Ikatatlongpu't limang Hakbang

1.6K 102 21
                                    

Ikatatlongpu't limang Hakbang

Necklace

It's my eighteenth birthday at sobrang excited ako ngayon. My dad wants to celebrate it kahit na ayaw ko. Sabi niya ay gusto niyang maranasan ko ang magdebut at ipakikilala niya na rin ako bilang anak niya.

My dad is a business man. Kilala siya sa business industry but not that rich.

Inimbitahan niya ang mga malalapit niyang kaibigan at mga kasosyo sa business. Ininvite ko din ang ilan sa mga kaibigan ko.

This is not so elegant debut according to my father. Pero para sa akin ay sobrang elegante na nito.

"Ladies and gentlemen, let's all welcome the debutant, Miss Chinita Ann Gutierrez." Sabi ng emcee matapos magsabi ng konting introduction tungkol sa akin.

Pagkabukas ng pulang kurtina ay dahan-dahan akong bumaba sa mahabang hagdan ng hotel. Doon ko nakita ang mga bisita na nasa kanya-kanyang lamesa na may kulay pink na tela at konting touch ng brown. They are all wearing a dress. Nakaayos din sila Nanette ng makita ko sa di kalayuan. Napangiti ako.

Pink and brown ang motif ng debut ko. May kaunting white din akong nakita para sa maliliit na details. And I'm wearing a pink long gown na may shining beads pa sa bandang itaas. I don't know how to explain what I'am wearing now, masyado akong nagagalak sa party-ng ito. Bukod pa don, ito ang unang beses ko na makasuot ng gown na ganito.

Pagkarating ko sa baba ay may lalaking nakaitim na tux at maskara na naglahad ng kamay. Ibinigay ko naman sa kanya ang kamay ko gaya ng sinabi niya. Halos kilabutan naman ako ng marinig ang boses niya.

"You're so beautiful tonight." Parang pamilyar sa akin ang boses niya but I can't recognize him.

Kung sino man siya, kaya niyang mapatindig ang balahibo ko gamit lang ang salita niya.

Iginiya niya ako sa papuntang center stage. May mga ilang hindi ko kilalang tao na nagperform sa harapan. Pinalakpakan ko sila dahil ang ganda ng naging performance nila.

Nagulat ako ng makita ko si Daddy na nasa harapan na. He's looking at me. At katulad ng lalaking nasa tabi ko ngayon, my dad is also wearing a black tux and a bow tie. Ang gwapo ng daddy ko.

"Hello, everyone. I am very glad to introduce you my daughter, Chinita Ann." Tumingin siya sa akin.

"Alam kong hindi niyo alam na may isa pa pala akong anak bukod kay Lhieanne. Pero this girl in front of you is my eldest daughter. At ikinagagalak kong sabihin sa inyo na anak ko siya." Pumikit si Dad pagkatapos ay yumuko.

Naiiyak ako. But I manage not to cry infront of this people. Sayang din kasi ang make-up ko ngayon.

"Sorry anak kung hindi ka nagawang bantayan ni Daddy sa loob ng halos labingwalong taon. I'm so sorry for that. Natakot lang naman ako nun na panagutan ka. Buti na lang si Lhieanne na mismo ang humiling ng ate kaya hinanap kita." Napatingin ako kay Lhieanne na nakangiting nakatingin ka Daddy. Maya-maya lang ay lumapit siya dito at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata ni Dad.

"I just wish my eldest daughter to find a person for you. Alam kong eighteen ka na at legal ka na. Hindi na ako magtataka kung isang araw malaman ko na lang na may boyfriend ka na. But anak, sana mahanap mo yung taong makapagbibigay sayo ng kaligayahan at higit na pagmamahal. Dahil iyon ang naging pagkakamali ko sa mommy mo. Hindi ko naibigay sa kanya iyon kaya hinihiling ko na sana mahanap mo iyon sa taong mamahalin mo."

Doon nagsimulang tumulo ang luha ko.

Sana mahanap mo sa taong mamahalin mo ang tunay na pagmamahal.

I smiled bitterly. May mahal na po ako. Pero hindi niya masuklian ang pagmamahal ko sa kanya dahil baliw na baliw siya sa taong gusto niya.

Gusto kong sabihin iyon kay Daddy. Pero ayoko. Gusto ko nang kalimutan siya.

Inabutan ako ng escort ko ng panyo. Kinuha ko ito at pinunas sa luha ko. I smiled at him. Pero nanatiling blangko ang ekspresyon niya. Mata niya lang naman ang natatakpan ng maskara.

Nagbigay rin ng message ang mga kaibigan ko. Iba sa mga kaklase ko at maging si Jake ay nagbigay ng mensahe. I know he's courting me for like two months at naghihintay siyang sagutin ko na siya. Pero sa tingin ko ay hindi pa ako handa.

Hindi pa kasi ako tuluyang nakakalimot kay kuya Patrick. Nag-iwan kasi siya ng malaking peklat sa puso ko. He's the first person who hurt me so much.

I've never been inlove. Tapos nagkagusto ako sa hindi straight na lalaki tapos nasaktan. Hindi lang basta nasaktan dahil umasa ako na kahit ganon siya ay mamahalin niya din ako.

Akala ko lang pala ang lahat.

"Chi, my dear bestfriend na sobrang moody at nasobrahan sa pagkastalker, Happy eighteenth birthday sa'yo. Sana tigilan mo na ang pagiging stalker mo. Alam ko naman na pang-fangirl talaga iyon pero wag mo naman sanang ina-apply sa taong hindi deserve 'diba? May taong naghihintay sa'yo. Sana mapansin mo siya at kalimutan mo na ang BIAS mo. Hindi niya alam ang existence mo diba? Hanapin mo na lang ang taong handang maging stalker para lang sa'yo." Natatawa ako sa bawat salitang binibitiwan ni Harold.

Galit siya kay kuya Patrick. Dahil akala niya ay forever ko na daw ito. Alam kong pinapatamaan niya ang taong wala naman dito. Pero laking pasalamat ko dahil kahit nainlove ako sa hindi straight na lalaki ay may bestfriend naman akong kagaya niya pero hindi katulad ng ugali niya.

18th dance nang lumapit sa akin ang escort ko. Hindi ko talaga siya kilala. Hindi ko alam kung saan siya nakuha ng organizer. Wala naman akong matandaan na binilin ni Daddy na kumuha siya ng kung sino. And I expect Jake as my escort and not this guy.

"Happy birthday." Bulong niya nang inabot niya ang rosas sa akin.

Muli na naman akong kinabahan. Narinig ko na ang boses na iyon pero hindi ko talaga matandaan kung kanino. Hindi rin ang boses ni kuya Patrick ito.

Pero asa pa, Chi. Imposibleng si Patrick ito.

Natapos ang party at nagpapahinga na lang kaming magkakaibigan sa kwarto ko sa bahay nila Daddy. Panay ang panunukso nila sa akin kay Jake pati na rin sa escort ko.

Hindi ko nga pala kilala ang taong 'yun. My dad gave a him chance to speak infront of my guest pero ayaw niya. Naging misteryoso tuloy siya para sa akin.

At nakatatawa man, hinintay ko si kuya Patrick. Nakakatanga dahil inisip kong totoo ang sinabi niya noon. Hindi niya sinabing pupunta siya. Hindi ko rin naman siya inimbitahan. Pero sabi niya'y magkikita kami. Pero wala. Akala ko na naman.

Gabi nang nagbukas ako ng mga messages. Marami ang bumati sa akin. Natutuwa ako sa bawat mensaheng nababasa ko. Pero natapos ko ang pagbabasa nang hindi man lang makakita ng kahit na ano galing kay kuya Patrick. Iyon pa rin ang last message niya sa akin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dumiretso ako sa kabilang kwarto para makita ang mga regalong natanggap ko. Inuna kong buksan ang galing sa mga kaibigan ko.

Binigyan ako ni Nanette ng complete set ng honeymoon kit. Si Mae Ann naman ay binigyan ako ng lingerie at si Harold ay isang box ng condom.

Napamura ako. Nagbirthday ako! Hindi ako kinasal pero bakit ganito ang nakuha ko? Mga walanghiya talaga ang mga kaibigan ko.

Ang matinong regalo lang na nakuha ko sa kanila ay yung kay Giselle. Isang libro na naglalaman ng mga tips sa pag-ibig. Napangiti ako.

Kailangan na kailangan ko ito ngayon.

Ang huling binuksan ko ay sa hindi ko kilalang nagregalo. Wala kasing pangalan na nakalagay doon. Tanging greeting lang ng happy birthday ang nandoon.

Binuksan ko ito. Isang necklace na may bow and arrow ni cupid.

Ang ganda! Sino naman kaya ang nagbigay sa akin nito?

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon