Ikasiyam na Hakbang

2.3K 158 16
                                    

Ikasiyam na Hakbang

Facebook Diary

January 201*

Naiiyak ako. Una nakita ko ang picture na pinost mo. 'Yun naman pala may nagnote sayo ng Saranghae Patrick Abanero sa wall ng 'I want to travel to..', kung yung akin ba nakita mo ia-appreciate mo din ba? Ipopost mo din ba? Mas maganda nga message ko dun sayo eh. Pinasmile pa kita sa note ko. Hindi mo siguro nabasa no? Haaay. Nakakaiyak naman. Sayang lang pala yung effort ko. :(

Nakita ko din kung paano mo binati ang iyong birthday girl na kapatid. Close pala kayo? Buti pa kayo. Bigla ko tuloy nahiling na sana naging kapatid na lang kita para masabihan mo ako ng mga mabulaklak na salita at masabi mo rin yung mga secrets mo at matawag na girlfriend. Sana ako na lang siya para kahit papano nakakasama kita. Pero sobrang imposible ng mga bagay na gusto kong mangyari. Nakatatawa na ganito ang sinusulat ko ngayon dahil sa nararamdaman ko. Halo-halo na kasi. Gulong-gulo na ako kaya kailangan kong mailabas ang nararamdaman ko.

Finollow kita sa twitter at nag-ask ng followback. As expected, finollowback mo nga ako at ni-retweet pa ang tweet ko sayo. Hanggang sa medyo humaba at nagtapos dahil lang sa isang mali kong sagot sa tanong mong 'kumusta?'. Sinagot ko lang naman yun ayon sa pag-unawa ko. Kasi naman diba? Ang alam ko, hindi mo ako kilala. Katulad ng mga iniidolo ko. Hindi alam ang existence ko sa mundong ito. Kaya naman nagtanong ako kung bakit? Bakit mo ako kinukumusta kung hindi mo naman ako kilala? Iniisip ko nga na baka lumalandi ka lang e. Ewan ko nga ba. Ang gulo ng isip ko at ganoon din marahil ang iyo.

Nalaman kong taga bulacan ka pala. Na bakla pala ang mga kaibigan mo at nagdodorm o condo ka. Marami akong nais malaman sayo ngunit parang malabo na atang mangyari iyon.

Ngayon ay pinanghihinaan ako ng loob. Hindi ko alam kung bakit pero kanina lamang ay ipinangako ko sa sarili ko na sisimulan ko na ang gusto kong mangyari. Tapos hindi ko naman magawa dahil na rin siguro sa ginawa mo ngayon.

Alam kong parang hindi tama—mali. Hindi pala talaga tama ang gagawin ko. Babae ako. At hindi dapat ako ang gagawa ng kung anoman itong binabalak ko.

Pumatak ang 11:11 sa aking orasan. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng paghiling na sana ay mapansin mo na ako. Na sana ang nararamdaman natin ay pareho at mahal mo ako katulad ng pagmamahal ko sayo.

Sinubukan ko ang gawaing iyon. Marami kasi akong mga kaibigan na gumagawa ng ganoon sa tuwing sasapit ang oras na iyon. Hihingi sila ng kahilingan at masayang ibabahagi sa iba ang kanilang ginawa.

Matapos kong humiling sa oras ay iminulat ko ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang mukha mong ginawa kong wallpaper ng cellphone ko. (Nakatatawa. Bakit ginagawa ko ito?)

Makayanan ko rin bang ipamahagi sa iba ang ginawa kong kahilingan? Maging masaya kaya ako at sinubukan ko rin ang kanilang ginagawa? Totoo kaya iyon? O parang katuwaan lang?

Na lahat ng kahilingang aking ginagawa ay mananatili lang kahilingan. Na hindi kailanman magiging totoo.

Hindi naman masama kung humiling ako ng ganitong mga bagay hindi ba? Hindi naman siguro masama na hilingin ko na sana ay akin ka. Ang gusto ko lang naman noong una ay maging inspirasyon ka. Hindi ko inasahan na 'yung hiniling ko noon kasabay sa paglisan sa punong pinagdikitan ko ng nararamdaman ko para sayo ay magiging totoo. Na makausap ka. Sobrang saya ko dahil sa nangyaring iyon. Pero hindi ko naman inakalang sa maikling panahon na iyon at wala pa ngang magandang improvement sa binabalak ko ay mukhang wala na agad. Tapos na agad hindi ko pa man tuluyang nauumpisahan.

Masakit.

Masakit umasa na sana maging magkaibigan tayo e. Nasasaktan ako. Alam kong masyadong maaga para magdrama ako ng ganito pero hindi ko maiwasan dahil umasa ako. Sana pala umpisa pa lang wala ng feelings para hindi na lumalim no'ng naglaon.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon