Ikadalawampu't siyam na Hakbang

1.9K 123 32
                                    

Ikadalawampu't siyam na Hakbang

Crusssshh

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ginagawang paglalandian ni Giselle at Harold. Kanina pa namin sila pinagpapareha at sinasakyan naman nila. Kaya nga hindi na ako magtataka kung malaman ko na lang kinabukasan na sila na nga.

Kahit naman bakla 'yan si Harold ay lalaki pa rin 'yan. Minsan na din naming itinanong sa kanya kung mag-aasawa ba siya ng babae sa takdang panahon at ang isinagot niya lang ay depende kung tamaan siya sa babae. At 'yun ang dahilan kaya pinagkakanulo namin siya kay Giselle.

Kanina lang ay sinorpresa namin si Harold sa biglang pagdating sa kanila. Nakasuot pa siya noon ng spongebob na boxer's shorts at nakasandong itim. Mukha siyang lalaking-lalaki kanina pero biglang napatili ng makita kami sa loob ng bahay nila. Sinundo namin siya para makasama namin kina Giselle.

Nasa veranda kaming apat at nakaupo sa kanya-kanyang silya at may isang lamesang maliit na nasa gitna. May nakalatag na sitserya at ang paborito ni Giselle na pineapple juice habang naglalaro ng UNO.

"Teka nga! Ipaliwanag niyo nga muna ang nirereklamo sa akin ng bestfriend ko? Anong meron sa pinsan mo Gis?" Tanong ni Harold. Nanahimik kaming bigla sa pagtawa.

"A, ayun ba?" Biglang humagalpak ng tawa si Gis at sinabayan pa ni Mae Ann. Nagtinginan kami ni Harold at tig-isa namin silang hinampas para matigil sa pagtawa.

"Aray a? Magbestfriend nga kayong dalawa." Giit ni Mae Ann at hinagis ang kanyang baraha sa lamesa.

"Ayoko na. Ang lakas manghampas ni Chi!"

"Ikwento niyo na. Ang dami pang satsat e."

Kinuwento nila ang kabaliwan na ginawa nila sa akin. Gulat na gulat nga din si Harold ng malaman niya na pinsan pala ni Giselle si kuya Patrick.

"Paano ba kasing nangyari na magpinsan kayo?" Tanong ni Mae Ann. Ibig sabihin ay hindi niya rin alam kung paano?

"'Yun ba? Hindi naman kayo nagtatanong e." Nginisian niya ako.

"Ang daya mo, Gis! Kaya pala noong unang klase sinabi mong kilala mo si kuya Pat! Bakit hindi mo binigay 'yung impormasyong kailangan ko?!" Giit ko. Parang maiiyak ang boses ko habang sinasabi ko iyon.

Naalala ko kasi 'yung araw na iyon. 'Yung nalove at first sight ako sa chinitong akala ko ay straight na lalaki. Na 'yun naman pala ay isang beki.

"Pinsan ko 'yun. First degree. Si mama at tita Alejandra na mama ni kuya Pat ay magkapatid. Ano? May tanong pa kayo?"

"E bakit nga hindi mo sinabi? Ang daya mo!" Maktol ko.

"Hind niyo nga kasi tinanong."

"So ano ang middle name niyong pareho?" Tanong ni Mae Ann.

"Nieto. Giselle Nieto Cabrera at Patrick Jimin Nieto Abanero."

Hindi na namin tinanong pa si Giselle tungkol doon lalo na ng tinawag nito si kuya Patrick at inaya na sumali sa amin.

"Isama niyo nga 'yan si Jim sa pag-uusap niyo. Kaysa maglasing 'yan dun mag-isa sa baba. Mapano pa 'yan dun. Lagot ako kay Alejandra kapag nagkataon."

"Tita, 'wag mo na nga kasing intindihin 'yun sila Mama. Wala namang pakialam sa akin 'yun." Umupo si kuya Patrick sa pagitan ni Giselle at Harold.

"Patricio!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng mama ni Giselle.

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa tawag ng mama ni Giselle kay kuya Patrick.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon