Ikalabinganim na Hakbang
First date
Nung tanghalian ding iyon ay nagbalak akong pasalamatan siya sa pamamagitan ng panlilibre sana ng lunch man lang dahil sa kabaitan niya. Pero hindi nagkatagpo ang schedule naming dalawa kaya hindi ko na siya nagawang mayaya.
Kaya ngayong umaga pa lang, ipapaaalam ko na sa kanya agad ang pinaplano kong ilibre siya. Nasa labas ako ng aming silid at nakaupo sa nakalabas na silya. Hinihintay ang pagdating niya.
Alas nuebe na ngunit wala pa siya. Simula ng parehas ang klase namin pero hindi pa siya dumarating. Mabuti na lamang at wala pa ang aming guro dahil makapaghihintay pa ako para masabi sa kanya.
Wala pa naman ding prof sa room nila at balak ko sanang magtanong sa kaklase niya pero bago pa man ako magtanong ay may nagtanong na para sa akin. Hinahanap na din siya ng kanyang kaklase.
"Be, nakita mo na ba si Patrick? May report siya ngayon pero wala pa siya. Baka magalit sa kanya ang donya." Sabi ng isang bakla sa kaibigan ni kuya Pat na babae.
May report pala siya ngayon pero wala pa siya. Nasan na kaya iyon? Baka late? O natutulog pa? Pasaway rin pala ang baklang iyon.
"Ewan ko nga e. Nag-aalala rin ako kasi nagdrunk call siya kagabi. Umiiyak." 'Yun lang ang narinig ko at pumasok na sila sa loob dahil dumating na ang prof na kanina pa nila hinihintay.
Napaisip naman ako. Nagdrunk call siya at umiiyak? Anong nangyari sa kanya? Broken hearted? Na naman?
Ang alam ko kakabalikan lang nila ng boyfriend niya matapos ang kanyang kaarawan. Weird. O baka break na naman sila?
Naghintay ako ng buong maghapon sa kanya pero wala talagang starfish na nagpakita. Pumasok naman ako sa lahat ng klase ko, 'yun nga lang, lutang ang isip ko at hinahanap si kuya Patrick Abanero na biglang na-missing in action. Ewan ko ba sa beking iyon at bigla na lang naglaho na parang bula.
Kinabukasan ay naging busy kami sa umaga pa lang kaya hindi ko na nagawang hanapin o hintayin pa ang baklang kahapon ko pang hinahanap. Bahala na lang kung makita ko siya ng hindi inaasahan.
Dala-dala ko ang projector na nirentahan namin kanina sa baba para ibalik. Naglalakad ako pababa ng hagdan nang makasalubong ko ang isang Patrick Abanero na nakabusangot ang mukha at may mugtong mga mata.
Dire-diretso ang lakad niya at mukhang hindi niya ako nakita.
Nagmadali akong bumaba para maibalik ang projector. Pagkabalik ko ay nagmadali akong umakyat para maabutan siya. At laking pasalamat ko at ang bagal ng lakad niya kaya naabutan ko siyang lutang ang isip at hindi alam kung saan nakatingin. Nasa tapat siya ng salamin sa labas ng cr ng fourth floor. Siya lang mag-isa doon kaya nilapitan ko. 'Yung tingin niya sa salamin ay tagos-tagusan sa mababaw na repleksyon niya. Ganito ba talaga kapag broken hearted?
"Kuya Pat!" Tawag ko sa kanya sabay tapik sa balikat niyang mas mataas sa akin.
Nagulat siya sa ginawa ko at tinignan ako sa pamamagitan ng repleksyon ko sa salamin kung nasaan din siya.
"Andyan ka pala." Ang lungkot ng boses niya. Parang nawala 'yung kembot sa tono niya.
"Oo, kuya. At kanina pa. Bakit mukhang lutang ka?" Tanong ko. Gusto ko din sanang tanungin ang dahilan ng pagliban niya sa klase kaso nahiya akong bigla dahil baka isipin niya ay alam ko ang bawat galaw niya.
"Wala lang 'to. Hindi ako gaanong nakatulog." Inaayos niya ang nakabagsak niyang buhok. Pinipilit niya itong itaas kahit na sa lambot nito ay patuloy pa ring bumabagsak. Hindi niya mapatayo.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...