Patrick's

1.9K 151 16
                                    

Patrick's

Second note

Nakangiti ako habang papasok sa malaking gate ng university namin. Masaya ako kasi hanggang ngayon ay naalala ko pa kung paano akong nagulat at na-touch sa taong nagbigay ng note sa akin kahapon. Alam kong simpleng Hello lang iyon at nagsasabing gusto niya akong maging kaibigan pero laking tulong na sa akin iyon para ngumiti. Ilang araw na rin kasi akong malungkot at nagiisip kaya naman labis na ikinasiya iyon ng puso ko.

Maraming salamat sa taong nagbigay no'n.

Bago pa man ako tuluyang makarating sa classroom ay nakasalubong ko na naman ang babaeng sinasabi ni Nanette na may gusto sa akin.

Minsan nga nagtataka ako. Kung totoong may gusto itong babaeng ito sa akin, bakit hindi ko naman ata madama? I mean, hindi siya katulad ng iba na pinipilit na makipag-usap sa akin o makipag-close. At tulad ngayon, nakatungo lang siyang dumaan sa harap ko at hindi man lang bumati. Imposibleng hindi niya ako kilala. Siya yung nagtweet sa akin dati na nagco-confirm kung ako nga ba daw si Patrick ng 2-1.

Anyway, bahala na siya! Edi wag siyang mamansin! Hindi siya kawalan.

Nagulat ako nang muli ay nagkakagulo na naman ang mga kaklase ko sa harap ng pintuan ng classroom namin. Nagmadali akong nagtungo doon at nakakita na naman ng pink na sticky note.

Binasa ko ito panandalian at nakitang para sa akin ulit. Tinanggal ko ito sa pagkakakadikit at nilagay sa bulsa ko. Mamaya ko na lang babasahin.

"Ayos, Patrick a? May bago ka na namang nabighani sa mata mo? Baka first year 'yan. Hindi pa kilala kung sino ka talaga e."

"'Wag kang bitter, be! Palibhasa walang may crush sayo!" Binelatan ko siya.

"Ano naman? E ikaw nga e. Maraming nagkakagusto sayo pero patuloy mo pa ring hinahabol ang taong ayaw na sayo!" Agad-agad ko siyang kinaltukan dahil sa sinabi niya. Walanghiya talaga itong baklang 'to! Bwiset! Pinaalala na naman ang walanghiya kong EX!

Nagsimula na ang klase namin ng walang pumapasok sa utak ko. Iniisip ko pa rin kasi 'yung sinabi sa akin ni bakla kanina. Pinipilit ko naman magmove on e. Pero mukhang hindi ko magawa hangga't nakikita ko pa siya.

Noong nakaraang birthday ko, hinihintay ko no'n na batiin man lang niya ako. Kahit hindi personal, kahit sa facebook o twitter man lang. Pero wala. Wala pa ring paramdam. Parang walang pinagsamahan. F*ck him! Ilang years din 'yun a? Kung umasta siya akala mo hindi niya ako kilala.

Nang maalala ko ang note na natanggap ko kanina ay kinuha ko ito sa bulsa ko. Kulay pink na naman ito pero iba ang nakasulat. Binasa ko ito at napangiti.

Don't forget to smile Kuya 파트릭

Your friend,

Crazy 배

Mas lalo akong namotivate na malaman kung sino ang nagbigay nito. Maaari kayang siya ang nagsulat din ng note na nakalagay na Saranghae Patrick Abanero? Marahil siya nga. Mahilig siyang magnote. Ngayon ay gusto kong malaman kung sino ang crazy bae na ito.

Nakatulong sa akin ang note na natanggap ko na nagsasabi na huwag kong kalimutang ngumiti dahil buong araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti. Sobrang saya ko lang ngayon. Hindi ko maexplain ang feeling.

Basta gusto ko lang talaga na sumaya na ako ngayon. 'Yung katulad ng dati. Palaging nakangiti at umiibig. I just want to meet someone who can give happiness to me. Kahit sino okay lang. Basta mapasaya niya ako at tanggap ang tunay na Patrick Abanero.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon