Ikaapatnapu't tatlong Hakbang

1.6K 85 58
                                    

Ikaapatnapu't tatlong Hakbang

Fieldtrip

Nagsihiyawan ang mga kaklase ko ng marinig ang balitang tuloy na tuloy na ang lakbay aral ngayong linggo. Matagal nang sinabi sa amin ang lakbay aral na magaganap sa Laguna pero panandaliang sinuspinde ito dahil sa bagyo.

Tuwang-tuwa ang lahat ng dinismiss ang klase. Pinag-uusapan ang magiging lakad samantalang ako ay nakatunganga sa kanilang mga reaksyon.

Hindi ko alam kung excited ako o hindi. I just feel like sitting here and watch them plan for the fieldtrip.

"Chi, lunch na tayo?" Tanong ni Jake sa gilid ko. Katulad ko ay nakaupo lang siya sa gilid at pinanonood ang mga kaklase namin.

Tumango ako bilang sagot. Nagpaalam ako kina Nanette na mauuna na ako at pumayag naman sila. Bumaba kami sa canteen at doon ay bumili ng pagkain.

Tahimik kaming dalawa ng biglang umupo si kuya Patrick sa gilid ko at inilapag ang pagkain niya sa lamesa. Nagkatitigan kami ni Jake.

"Kuya Pat, naligaw ka?" Bati ni Jake sa kanya. Hindi ito pinansin ni kuya Patrick at itinuon ang tingin sa akin.

"Nagustuhan mo ba 'yung kinain natin sa KRestaurant noong nakaraan? Balak ko sanang yayain ka ulit doon kanina, kaso nauna na raw kayong bumaba." Bahagya siyang napasimangot.

"Naguto--" Magsasalita dapat si Jake nang putulin ito ng panibagong salita ni kuya Patrick.

"Pero okay lang naman. Kasabay naman na kita kumain." Ngumiti siya atsaka sinubo ang kanin at ulam na nasa kanyang kutsara.

Nagtataka ako sa kinkilos niya. Nginitian ko muna si Jake bago ko sinubo ang pagkain ko. Alam kong naiinis si kuya Patrick ngayon kay Jake. Halata sa kilos niya. Ayaw niyang pansinin at hindi niya kinakausap. Ako na lang ang hihingi ng paumanhin.

Pumayag na ako na maging kaibigan ulit siya. Para sa ikasasaya ng mga kaibigan ko ay pumayag na ako ngunit bukod doon, ginusto ko rin naman. Namiss ko rin naman siya.

Tuloy ang kwento ni kuya Patrick ng kung ano-ano kaya hindi ko na halos nakausap si Jake maging mapansin. Hindi rin kasi naituon ni kuya Patrick ang atensyon kay Jake kaya ganoon na rin ako. Lumabas tuloy na si Jake pa itong biglang nakisingit sa pagsabay namin sa pagkain.

"Jake, sorry, hindi na tayo nakapag-usap kanina. Si kuya kasi.."

"Okay lang. Mukhang namiss ka ng bestfriend mo." Tinignan ko si Jake ng mabakas ko ang pait sa boses niya.

Nakatingin lang siya sa pisara. Walang emosyon ang kanyang mukha kaya hindi ko mahinuha ang ibig sabihin ng tono niya.

Minsan nagtataka ako sa mga lalaki, paanong ang galing nilang magtago ng nararamdaman. Ang galing nila na hindi ipakita ang tunay na saloobin. They're good at keeping. Sana ganoon din ako.

Dumating ang araw ng lakbay aral. Ang tatlong bus ay kasya lamang para sa aming lahat, mula first year hanggang fourth year.

Sumasakit ang ulo ko pero pinilit kong makarating sa meeting place at makasakay sa bus. Pagkaupong-pagkaupo ko ay natulog ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko na parang binibiyak ang ulo ko.

Nagising lang ako ng maramdaman ang nakapatong na jacket sa balikat ko. Tinignan ko ang kulay itim na jacket at naamoy ang panglalaking halimuyak nito.

Hinanap ko ang mukha ng katabi ko at nakitang si kuya Patrick ay nakahilig sa sandalan na natutulog. Inayos ko ang pagkakaupo at pinagmasdan siyang niyayakap ang sariling katawan sa lamig.

Napangiti ako. He looks so cute. Ang mahaba niyang pilik mata ay nagbibigay buhay sa nakapikit niyang mga mata. His red lips is slighty apart. I heared him snore once at bahagya pang lumitaw ang nag-iisa niyang dimple sa pisngi.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon