Ikalabing isang Hakbang

2.1K 144 14
                                    

Ikalabing isang Hakbang

Sure

Muli na naman kaming dumiretso sa AVR para magpractice sa gaganaping concert. Nagulat ako dahil nandoon na siya. Nagsasayaw sa gitna at tila ba ay may kinakabisadong step. Nasa tapat siya ng aircon pero nakasuot ng fitted na blaizer. Halatang pambabae iyon pero Paksheyytt!

Bakit mukha siyang HOT sa suot niyang yan. Though payatot naman. Pero bakit ganoon? Ang daya talaga ng itsura niya. Naiinggit ako.

Umupo lang ako sa gilid ng magumpisa na ang practice. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ang step na aming sasayawin kaya naman ay nakikisabay at nanonood na lang ako sa kasalukuyang nagtuturo ngayon sa harapan ng sayaw na si Kuya Pat. Siya ang choreo sa sayaw na ito. Ang dali lang ng mga step at kadalasan ay kpop pa. Ang cute ng ginagawa niya at sinasabayan niya pa ang kanta.

Ang lalim ng boses niya. Major turn on be! He has the look and talent tapos yung boses niya pa. Kinikilig ako.

I think I'm falling harder.

Paano nga kaya kung lumalim ng lumalim ang pagtingin ko sa kanya? Anong posibleng mangyari?

Sa ngayon ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa katanungan kong ito. Maybe I'll just wait for the right time. Sa tamang oras ay malalaman ko rin naman ang kasagutan sa tanong na 'yan. Hindi naman kasi lahat ng tanong ay nasasagot ng agaran e. It takes time.

---

March 04, 201*

I'm fucking happy right now! My gahd! Hindi naman nasayang araw na pumunta ako ng school para sa practice 'coz I know HE'S there. Grabe! Ang gagawin ko lang naman nu'n ay puntahan si Nanette. Hindi ko naman inakala na nandun na pala si kuya Pat at nagkasalubong pa kami. Hala. Napatalikod agad ako eh. Yung tuhod ko parang biglang gustong bumitaw.

Grabe yung feels! Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan. Am I really falling for him? Hindi ko na talaga alam. But all I know is, kinikilig ako sa tuwing alam kong nandiyan siya. Yung tuhod ko ng hihina at bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa presensya niya.

Tapos nang pareho kaming nakaupo sa iisang pwesto, feeling ko ay nakatingin siya sa akin. Not that I'm assuming but he's looking on my direction. O baka sa iba doon lang sa direksyon ko? Sayang nga at nakaharang lang si Myla sa gitna namin kaya hindi kami magkatabi. Okay na ako sa simpleng gestures na ganoon. All I want is his attention. Kahit mapansin niya lang ako.

Kahit malaman niya lang na nage-exist ako. Am I wishing too much? Masama bang hilingin na sana mapansin niya ako? I want to have him. But then, I think it's really impossible. May mahal na naman siyang bago ngayon. Or its just a new fling? Forever na lang ba siyang magmamahal sa maling tao? Hindi ba pwedeng babae na lang ang mahalin niya? Ako? Hindi ba pwedeng ako na lang?

Tinapos ko na ang laman ng diary ko sa araw na ito. Hindi ko talaga alam kung bakit sa tuwing magsusulat ako sa diary ko ay laging magtatapos sa mga tanong na hindi ko naman masagot.

I want to express my feelings lalo na kung kinikilig ako pero ako din mismo ang tumututol sa kahibangan ko. Siguro ay talagang nakaprogram na sa utak ko na kailanman ay hindi magkakagusto sa akin ang taong hinahangaan ko. Na forever na lang akong fan girl dahil ang taong gusto ko ay iyong sikat at hinahangaan din ng karamihan. Yung taong minamahal ng lahat.

Hinarap ko si Harold na ngayon ay nanonood sa practice na nasa harapan namin ngayon. Kasalukuyang sumasayaw si Kuya Patrick sa harap pero hindi ko siya magawang tignan man lang. I want to clear my feelings. Kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ito o hayaan na lamang na nasa ganitong kalagayan ang puso ko.

"Bakla, naguguluhan na ako." Agad din naman siyang napalingon ng sinabi ko ang mga katagang iyon. Nakakunot ang kanyang noo at ang mukha niya ay sobrang seryoso.

"Huh? Bakit? Hindi mo pa rin kabisado ang sayaw mo?" Tanong niya sa akin. May sumilay na ngisi sa kanyang mga labi.

Napa-nguso ako sa sinabi niya. Hindi niya ako naintindihan.

"Ano ka ba? Ang dali-dali lang noon tapos hindi ko pa makabisado? Anong tingin mo sa akin?"

"Frustrated dancer." Binatukan ko siya sa kanyang tinuran. E siraulo naman pala ito e.

"Grabe ka naman sakin. Letse ka!" Pinaghahampas ko siya ng papel na aking hawak. Napakawalanghiya talaga ng baklang ito.

"Easy lang, Chi. Nakikita ka ng punieto mo o?" Sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong malakas ang pagkakasabi niya ng katagang iyon. Hindi ako nakalingon kahit saan dahil baka nga makahalata sila. Lalong lalo na ang nasa aming harapan ay si kuya Pat.

Hindi gaanong malayo ang pwesto ng kanilang pinagsasayawan sa aming pwesto kaya hindi imposible na marinig niya iyon.

Bakit ba kasi sa taong ganito pa ako nagkagusto? Ngayon pa lamang ay puno na ng alinlangan ang aking puso. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ito. Sa tuwing iniisip ko kasi na kaya ko siyang mahalin kahit na hindi niya ako pinapansin ay mayroon pa ring parte sa puso ko na hindi pwede. Hindi tama.

"Harold, seryosong tanong. Ipagpapatuloy ko pa ba itong kahibangan ko?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pagkasabi ko ng mga katagang iyon. Saglit kong tiningnan ang mukha ng lalaking... I mean bakla na hinahangaan ko.

"Ikaw ba? Masaya ka pa ba sa ginagawa mo?" Napatanong din ako sa sarili ko. Masaya pa nga ba ako?

Ang alam ko lang ay okay lang sa akin kahit na hindi niya ako pinapansin. Na okay lang sa akin kahit na nasasayang lang ang effort na ginagawa ko. Alam kong minsan lang ako maging ganito. Pero tingin ko ay sobra naman na ata itong ginagawa ko.

Masakit mahalin ang isang taong wala ka namang kasiguraduhan kung mamahalin ka rin ba niya. Lalo na kung hindi ka naman pinapansin. Hindi alam ang existence mo.

Alam kong magulo ang utak ko. Lagi naman e. Tuwing mag-iisip na ako ng bagay na positibo ay laging may nakadikit na 'paano kung'. Paano kung hindi niya ako pansinin? Paano kung balewalain lang ako? Paano kung hindi ko kaya? Puro 'paano kung' na lang.

Laging may negative na nakadikit sa positive.

Tinitigan ko siya kasabay ng malalim kong pag-iisip.

Kaya ko ba? Ipagpapatuloy ko pa ba?

Anong mangyayari pagkatapos ng lahat? Masasaktan at magkukunwaring balewala lang ang lahat?

Matatapos na ang semestreng ito lalong lalo na ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Sa oras na matapos ang event na ito ay paniguradong wala na ulit kasiguraduhan itong nararamdaman ko. Maraming maaaring mangyari. Hindi ko sigurado itinakda ng panahon.

Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang lahat ng ito? Sasayangin ko na lang ba ang lahat ng nasimulan ko?

Hindi ko alam ang sagot. Hahayaan ko na lang kung anong ididikta ng panahon. Kung bibigyan niya ako ng sign na ipagpatuloy pa ito, malamang ay gagawin ko pa rin ang kahibangan na ito.

Ngayon ay maghihintay na lang ako. Sanay naman na akong maghintay. Hindi na bago sa akin ito. Makapaghihintay ako kahit na matagal masagot lang ang katanungan ko.

Gusto ko ng maayos na sagot. Na hindi ko na kailangang mag-alinlangan kung tama pa ba itong ginagawa ko o tama bang ipagpatuloy ko ang matagal nang naudlot na plano ko.

I want a sure answer. A sure plan. Para may mapagkapitan naman akong may posibilidad na maging tagumpay ang plano ko.

Is it going to be worth it? I don't know.

Aasa na lang muna ako na magiging maayos ito. Aasa na naman ako.

Naduduwag ako. Natatakot.

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-anong bagay.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon