Ikaapatnapung Hakbang
Intramuros
Bumalik kaming pa-Maynila ng hindi ko masyadong na-enjoy ang pananatili sa Bulacan. Pagkatapos kasi ng pagsisinungaling ni kuya Patrick sa kanyang ina ay wala na akong gana na bumalik sa bahay nila Giselle.
Nage-enjoy sila sa mga ginagawa nila sa taniman, samantalang ako ay nakatunganga lang. Tinanong nga nila kung anong nangyari sa akin pero hindi ko sinagot. Nagtanong din sila kung saan ako nanggaling pagkagising ko, pero ang sagot ko ay diyan lang sa tabi-tabi.
Ayoko na kasing ipagkalat pa sa kanila kung anong nangyari. Para kasing nakakahiya pa kung ikukwento ko sa kanila. Para kasing hinayaan ko lang na gawin 'yun ni kuya Patrick.
Baka akalain nila, gusto ko pa rin siya.
Pumasok ako sa gate ng university ng tulala. Napuyat ako kagabi dahil ayaw akong patulugin ni Lhieanne. Doon ako natulog sa kanila kagabi. Isabay mo pa na panay ang chat sa akin ni Jake at kinukulit ako.
"Boo!" Nabitawan ko ang mga dala kong libro dahil sa gulat.
Dali-dali akong yumuko at dinampot ang bawat librong nahulog. Mabuti na lang ng may nakita akong mga kamay na tumulong sa pagkuha nito.
"Sorry. Hindi ko alam na magugulat ka." Inabot sa akin ni Jake ang huling librong nakuha niya. Nakaupo pa rin kami dahil sa pagpupulot.
"Ikaw lang pala 'yan, Jake." I smiled at him. Tinulungan niya naman akong tumayo.
"Yeah. Masyado kang maraming iniisip. Kanina pa kaya kita sinusundan." Bahagya niya akong inilapit sa kanya gamit ang kanyang kaliwang kamay na inilapat sa aking beywang.
Nailang ako kaya naman tinignan ko siya. Lumingon siya sa akin ng nakangisi.
"Okay lang naman, 'di ba?" Tumango na lang ako bilang sagot. Ayoko namang masamain ang gestures niyang ganito.
"So, Chi, napag-isipan mo na ba ang tinatanong ko sa'yo kagabi?" Muli akong napalingon sa kanya. Nasa gymnasium na kaming dalawa at nakaupo sa bleachers habang hinihintay ang iba naming kaklase para sa una naming subject.
Tinutukoy niya ang pagpunta namin sa Intramuros para mamasyal. Hindi ako nakasagot sa kanya kagabi dahil nakatulog na ako.
"Uhmm.. okay sige. Pero--"
"Okay. Sa sunday a? Susunduin kita sa inyo." Ngiting-ngiting turan niya. Halos magkasalubong naman ang kilay ko.
Why is he so excited? Wala namang dapat ikasaya sa pagpunta sa Intramuros diba? He's weird.
"Chinita Ann Gutierrez slash my stalker bestfriend! Saan ka ba nanggaling at kanina pa kita hinahanap?" Sigaw ni Harold habang papunta sa kinalulugaran namin ni Jake.
Tinignan ko siya ng nagtatakang ekspresyon. Kung ano-ano na naman ang pinagsasabi niya. Hindi ko nga alam na hinahanap niya ako.
"Punyeta ka, Chi! Malandi ka!" Hinampas niya ang braso ko pagkalapit niya. Ininda ko ang sakit ng kanyang hataw kaya naman ginantihan ko siya.
"Walanghiya ka! Manang-mana ka talaga sa punyetong 'yon! Gustong-gusto niyo talagang sinasaktan ako no?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
May sumilay na mapaglarong ngiti sa kanyang labi na halos ikainis ko dahil alam ko kung ano na naman ang nasa isip niya.
"Jake, mawalang galang na pero pwedeng chumupi ka muna kay Chinita kahit saglit lang? Bestfriend talk 'to o? Hindi mo ba nahahalata?" Napangisi ako sa kabaklaan ng bestfriend ko.
Nagsimula ang pagkainis niya kay Jake nang pormal siyang magtanong sa akin kung pwedeng manligaw. Pero kahit na gano'n ay mas pabor pa rin siya dito kumpara kay kuya Patrick. Siya pa nga ang pinakapasimuno n'ung kinantahan ako ni Jake sa harap ng klase.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
Chick-LitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...