi ni Harold. Totoo. Totoo ang sinabi niya.

In-exit ko ang twitter ko at nag-ayos ng sarili. Lilibangin ko na lang ang sarili ko. Pupunta akong mall at magdadala ako ng payong.

Ayoko nang makisilong sa kahit kanino dahil baka saktan na naman nila ako.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon