Ikalabintatlong Hakbang
First Note
Matagal-tagal ko ding pinagisipan ang mga kabaliwan na naiisip ko. Nais ko sanang gawin ito sa tamang panahon pero naisip ko na hindi pa ba ito ang tamang panahon?
Wala na kaming pasok ngayon at start na ng bakasyon. Meaning, makakapagpahinga na ako ng maayos pero hindi ko na rin makikita ang beki kong crush. Ewan ko nga ba kasi kung bakit sa dinami-dami ng gwapong lalaki dito sa mundo ay sa isang beking gwapo pa ako nagkagusto.
Minsan nga kapag nakakakita ako ng gwapo, hindi na agad ako nagkakagusto. Unang ginagawa ko ay sinusuri kung straight ba talagang lalaki iyon o katulad ni kuya Patrick na gwapo pero beki. Sa panahon kasi ngayon talagang hindi na uso ang baklang pagandahan. Puro baklang pagwapuhan na. Kaya hindi ako naniniwala sa forever e! Lahat kasi ng bagay ay nagbabago.
O? Hindi ako bitter!
Habang wala akong magawa sa bahay dahil nga pahinga na. Naisipan kong magtwitter at tignan kung nagtweet na ba ang beki kong crush.
Habang nagi-scroll ako pababa, nakita ko ang nag-iisang tweet niya. Ngayon na lang ulit siya nag-tweet sa tinagal-tagal ng panahon.
@octopus: Bagot na bagot na ako sa bahay. Ako lang ba ang walang ginagawa?
Sabi niya. Ang sarap sanang reply-an pero naisip ko na baka sabihin niya ay papampam ako katulad niya.
Gabi na at may nakikita na akong stars sa kalangitan. Gusto kong magbilang ng mga bituin kaso tinatamad ako ngayon. Ano kaya ang pwede kong gawin ngayon?
Nagbasa-basa ako sa twitter ng mga posts. May nabasa akong isang tweet na ikinabukas ng kabaliwan ko. Nakalagay kasi sa tweet niya. 'Goodnight crush' Kaya naman naisip ko na i-DM siya.
To: @octopus
Hello, kuya Pat. Good Night po.
Palakasan pa ng loob yan bago ko naisend sa kanya. Pero dahil umiral ang pagkabaliw ko ay nagawa ko. Marahil ay bilog ang buwan ngayon kaya nababaliw ako.
Ang unang pagpaparamdam.
Things to do inorder to get the beki's BROKEN heart
1. Make him notice you.
2. Be friends with him.
3. Always greet him everytime you see him.
4. Make him feel that you are always beside him.
5. Make extra ordinary things that can divert his mind from his broken heart.
6. Make sure that he will not get into a man to man relationship again.
7.
Wala na akong maisip. Tsaka ko na lang ulit dadagdagan kapag may nasip na ulit ako. Sabaw ang utak ko ngayon e.
Tinago ko na ang kulay pink kong notebook sa drawer ko.
Pangako ko sa unang semestre ng ikalawang taon ko sa university na aming pinapasukan ay sisimulan ko na ang dapat gawin para makuha ang sira niyang puso.
Ewan ko nga ba kasi kung bakit ganyan kabaliw ang baklang iyon at hinahayaan na ang puso niya na saktan lang ng mga random na lalaki na nagiging jowa niya. Kung hindi ba naman tanga ang isang iyon. Naku!
Kung sakaling close na agad kami noon pa ay matagal na 'yan nakatikim sa akin ng kaltok at batok dahil sa katangahan niya.
Tsk! Yung birthday wish niya na iyon? 'Yung someone na makakapagpasaya sa kanya? Hintayin niya. Wag siyang atat! Ako yun. At dadating lang iyong birthday wish niya kapag nasimulan niya na akong pansinin at maging kaibigan.
"Chi, nakakainis na! In-add ko na si crush ko sa facebook pero hindi niya pa rin ako ina-accept! Nakakainis e!" Maktol sa akin ni Harold habang nasa loob kami ng room at naghihintay na dumating ang guro namin.
Second year na kami at ito ang ikalawang araw namin ngayon. Ngayon ko na nga sana sisimulan ang matagal ko nang binabalak pero humahanap pa ako ng tiyempo. Kahapon ay wala silang pasok kaya hindi ko pa rin nagawa. Ngayon sana kaso parang hindi pa ako handa.
"Kawawa ka naman. Hayaan mo na, be. Maghanap ka na lang ng iba, 'yung babae!" Tinawanan ko siya ng tinawanan dahil sa itsura niya ngayon. Palagi siyang nandidiri kapag ipinapareha siya sa babae. Pwera na lamang kay ano.
"Mandiri ka nga, Chi! Gusto ko lang siya! Wala ng iba!" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Sino ba talaga? 'Yung ex ng crush ko o si Giselle?"
"YUUUUCCCKKKK!!! Kadiri ka, Chi! Malamang si FUTURE BOYFRIEND KO."
"Kapal mo! Hindi magiging kayo nu'n." Kinaltukan ko siya dahil sobra na siya kung makapag-assume. Dinaig pa ako! Akala mo naman may pag-asa talaga siya. Ang kapal talaga ng mukha ng baklang 'to.
"Eeehh! Ito naman agaw trip! Alam mo ba?--"
"Hindi pa." Nagulat ako ng bigla niya akong hampasin.
"Magtigil ka nga! Epal ka talaga! As I was saying, sa panaginip ko nagpakasal na kaming dalawa kaya naman hindi talaga imposible na mangyari iyon. Actually sa panaginip ko, wala siyang mukha pero alam ko na siya talaga iyon."
"Gag* multo yun! Anong --"
"Waaahhh!!" Nagtatalon siya sa kanyang kinauupuan. Tinignan ko naman kung saan siya nakatingin at 'yun naman pala ay dumaan ang kanyang crush wich is yung ex boyfriend ng malanding beking crush ko.
"Psh!" 'Yun na lang ang nasabi ko.
"Be, bakit kasi hindi mo na lang akitin 'yung si Punieto mo para sa akin na lang yung punieto ko (Boyfriend ni kuya Pat)? Para everybody happy diba?" Sabi niya matapos niyang pakalmahin ang sarili niya. Hindi ko siya pinigilan sa kabaliwan niya dahil siya naman ang magmumukhang tanga.
"Ayoko nga! Ikaw lang ang magiging maligaya. Binebenta mo na ako a?!"
"Oy hindi a?! Suggestion ko lang naman iyon. Dali na, Chi! Para hindi na lang tayo palaging loveless."
"Adik ka talaga. Hayaan mo, on the way na." Kinindatan ko siya bago ako tumayo sa kinauupuan ko at nagdiretso sa labas ng room patungo sa bakanteng room nila kuya Patrick.
Siguro ay mamaya pa ang klase nila kaya wala pang tao dito sa loob.
Kinuha ko na ang first note na ginawa ko nung nakaraan para idikit na sa pintuan ng classroom nila. Kulay pink ang sticky note na ito. Hindi ako nagpakilala. Hindi pa naman ako tanga.
Bumalik ako sa classroom namin at naghintay ng pagdating ng mga magkaklase doon.
"Hala, Patriiiicckkk!! May nagnote sayo sa pinto! Ghad, Bakla! Ang swerte mo! Basahin mo dali!!" Narinig ko ang boses ng isang bakla sa kabilang room kaya sumilip ako sa bintana upang malaman kung anong nangyayari sa labas.
Nakita kong kinuha ito ni kuya Pat mula sa pagkakadikit nito sa pintuan at binasa ng malakas.
"Hello, Kuya Patrick! I want you to be my friend. From Crazy배."
"Hala, Bakla! Anong ibig sabihin ng mga sulat na yan?"
"Wala ka ng pakialam." Natatawang sabi niya.
"Susme, Pat! Kinikilig ka!"
"Oy ano 'yan?" Nagsilapitan na ang iba pa sa kanyang nga classmate at pinag-aasar na siya. Hindi ko makita kung anong reaksyon niya pero sa tingin ko ay okay naman. Okay naman na ituloy ko pa ang susunod kong binabalak.
First note. ✔
Mukhang umaayon naman sa akin ang tadhana.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...