Matapos naming maligo sa ilog at kumain ng kung ano-ano ay sabay sabay kaming apat na nagtungo sa peryahan malapit lang dito. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa muling pagtapak ko dito o magiging malungkot dahil sa nakaraang hindi ko malilimutan.
Noon pa mang bata ako, alam ko at ramdam ko na kung ano talaga ako. Kada wala si Daddy sa bahay dahil nadidistino siya sa iba't-ibang lugar ay malaya akong nakakapaglaro ng manika't bahay-bahayab kasama ang mga pinsan kong babae. Alam kong palagi akong nakikita ni Mama na naglalaro ng ganoon noon pero hindi niya ako hinusgahan. Hindi siya nagalit. Hinayaan niya ako sa kung anong gusto ko at hindi ako kailanman pinagalitan dahil sa mga ginagawa ko.
Kinabukasan matapos kong magtapos sa elementary ay pumunta kami sa amusement park. Kaming buong pamilya. Kasama ang bunso kong kapatid na noon ay nasa isang taong gulang pa lang.
Kumpleto kami. Si Daddy, si Mama, si Kuya, ako at si bunso. I'm so happy that time. Kasi bihira lang mangyari ang ganito, 'yung kumpleto kami at magkakaroon kami ng masayang gala.
Matapos naming makipagbarilan kay Daddy sa isang booth dahil sa kagustuhan niya ay dumiretso ako sa kung saan sina Mama. Umiiyak noon ang kapatid kong babae at tinuturo ang isang magandang manika na nakadisplay sa isang booth. Nginitian ko siya noon dahil alam kong kaya kong kuhanin 'yun. Pinuntahan ko ito at sa ikalawang tira ay nakuha ko. Sobrang saya ko nu'n at nagawa ko pang panggigilan ang manika bago ko iabot sa kapatid ko. Pero bago ko pa man maiabot ito, bigla na lang akong hinila ni Daddy sa tenga at dinuro-duro ako.
Sa simpleng kilos na 'yun, inakusahan na agad ako ni Daddy ng kung ano. Kung ano-anong salita ang lumabas sa kanyang bibig habang pinagsasabihan ako.
At 'yung araw na 'yun ang hindi ko makakalimutan.
Alam kong bakla na ako bata pa lang ako pero hindi naman ata tama na nakita niya lang na pinanggigilan ko lang sa tuwa iyong manikang iyon ay ganoon kaagad ang reaksyon niya. Hindi ko matanggap. Ang unfair e. Hindi niya man lang ako pinapaliwanag.
He even said that I need to be straight. He want to see my girlfriend kahit wala naman ako no'n. Pinilit niya ako kaya napilitan akong magpakalalaki at maghanap ng babaeng ihaharap kay Daddy. At 'yun ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng girlfriend.
Noong una parang ginamit ko lang siya para sa ikabubuti ko. Pero ang hindi ko mapaniwalaan ay nahulog din ako sa kanya ng hindi ko sinasadya. Pusong mamon e. Madali akong mahulog.
Bumalik lang ang isip ko sa kasalukuyan ng ilagay ni Chinita ang kamay niya sa braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito kaya naman napakunot ang noo ko.
Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa paligid at parang takot na takot na mawala. Kinalas ko ang hawak niya sa akin at marahan kong pinadausdos ang palad ko sa kamay niya.
Nag-iwas ako ng tingin ng makitang napatingin siya sa akin. Diretso ang tingin ko sa daan. Pretending that it's nothing to me but the truth is, sobrang kinakabahan ako.
"Baka mawala ka. Kailangang hawak kita. Tatanga-tanga ka pa naman."
Hindi siya nagreact sa sinabi ko. Tinignan ko ang reaksyon niya pero ang nakita ko ang ngiti niyang malapad.
Bigla akong nakadama ng pamumula. Bakit sa sobrang showy ng babaeng ito ay nahihiya ako? Marahan kong sinampal ang mukha ko.
Punyeta ka, Patrick! Umayos ka!
Kita ko ang sobrang saya sa kanyang mukha ng nakasakay na kami sa ferris wheel. Para siyang batang nakatingin sa labas at manghang-mangha habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
"Wow, kuya Pat! Ang ganda pala talaga dito 'no?" Nakangiti siyang nakatingin sa labas.
"Oo nga. Ang ganda. Ngayon ko lang napagtanto." Wala sa sarili kong turan. Halos mabatukan ko nga ang sarili ko ng marealize ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
Chick-LitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...