Ikaapatnapu't anim na Hakbang

1.7K 79 22
                                    

Ikaapatnapu't anim na Hakbang

Want

Dumating na ang araw na ayokong mangyari. Sabi ni Ahma sa akin kahapon ay gusto niya na daw makausap ang pamilya ni Jake. Siyempre, kung ano-anong dahilan ang sinabi ko na kesyo busy kami sa school at may kung ano-anong projects pero nanalo pa rin sila.

Tinawagan nila si Jake at agad namang pumayag ang mga magulang niya para sa isang dinner.

At ito na nga ang araw na ito.

Lahat sila ay prepared na para sa dinner sa isang restaurant sa BGC. Tuloy na tuloy na talaga dahil nakapagpaserve na sila doon at nakabihis na sila.

Ako naman na kakarating lang galing sa eskwelahan ay agad na inayusan ni Tita.

"Marami kaming nalaman about sa pamilya Chua at gustong-gusto talaga siya ni Ahma para sa iyo, hija. Sana hindi mo sayangin ang chance para makuha mo ang amor ng lola mo." Nagtaka ako sa sinabi ni Tita.

"Paano po kayo nagkaroon ng impormasyon tungkol sa kanila?"

"Nagpaimbestiga ang Ahma. Kilala ang pamilya nila sa business industry. May-ari sila ng isang publishing house sa Quezon city. Paanong hindi mo alam ang background ni Jake?"

"Hindi naman po kasi kami masyadong nag-uusap ng mga personal na bagay. We're friends at nage-enjoy lang kami sa company ng bawat isa." Pag-amin ko.

"Sana inalam mo muna. Paano pala kung masamang tao siya? Hindi ka nag-iingat. Kilala ka na bilang anak ng isang Gutierrez kaya dapat maingat ka."

"Sorry po."

Bumaba na kami sa sala at handa na silang lahat. Labag man sa loob ko, sumama ako sa kanila papunta sa Chinese restaurant na kakainan namin. Nandoon na sila Jake at nakangiti nila kaming sinalubong.

"I'm sorry for being late." Bungad ni Daddy sa lalaking may makisig na pangangatawan at may pagkahawig kay Jake.

"It's okay, mister Gutierrez. Kadarating lang din naman namin." Iminuwestra nito ang pagpapaupo sa amin.

Inilahad ni Jake ang upuang nasa kanyang tabi. Tumayo pa siya at inayos ang upuan bago ako pinaupo. Lahat ng mata nila'y nakatuon sa amin. Hindi ko mapigilang ang pagkuyom ng kamao ko.

Gusto kong sapakin ngayon din si Jake dahil sa ginagawa niya ngayon. Bakit hindi niya ba maramdaman na ayaw ko na? Wala ba sa bokubolaryo niya ang salitang pagsuko?

Marahan akong umupo doon. Umupo din naman siya sa katabi kong silya at tumingin sa akin. Nakangiti.

"Ehem... So, let's begin our dinner?" Tanong ng Daddy ni Jake.

Nagpakilala ang bawat isa. Ang ama ni Jake ay nagngangalang Jericco Chua at ang kanyang ina naman ay Alice. Si Mr. Chua pala ay ang owner ng publishing company na nagpa-publish ng mga paborito kong libro samantalang si Mrs. Chua naman ay pure Filipina na taga-pangasiwa naman ng kompanya. Jake is the only child gano'n din ang papa niya. They're Chinese but they don't really follow the traditions unlike Ahma.

Nagpatuloy ang pag-uusap nila sa business matapos naming kumain. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila dahil in the first place, I hate how business works. May masama na akong impresyon sa business kaya never ko itong nagustuhan.

Nagpaalam akong lalabas muna upang magpahangin. Nasa bench na ako at nakaupo ng maramdaman kong sumunod pala si Jake sa akin.

"Akala ko hindi ka pupunta dahil hindi mo pa rin ako napapatawad." Nakangisi siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ako ganon, Jake." Halos umikot na ang mata ko sa sobrang inis sa kanya. I don't want to be rude pero naiinis ako.

"Oo nga naman. Uhm... Chi, hindi mo pa rin ba ako napapatawad sa nagawa ko?" Bakas ang pag-aalangan sa kanyang boses. Sinilip ko siya sa gilid ng aking mata at nakitang sa malayo siya nakatingin. Napabuntong hininga na lang ako.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon