Ikadalawampu't apat na Hakbang

1.7K 126 15
                                    

Ikadalawampu't apat na Hakbang

Willing

Kanina pa namin hinahanap si kuya Patrick sa fourth floor pero hindi siya mahagilap. Kanina lang ay ka-chat ko siya at sabi niya'y kanina pa siya nasa school. Pero hindi ko naman siya makita! Hinahanap siya ng adviser namin at mukhang may mahalagang itatanong. Ewan ko lang kung bakit ako ang napagdiskitahan na paghanapin dun. Buti na lang kasama ko si Harold sa paghahanap.

"Be, kung ka-chat mo siya kanina, bakit hindi mo i-chat ngayon para malaman natin kung nasaan siya." Nasa south wing kami ngayon at nagbabakasakali na makita namin siya sa library.

"Kanina ko pa yun sinubukan. Hindi naman nagrereply."

"Sineen naman ba niya?"

"'Yun nga ang masakit e. Hindi man lang niya sineen." Nakasimangot kong turan.

Panay ang tingin ko sa cellphone ko at naghihintay ng reply niya sa chat ko.

"E baka naman hindi online?"

"Anong hindi? Online siya hanggang ngayon. Mukhang in-snob ang message ko." Hindi ko na napagilan na ngumuso.

Panigurado ay mukhang bibe na naman ako dahil sa pag-nguso ko.

"Nagdrama ka na naman, Chi, eto library o. Pasok na. Ikaw na humanap sa kanya." Iginiya niya ako sa pintuan ng library. At gaya nga ng sinabi niya ay pumasok ako doon at hinanap si Patrick Starfish.

Bawat daanan sa pagitan ng mga book shelves ay tinignan ko upang masigurado na hindi ko siya masalisihan. Pero kahit ilang ulit akong magpabalik-balik ay hindi ko siya nakita. Maliit lamang ang library dito sa fourth floor pero nagmistulang malaki dahil sa hindi ko mahanap ang taong ayaw magpakita.

Lumabas ako ng library at malungkot na inihayag kay Harold na wala doon ang kanina pa naming hinahanap. Kaya naman kahit na labag man sa kalooban ko na sumuko at bumalik sa classroom ay ginawa ko.

Wala na akong magagawa, ayaw magpahanap e. Tapos na ang oras na binigay sa amin para hanapin si kuya Patrick.

Muli kaming nakinig sa klase. Itinuturo ngayon ni Sir ang pang-anim na lesson sa retorika. Kahit na gusto ko ang itinuturo niya ay lumilipad ang isip ko. Panay ang silip ko sa phone ko at naghihintay na kahit maseen man lang ang message ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala. Alam kong malaki na iyon at alam niya ang ginagawa niya pero sa pag-uusap namin kanina sa chat ay parang naiinis siyang kausap ako. Iritable ang dating sa akin ng lahat ng reply niya.

Wala naman akong masamang nagawa o nasabi sa kanya kahapon para magalit siya. Actually, kahapon niya pa ako sinusungitan nu'ng kinausap niya ako sa labas habang hinihintay na maturuan ng kanta.

Natapos ang klase namin nang wala akong alam. Siguro ay manghihiram na lang ako kay Giselle ng notes para mabasa. Tinatamad talaga ako ngayon. Ewan ko kung bakit na naman.

"Chi, pagkatapos ng lunch, turuan ulit kita." Sabi ni Jake nang makasalubong namin siya nila Giselle sa hagdanan pababa ng canteen.

Tumango lamang ako bilang sagot. Kahit wala ako sa mood ay magpapaturo pa rin ako. Tutal ay siya naman ngayon ang nag-alok kaya hindi ako tatanggi. Nakakahiya naman kasi dahil ako na nga itong tuturuan niya.

"Napapansin ko lang, Chi a? Nitong mga nakaraang araw, si Jake ang kasama mo at hindi si kuya Patrick. Anong nangyari? Hindi na kayo friends?" Tanong ni Mae Ann dahilan para mapalingon ako. Tama. Si Jake na ang madalas na kasama ko.

Nasa canteen kami at kumakain ng lunch. Sila ay heavy meal ang kinakain samantalang ako ay pasta lang. Wala kasi talaga akong gana atsaka bigla kong namiss ang pasta. Just like how I miss kuya Pat.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon