Kabanata 12

0 0 0
                                    

Nagmamadaling pumasok si Isabelle sa silid ni Rosalie.

"Kamahalan... May malaking problema po tayo" sabi niya

"Bakit anung nangyari?"

Ibinigay nya ang tablet sa prinsesa,  may larawan ito siyang nasa bahay nila at larawan niyang siya ay tumatakas gamit ang damit ni Isabelle

"Kumalat po ang larawan kanina lang...mayadong mabilis ang pagkalat nito... Buong bansa ay ito ang pinag uusapan... Maging ang parliamento...  Sa katunayan nagkakaroon na ng pagpapulong ang parliamento" balita ni Isabelle

"Anu na ang gagawin ko...  Anung mangyayari sa akin?" Natatakot niyang tinanong

"Mamaya ay magbibigay ang parliamento ng kanilang pasya...  Maghintay po tayo... Wala naman pong masyadong mabigat na parusa" sabi ni Isabelle.

"Gaanu ba kalakas ang kapangyarihan ng parliamento? "

"Sila po ay may kapangyarihang magpasya ng hatol at parusa... Sila po ang humahawak ng pagpapasya ayon sa batas...  Ang kanilang pasya ay katumbas ng hatol mula sa hari..." Pahayag ni Isabelle

Naupo siyang kabado..

"Paano ako nakunan ng picture...? "

"May sumunod po ba sa iyo..  Kamahalan? "

"Hindi ko alam Isabelle...  Pero paano nalaman ng royal family na lumabas ako.. Isa pa naunang nalaman ng palasyo ang tungkol dito bago pa kumakat ang picture... "

"Kamahalan...  Ibig sabihin po ba ay...  Mula sa palasyo ang nagsabi sa royal family..  At mula sa palasyo ang sumunod sa iyo? "

Tumayo siya,  "paano nalaman ni Tenho na tumakas ako? "

"Pumunta po siya sa silid niyo kamahalan...  Wala po akong nagawa... Kundi sabihin...  Pero hindi po siya pinalabas ng palasyo..  At naupo lang po siya sa baba buong gabi"

Naguguluhan siya. Dahil ibig sabihin nito may bumabantay sa mga kilos niya. 

May kumatok at pumasok ang isang babae.  Gumalang ito bago nagsalita.
"Kamahalan,  ipapaumanhin po ninyo pero pinatatawag na po kayo sa Throne Hall"

"Sige susunod kami" sagot ni Isabelle

Namumula ang mga pisngi niya dahil sa kaba. 

"Anung gagawin ko? "

"Hintayin niyo lang po ang pasya ng lahat" sabi ni Isabelle.

Nang pumunta sila doon nakita niya ang lahat na nakaupo sa pwesto.  Ang kanilang upuan ni Tenho ay sa Kanan ng Reyna.  Umupo siya sa tabi ng asawa. 

Tumayo ang tagapagsalita ng Parliamento.  At nagbigay galang.  Saka ipinakita sa screen ang mga larawan na nakuha.

"Sa mga ebidensiyang ito,  hindi pa kailangan ang masusing pag tatanung sa mahal na prinsesa.  Dahil sapat na ito para patunayan na siya ay tumakas at nagbigay ng masamang imahe sa buong palasyo. Ang ganitong gawain at itinuturing na isang hindi pagrespeto sa kanyang katayuan. Ang parliamento ay natapos na sa pagpapasya.  At ayon sa batas,  ang prinsesa ay tatanggal ng tungkulin...sa pagkat ang kanyang trabaho ay panatilihing maayos ang imahe ng palasyo "

Nagulat ang lahat sa sinabi nito.

"Ngunit napagpasyahan din po namin na bigyan siya ng pagkakataon na maitama ito...  Ang prinsesa po ay binibigyan ng patawad mula sa parliamento,  sa kondisyong kailangan niyang ayusin ang pangalan at ibalik ang karangalan ng palasyo...  Ang huling hatol ay nasayo na po mahal na Hari"

Sambit nito.  Mukhang nabunutan ng tinik sa puso si Rosalie sa nangyari.  At nakahinga na siya.  Maging ang Royal Family. 

Nang maka alis na ang tagapagsalita.  Saka nagsalita ang hari.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now