Ikaapatnapu't pitong Hakbang

1.4K 65 12
                                    

Ikaapatnapu't pitong Hakbang

I love you

Sa sinabi ni Ahma noong nakaraan tungkol kay Jake ay mas lalong nakabagabag sa akin. Paano ko ngayon ito sosolusyunan? Hindi ko mapili kung anong dapat. Ang gulo.

"Nagiging tahimik ka na a? May problema ba tayo?' Bigo kong tiningnan si kuya Patrick. Oo, kuya. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na siya dapat idamay.

"Wala. Medyo pagod lang ako." Ngumiti ako. Nagtaas lang siya ng kilay pagkatapos ay nagpatuloy na sa ginagawa niyang paper. Magkasama kami sa Linear Park pero busy naman siya sa ginagawa niyang requirements. Sinamahan ko lang talaga siya dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita.

"Chi..."

"Oh?" Binaba ko ang cellphone na hawak ko at mas lumapit pa sa kanya. Binaba niya na rin ang hawak niyang mga papel at tinitigan ako. Pinagkunutan ko siya ng noo.

"What is Jake for you?"

"What kind of question is that, kuya? Ofcourse, he is my friend. Classmate. Bakit mo natanong?" Matawa-tawa kong tanong. Pero sa loob-loob ko'y bigla akong kinabahan. May alam na kaya siya?

"Tsss. Friend lang talaga? Bakit siya umaaligid sa'yo? To tell you franky, naiinis na ako." Natawa ako sa ginawa niyang pag-irap. What is wrong with you, kuya Patrick?

"Bakit? Ano ngayon kung umaaligid siya? Selos ka?" Biro ko. Pinulupot ko na rin ang aking kamay sa kanyang braso. Nakita kong umikot ang mga mata niya.

"Oo. Umayos ka, Chi. Hindi lang 'yon ang gagawin ko sa Jake na 'yan. Mabuti na lang mabait pa ko noong nakaraan dahil string lang ang sinira ko sa ukulele niya..."

"Ano? Ikaw ang gumawa no'n?" Gulat na gulat na tanong ko.

"Hindi mo alam?" Tawa siya nang tawa pagkasabi niya no'n. Siraulo!

"Grabe! Ikaw ang nagsasabutahe kay Jake? You're so mean, kuya!"

"Tsss. He deserved that."

Matapos kong malaman iyon kay kuya Patrick, hindi ko mapigilan na matawa kada nakikita ko si Jake at ang ukulele niya. Mahal na mahal ni Jake ang uke niya at hindi ko maimagine na naisahan siya ni kuya. Hindi niya rin alam na si kuya Pat ang nagsasabutahe sa kanya. Poor Jake.

Naikwento ko na rin sa mga kaibigan ko ang tungkol doon. At kagaya ko, tawa sila nang tawa sa ginawa ni kuya Patrick. Hindi kasi naman inasahan na may tao pala sa likod ng palaging palpak na pagsosorry ni Jake.

Ayos na ulit kaming dalawa. Mas lalo pa kaming naging close. Pero habang paulit-ulit na pinaaalala sa akin ni Ahma ang tungkol kay Jake, mas ginugusto ko na dumistansya kay kuya Patrick. Ayokong malaman ni Ahma ang tungkol sa kanya. At mas lalong ayokong malaman ni kuya Patrick ang tungkol sa tradisyon namin.

Pauwi na ako galing sa training na pinanggalingan namin ng nakita ko si kuya Patrick na nag-aabang sa sakayan kung saan ako sasakay. Iiwas na sana ako pero huli na ang lahat ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Nilapitan niya ako.

"Umiiwas ka." Sabi niya. Nalungkot ako sa nakitang ekspresyon ng kanyang mata. Halatang pagod siya sa lahat ng ginawa nila sa buong buwan na ito pero nandito siya ngayon at hinintay ako dahil nga 'umiiwas ako'.

"Ano ba, kuya! Hindi kaya." Nginitian ko pa siya para mas mukhang makatotohanan.

"Tell me what happened, Chi. Wala na akong alam sa mga nangyayari." Hinila niya ako pasakay sa jeep papunta sa bus na sinasakyan ko. Hindi ko alam kung alam niya ba ang way pauwi sa amin pero sumama na lang ako sa kanya.

Gusto ko ring makipagkwentuhan sa kanya.

Tahimik kami buong biyahe. Magkatabi sa sasakyan at walang gustong magsalita. Hanggang sa nakarating kami sa malapit sa amin at pumasok sa isang coffee shop at doon umorder ng makakain.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon