Ikatatlongpu't anim na Hakbang
Panaginip
Nagising ako sa gitna ng aking malalim na tulog ng may narinig akong kalampag sa bintana. Bumangon ako at tinignan ang ingay doon.
Nagulat ako ng makita ang isang lalaki na nakamaskara na nasa ibaba na nakatingin sa akin. Yung lalaking nakamaskara na escort ko nung party.
Nangunot ang noo ko. Bakit hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kanyang kasuotan? Hindi ba't isang araw na ang nakalipas simula ng debut ko?
Sumenyas siya sa akin na bumaba ako. Umiling ako. Hindi maaari. Baka magising ang kasama ko sa bahay at pagalitan pa ako. Hindi ko siya pinansin kaya naman nagsimula na naman siyang magbato sa sarado kong bintana.
Nangunot na ang noo ko. Kapag ako nahuli ni Daddy sa kalokohan ng isang 'to ay mababatukan ko 'to.
Bumaba ako pagkatapos kong pakiramdaman kung may gising pa ba sa bahay. Dumaan ako sa kitchen at doon ko nakita ang lalaking nakamaskara.
"Anong kailangan mo? At pano ka nakapasok sa gate?" Umiling lang siya bilang sagot. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin doon kaya nung nag-aya siya na sundan ko siya sa may garden ay sumunod ako.
Magkaharap kaming dalawa sa tapat ng fountain. Tinitignan niya ang kwintas na nasa aking leeg. Kahit madilim ay naaaninag ko ang mata niya kung saan iyon nakatingin.
Tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Bakit?" 'Yun na lang ang lumbas sa bibig ko. Parang pamilyar talaga ang lalaking 'to. Hindi ko lang talaga maaalala kung saan ko siya nakita.
"Buti tinanggap mo ang kwintas na 'yan." Sabi niya sa malumanay na paraan. Tumango ako bilang sagot.
"Nagustuhan mo ba?" Muli niyang tanong.
"Oo. Ikaw ba ang nagbigay nito?" Nakita ko ang pagsilay ng kanyang munting ngiti.
"Mabuti naman kung ganoon." Hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi niya man sinabi ng diretso na sa kanya galing ang kwintas na ito ay alam ko na ang sagot. Base sa ngiti niya at pagkislap ng mata niya, alam ko na ang sagot.
"Maaari ba kitang isayaw?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Sayaw? Pero walang music. Paano tayo sasayaw?"
"Pakinggan mo lang ang tibok ng puso mo." Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay ko na hawak niya sa tapat ng dibdib ko. Doon ko na nadama kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Pero kahit na ang bilis nito, parang isa itong musika na may sariling tunog. Dinama ko ito.
"Parehas tayo ng tibok." Napakagat ako sa ibabang labi ko sa sinabi niya.
Pinikit ko ang mata ko. Pakiramdam ko ay si kuya Patrick ang kasama ko. Siya lang naman ang may kayang patibukin ng ganito ang puso ko e. Siya lang ang tanging kayang magpatibok ng ganito.
Kasabay ng pagtibok ng puso ko ay sumabay kami sa pagsayaw. Nakapikit ang mata ko habang nararamdaman ang paggalaw ng aking paa kasabay ng tinutukoy niyang musika.
Natapos ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng sandaling tumigil kami sa pagsasayaw. Dumilat ako. Nakita ko ang kanyang mata na nakatuon sa akin. Sa aking labi. Napalunok ako.
Unti-unti siyang lumalapit. Ang konting distansya namin sa isa't-isa ay lalong nababawasan. Napapikit na lang ako ng maramdaman ang kanyang ilong na tumama sa akin.
Pakiramdam ko siya ito. Pakiramdam ko muli na namang bumabalik ang nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko mali ito.
Ngunit nang tuluyan niya nang nahagkan ang aking labi ay wala akong naging palag. Sandali lang iyong naging halik pero napatulala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/27112745-288-k58917.jpg)
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...