Hindi makapaniwala si Rosalie sa nakita at nabasa, pero mas lalo siyang hindi makapaniwala kung paano nila ito naitago sa Royal Family.
"Isa itong napakalaking bagay... hindi ko alam kung paanu nila ito naitago sa buong pamilya" nagtatakang tanung niya
"Kapag ang isang Crown Prince ay nakipag divorce mawawalan po ito ng kapangyarihan na maupo bilang hari... baka ito po ang dahilan kung bakit nila itinago..."
"Hindi yun ang dahilan marahil... dahil hindi nila ito gagawin kung nais nilang mamuno... natitiyak ko... may ibang dahilan... pero paanu napasakamay ito ni papa?"
"Yun din po ang pinagtataka ko...kasi po-----"
Biglang may kumatok ng malakas sa pinto ng silid, kayat hindi na nagsalita si Isabelle at tumayo upang buksan ito.
"Ang mahal na Prinsesa ay ipinapatawag po ng Kamahalan" wika ng isang lalaking pormal ang dating.
"Sige... paparoon na rin kami" sagot ni Isabelle
Kinuha ni Rosalie ang papel at ibinalik sa envelope saka itinago sa ilalim ng kama bago siya pumunta sa kinaroroonan ng hari. Nang pumasok siya, nakita niya ang Hari at Reyna at kasama doon ang Head ng Security.
"Kamahalan... pinapatawag niyo raw po ako" pagbati niya.
"Hindi ko na gustong dagdagan pa ang mga laman ng utak ko... pero wala na akong magagawa, ang head ng Security ay may reklamo sa nakaraang pagdiriwang" pagpapaliwanag ng Hari
Tumingin siya kay Sir Arnel ang head ng internal security.
"Matapos po naming pag aralan ang mga kaganapan sa gabi ng pagdiriwang, may nakita po kaming kakaiba rito... sa mismong oras ng pagbati, may pumasok po sa Silid ng mahal na Crown Princess" sabi ni Arnel
Kinabahan siya at nanginig pero hindi niya ipinahalata.
"Sino ang pumasok?" Lakas loob at kalmado niyang tinanong"Si Court Lady Alice po ang pumasok, pero hindi lang siya... ilang minuto pa matapos siyang lumabas, may isa pang utusan na nakasuot ng damit ng isang Court Lady na pumasok, at hindi ito si Alice"
Lalo siyang kinabahan,
"Sino ang pangalawang pumasok?" Tanung ng Reyna
"Hindi rin po namin natitiyak kung sino, wala pong ibang anggolo ang maaring makakita kung sino ang pumasok, sa kabilang banda, binawasan po ang mga tao sa loob ng palasyo sa araw na yun at walang nakakita kung sino ito" sabi nito ulit
"Paano kung isa siyang Court Lady?" Tanung ni Rosalie
"Hindi po mahal na prinsesa, ang tatlong Court Lady ay nasa lugar ng pagdiriwang ng may pumasok dito... aahhh... si Isabelle naman ay nakuhanan na pumasok sa palasyo pero sa silid po ninyo siya pumasok at nakita po nila ito"
"Anung nais mong ipabatid, na may ibang nagtangkang pumasok sa silid ng crown princess?" Tanung ng Hari
"Ganun nga po kamahalan... ang babaeng pumasok po ay hindi nagtagal... siya po ay lumabas matapos ang kinse minutos, wala naman po itong anumang hawak ng siya ay lumabas" sabi ni Arnel
"Paano kung may ginawa lang siya sandali?" Tanung naman ni Rosalie
"Opo... kaya nga po ipinatawag kita dahil ikaw ang namamahala sa pagdiriwang, natitiwak ko pong alam niyo kung may dapat ipagawa sa loob ng palasyo.. meron po ba?" Tanung ni Arnel
"Alam na ba ni Princess Alyana?" Tanung ng Hari
"Hindi pa po... sa ngayon mas malaki po ang skandalo na dapat pagtuonan ng pansin... pero hindi po ito binabalewala lang... pero wala naman pong nasabing anumang bagay na nawala sa silid" pagpapaliwanag ni Arnel
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...