Ikadalawampu't anim na Hakbang
Delikado
Nakarating na kami sa bahay nila Giselle. Malayo ito sa Maynila. Ilang oras din ang inupo namin sa bus para makarating sa Bulacan. Ganito pala kalayo rito kaya pala naisipan niyang magboarding house na lang.
Namangha ako sa magandang kapaligiran dito. Maraming puno at may mga malilinaw pang mga ilog na pwedeng paliguan, ayon kay Giselle. Tahimik din ang palagid. May sariwang hangin.
Pinagmasdan ko ang bakuran nila. Malawak ito ay may mga tanim pa na mga gulay katulad ng sibuyas, repolyo at may puno ng sampalok sa di kalayuan.
"Ang sarap siguro tumira rito." Turan ni Mae Ann habang sumisimsim ng juice na ibinigay sa amin ng mama ni Giselle. Nasa veranda kami at tinatanaw ang kabuuan ng kalupaan nila.
Kami lang ni Mae Ann ang nakapunta rito. Umuwi kasi si Nanette sa kanila kaya hindi nakasama. Si Harold naman ay tagarito rin pero ibang baryo. Balak nga sana naming surpresahin pagpunta namin doon.
Tapos na naman ang isang semestre kaya naman habang walang pasok ay sinamantala na namin ito upang makapag-gala. Siguro ay titigil kami rito ng mga isang linggo para lang makapagpahinga sa mababahong usok sa Maynila.
"Oo nga e. Pero kung papipiliin ka, dito o sa Maynila?" Napaisip siya sa tanong ko. Miski ako ay napaisip.
Sa pagmamasid ko, maayos ang pamumuhay nila dito. Hindi naman ito katulad sa ibang probinsya na walang signal, walang kuryente at puro kubo ang bahay. Halos lahat nga ng bahay rito ay gawa sa bato. Katulad ng bahay na kinaroroonan namin ngayon.
Kulay cream ang bahay nila at brown ang ibang detalye. Malaki ito. Two-storey house at ang aliwalas ng paligid kahit na tirik na tirik ang araw. Sa gilid naman nito ay may isang bahay kubo na mayroong malaking duyan na nakasabit.
"Hindi ko alam e. Okay na rin siguro sa Maynila. Atleast doon hindi malayo sa school." Napatango na lang ako. Wala ako sa mood makipaglokohan ngayon kaya naman hinayaan ko na lang siya.
Kahit pagod sa byahe ay nagawa pa naming magpuyat kagabi. Nagkaroon kami ng konting pagkukwentuhan tungkol sa lugar at nanood na rin ng mga kwento sa libro na isinapelikula.
Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Wala na ang mga katabi ko sa higaan. Dumiretso ako sa banyo ng kwarto nila Giselle at naghilamos at nagsipilyo na rin. Pagkababa ko ay naabutan ko si Mae Ann na nasa hapag at kumakain ng almusal. Niyaya niya akong sabayan siya kaya naman mabilis akong nagtungo doon.
"Alam mo ba?" Humagikgik siya. "May bisita pa ulit sila kagabi bukod sa atin. Pinsan daw nila. Dun nga daw natulog sa katabing kwarto natin e." Muli siyang humagikgik at kinapitan ang braso ko. "Gwapo siguro 'yun. Kamukha nila Giselle at may matangos na ilong. Gosh! Gusto ko na siyang makita." Biglang kumunot ang noo ko. Boyish kung manamit at kumilos ng babaeng ito pero may kalandiang taglay. Dinaig pa si Harold sa kalandian.
Hindi ko alam na may pagkamalandi rin ang isang ito. And speaking of gwapong lalaki. Bigla ko tuloy naalala si kuya Pat. Hindi ko na ulit kasi siya nakita simula nang alagaan ko siya sa unit niya nang nagkasakit siya.
"Kung gwapo nga, may balak kang akitin?" Tinitigan niya ako ng masama. Tinawanan ko lang siya.
"Psh. Hindi ba pwedeng gusto ko lang makita ang kagwapuhan niya? Wala kasi akong makitang gwapo kahapon pagdating natin dito. Naghahanap lang ako ng magandang tanawin." Sabay kaming natawa sa sinabi niya.
Miski ako kahapon ay naghahanap din ng magandang tanawin. Pero sa kasamaang palad, wala akong nakitang gwapo. Kung meron man, hindi maabot ang standards ko.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...