Kabanata 1

13 1 1
                                    

Ang buhay ay parang isang tubig, kapag ito ay itinapon, ikaw ang hahanap ng iyong dadaanan.

Tatlong taon na ni Lady Rosalie sa Madrid, at matapos ang ilang taon siya ay babalik sa kanilang bansa, ang kaharian ng Minora.

Ang Minora ay isang mailiit lamang na kaharian ng kasalukuyang pinamumunuan ni King Marlon at Queen Helen. Ito ang ika 30 taon nilang pamumuno sa kaharian. Sila ay biniyayaan ng dalawang prinsipe. Ang panganay at tagapagmana na si Crown Prince Marco ay ipinagkasundong magpakasal kay Lady Rosalie. At nagkaroon nga sila ng mabuting pagsasama ng isang taon. Ngunit ang Crown Prince ay umiibig sa dating nobya na si Alyan at nabuntis niya ito kaya siya ang kailangan niyang pakasalan tatlong taon ang lumipas. Nagsilang din siya sa parehong taon ng kanilang kasal ng isang prinsipe. Si Prince Troy

Ang pangalawang Prinsipe ay si Prince Tenho, at dahil sa kasunduan para sa kanyang kuya siya na ngayon ang pagpapakasal kay Rosalie.

Ang dalawang prinsipe at parehong matalino at may itsura.

Si Lady Rosalie ay ang anak ng kasalukuyang punong ministro at apo ng tagapayo ng dating hari na siyang naakipagkasundo.

Ang kasunduan ay kilala sa tawag na Genesis Agreement. Ito ay nagsasabi na ang mga anak ng magkaibigang King Grego at ang tagapayo nito na si George ay magpapakasal. Ngunit parehong nagsilang ang kanilang asawa ng dalawang lalaki, ang kasalukuyang Hari na si King Marlon at ang Prime Minister na si Alfredo. Dahil doon binago ang kasunduan bago namatay ang dating Hari. Na ipapakasal ang sinuman sa kanilang mga apo.

Pagkatapos ng tatlong taong bakasyon sa Madrid  ay umuwi na si Rosalie. Matapos siyang umalis ng bansa tatlong taon ang nakakaraan matapos pagkawakas ng kasunduan. Ngunit ngayon ay magbabago na ulit. Siya ay uuwi para sa kasal na gaganapin sa susunod na linggo.

"Lady Rosalie" bati ng mga tauhan ng papa niya matapos siyang bumaba sa kotseng sumundo sa kanya sa airport.

"Kumusta kayong lahat?" Mabait niyang tanung at ngumiti.

Nakita niya si Grace ang kanang kamay ng mama niya.

"Magandang umaga po.. Lady Rosalie.. maligayang pagbabalik" bati niya

"Salamat" maikli niyang naisagot

"Ang mama at papa niyo po ay nasa harden... hinihintay kayo sa pag-uwi.. at magkasama kayong kakain" sabi niya

Tumango lang siya at naglakad papunta sa harden. Nakita niya ang mga magulang niya na nakaupo sa isang pabilog na mesa.
Si Bernard ang unang naka pansin sa kanya at agad siyang sinalubong. Niyakap niya ito.

"Kuya Bernard" sabi niya ng masaya

"Bat ngayon ka lang?" Tanung niya

"Kuya naman.. tama na ang asar mo... kararating ko lang" sabi niya at tumakbo sa kaniyang ina.

"Mama!!!!" Sabi niya ar tumakbo para yakapin ito ng mahigpit.

Luhaan ang ina niya sa galak. Habang mula sa pagkakaupo tumayo ang papa niya at niyakap din siya.

Naupo sila at sinimulan na ang pagkain.

"Nakakapagod ba ang biyahe?" Mainam na tanung ng papa niya

"Opo papa... pero masaya po ako na nakauwi na po ako sa inyo" ngumingiting sinasabi niya

"Mabuti kung ganun... mamayang gabi na ang pormal na pagkikita ng royal family at ating pamilya... kaya magpahinga ka ng mabuti" wika ng ama niya

"Opo papa" sabi niya ng walang pag-tutol

Si Bernard ay ang kanyang itinuturing na kuya. Lumaki siya sa bahay nila kasama niya. Siya ay anak ng dating bodyguard ng papa niya na nasawi sa isang aksidente, kaya't siya ay nanirahan sa kanilang bahay.

Buong araw siyang nanatili sa kwarto niya at natulog lang. Wala siyang ibang nais gawin kudi manatiling mag-isa. Alam niya sa puso niya na ang kasal na ito ay labag sa kalooban niya pero napako ang kapalaran niya rito noong bata pa siya. Kung kaya't ang kinatatakutan niyang bagay ay unti unting naging isang pangarap na nais na niyang matapos.

Nang gabing yun inayos siya para sa hapunan sa palasyo. Pinagsuot siya ng asul na mahabang gown. Ang kanyang kamay, leeg hanggang ulo ay napapalamutian ng mga alahas.

Magkahiwalay ang kotse nilang tatlo ng kanyang mga magulang, at pagdating nila sa palasyo ay inalalayan siya sa pagbaba. Sinabihan sila na nasa hapag-kainan na ang royal family.

Nang makarating sila doon, nagbukas ang pinto at naunang pumasok ang mga magulang niya, pagkatapos ay siya.

Wala siyang ngiti at seryoso ang mukha niya ng siya ay pumasok. Nakita niya ang Hari at Reyna na parehong nakangiti sa kanya. Nakita rin niya sina Prince Marco at Princess Alyana, katabi ng tatlong taong gulang nilang anak na prinsipe. May tatlong upuang nakalaan sa kanila. Naupo na ang kanyang mga magulang. At sa harap ng upuan ni Prince Tenho ang upuan niya. Mahinhin siyang lumapit sa upuan at naupo.

"Magandang Gabi inyong kamahalan, ako po ay natutuwa na muli kayong makita" bati niya habang nakangiti sa hari.
Nakatingin na masama at malalim si Alyana sa kanya habang hindi siya matignan naman ni Marco.

"Ang tagal na ng huli nating pagkikita kumusta ka na ba?" Tanung ng Reyna

Sandali muna siyang tumahimik.
"Ang tubig sa ilog ay dumadaloy ng maaliwalas" sabi niya at mukhang nagtaka ang ama niya
"At ang mga puno ay kulay berde habang ang......"

".....langit ay asul parin" pagpapatuloy ng reyna at saka ito mahinang tumawa at tumingin sa kanya ang lahat maging si Tenho na kanina pa tahimik ay ngumiti.
"Hindi ko alam na naalala mo parin ito" dag dag niya

"Opo, kamahalan... paano ko naman po malilimutan ang mga katagang sinabi ninyo sa akin noon una kong tinanong ang kalagayan ninyo" wika niya.

Doon lang naintindihan ng papa niya ang kanyang sinasabi.

"Sa nalalapit na kasal... anu ang masasabi ninyo dito?" Sabi ng hari na nagpalit sa topiko

"Ang kasal sa pangako ay mahirap pong sundin... pero ang mabuting tao ay marunong ding makinig at umintindi" maingat na sabi ni Tenho
"Buong puso ko pong tinatanggap ang kasal na ito... sana ay ganun din para sa aking magiging prinsisa" dagdag niya habang nagtinginan sila ni Rosalie ng malalim

"Ikaw, Rosalie anu ang  masasabi mo rito" tanung ulit ng hari

"Kung para sa aking opinyon... ako po ay malugod na sumusunod sa mga ginawa ng ating mga ninuno..." mahina rin niyang sinabi

"Kung ganun wala naman palang tutul sa parehong parte... Rosalie, simula bukas, maglalabas ako ng kautusan... ikaw na ay papasok sa palasyo at dito na magsimulang manatili" wike ng hari

Nabigla siya dahil ang alam niya ay sa kasal siya papasok dito. Pero bago pa man siya nagsalita ay nauna ang kanyang ina.

"Ipagpaumanhin mo, mahal na Hari... pero hindi po ba ang pananatili niya dito sa palasyo ay magsisimula sa araw ng kasal niya?" Sabi ng ina niya

"Lady Carina... nais ko sanang siya ay maging handa para sa seremonya ng kasal, kung kaya't kailangan niyang pag-aralan ang seremonya at tradisyon ng kasal" sagot ng Hari

Hanggang sa huli alam nilang lahat na iisa lang ang patutunguhan nito  at iyon ay kailangan niyang manatili na sa palasyo simula bukas.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now