Ikalimang Hakbang
relationSHIT
Maaga ang aming naging uwian dahil wala kaming gaanong gawain sa araw na ito. Nagmadali kaming bumaba para sana bago sumakay ng tren pauwi sa amin ay makakain pa muna kami.
Hindi ko alam kung bakit sa oras na ito ay naisipan namin na dumaan sa dome ng building na ito. Dumaan pa kami sa mga benches at doon ko nakita ang kanina pang hindi ko mahagilap na si kuya Patrick.
Nauuna ako sa paglalakad sa kanila at nang makita ko pa na nakatayo sa tapat ng bench si kuya Pat ay mas binilisan ko pa ang lakad ko para makalagpas na agad sa kanya.
Ang kausap at kasama niya sa bench ay yung lalaking kumanta sa harap ng klase namin noong nakaraang araw lang. 'Yung lalaking may nagandang boses at crush ni Harold. Gwapo daw yung lalaki sabi ng mga kaklase ko pero para sa akin ay mas gwapo pa rin si kuya Patrick.
Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sila magkasama. Ang pagkakaalam ko ay ABEnglish ang lalaking iyon samantalang si kuya Pat ay ABFilipinology. Paanong magkakilala sila?
Nauna na nga ako sa aking pagdaan samantalang sina Nanette naman ay parang binabagalan na lalo ang kanilang lakad. Nilingon ko sila at may nakasilay na mapaglarong ngiti sa kanilang labi habang nakatingin sa akin.
Ano na naman ito ngayon?
Kinunutan ko sila ng noo at nagpatuloy sa paglalakad.
"Uwian niyo na?" Narinig kong sabi ni kuya Patrick. Kausap niya ngayon si Nanette at sinagot naman niya. Patuloy ako sa paglalakad at hindi ko na nakita pa ang naging pag-uusap nila. Wala na kasi akong narinig na sagot pagkatapos sagutin ni Nanette ang tanong ni kuya Pat. Siguro ay tumango lang siya bilang sagot. Hindi ko alam. Hindi ko naman nakita.
Nang makalagpas na kaming lahat ay bumulong naman bigla si Nanette sa amin. Sabi niya ay yung kasama ni kuya Patrick kanina ay boyfriend niya daw. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Seryoso? May boyfriend pala siya? Dinaig niya pa ako a?
"Totoo? Paano mo nalaman?" Tanong ni Harold kay Nanette. Maging ako ay gusto ko ding malaman ang kasagutan. Paanong ganoon?
"Diba nga friend ko si kuya Pat sa facebook? Nakita ko yung post niya na yung lalaking yun yung kasubuan niya ng pagkain." Napaisip ako sa sinabi ni Nanette. Kailanman ay wala akong nakitang ganoong post ni kuya Pat. Kaya nga buong akala ko ay single siya at hindi nakikipagrelasyon. Pero siyempre maaaring totoo iyon. Hindi kami friends kaya hindi lahat ng kanyang post ay nakikita ko.
Kahit sa aking pag-uwi ay nasa isip ko ang nalaman ko. Totoo talaga lahat ng nalaman ko ngayon ? Hindi talaga ako makapaniwala kaya sa tulong ni Harold ay parehas kaming nagsearch sa facebook. Hinanap namin kung talaga bang may picture silang dalawa. Pero dahil parehas kaming hindi friends ni punieto ay wala kaming makita.
Sa aming paghahanap ay naalala ko kung ano ang pangalan ng kasama ni kuya Patrick doon. Gaya nga ng sabi ko ay kumanta na yun sa tapat ng classroom namin kaya naman naalala ko ang pangalan. Alam ko talaga na Patrick din ang pangalan nun. Dahil nang magpakilala siya bago kumanta ay naalala ko pa na magkapangalan sila ni kuya Pat.
Ibig sabihin parehas silang patrick ang pangalan tapos naging sila? Nalilito talaga ako. Kailangan ko ng pruweba sa mga tanong ko sa isipan ko.
Nagsearch ako sa friends ni kuya Pat na Patrick rin ang pangalan pero sadyang sobrang dami ng mayroong pangalan na Patrick.
Nang sumuko na ako ay napagdiskitahan ko na naman na tignan ang profile niya. Araw-araw akong bumibisita doon upang malaman ang bawat detalye pero wala talaga akong makita ni isa. Naiinip na ako sa kaka-scroll sa profile niya pero wala akong makita.
Harold: Ano? Nahanap mo na?
Wala na namang pasok ngayon dahil christmas break na. Ang bilis no? Ganoon talaga kabilis lumipas ang oras kapag wala kang lovelife. Boring ang buhay mo kung wala kang gagawin na makakathrill sayo.
Kanina pa kami nagchachat ni Harold para tanungin ang isa't-isa kung nahanap ba namin ang facebook ng crush niya SLASH yung boyfriend ng beki kong crush. Hindi talaga ako makapaniwala na may boyfriend yon! Tae! Dinaig pa ako? Matindi siya be!
Me: Yep. I already found it.
Malaki ang ngisi ko habang tina-type ko iyon. Alam kong excited ang baklang ito dahil mai-stalk niya na rin ang kanyang crush. Maging ako ay excited. Malamang dahil nais kong patunayan ang sinabi ni Nanette.
Nauna na akong halukayin ang profile nitong si Patrick rin bago ko pa man sinabi kay Harold ang pangalan ng jowaers ni kuya Pat.
Nalaman kong isa pala talaga siyang singer. Kumakanta sa isang organization ng school at active sa mga activities. Maraming posts sa kanyang timeline at kadalasan ay mga kaklase niya ang nagpopost sa kanya. Siguro? Karamihan ay babae. Hindi kaya bakla din ito?
Me: Be, bakla din ata itong crush mo. Nakita mo na yung profile?
Harold: Yep bakla.
Me: Diba sabi sayo? Yung mga lalaking pumapatol sa bakla ay bakla na din?
Harold: Haha. Oo nga. Yaan mo na, be. Atleast pwede kami.
Me: Malandi ka talaga.Pinagpatuloy lang namin ang paghahanap pero katulad ng sa profile ni kuya Pat ay wala kaming nakitang ebidensya. Kaya ang ginawa na lamang namin ay makibasa sa mga comments sa post niya.
Nagulat ako at hindi pa makapaniwala ng makita ko ang pangalan ni kuya Patrick sa isa sa mga comment sa post nung hinihinalang boyfriend niya.
Sheyyyt! Bakit halata sila?
Dali-dali akong nagchat kay Harold at sinabi ang nakita ko. Nakita niya rin daw cinomfirm niya na totoo nga ang lahat. Na si Kuya Patrick ng ABF ay may boyfriend na nagngangalang Patrick din sa ABE.
Futspa! Another unexpected truth.
Hindi na ba matatapos ang mga pwede kong malaman tungkol sa kanya? Nakakaimbyerna siya. Tsk. Bakit ko ba kasi naging crush ang bakla. Ako tuloy itong hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...