Maaga siyang nagising, at ang umagang pag aayos sa kanya ng mga dressers ay maslalong tumagal.
Ang kanyang buhok ay may palamuting mga bulaklak sa gawa sa perlas.
Maya maya pumasok sina Isabelle at Bernard.
"Nasaan ka kagabi?" Tanung niya kay Bernard ng walang reaksiyon
"May pinuntahan lang.... "
"May pinuntahan ka?.... Saan... Hindi mo ba alam kung anu ang mga dapat mong gawin... At ang mga tungkulin mo... Hindi ka dapat nawawala sa paningin ko" sabi niya at tinitigan siya ng napakasama
"Kamahalan... Nagbalik na po ang prinsipe... Oras na po para sa agahan" awat ni Isabelle
Tumayo siya at lumkad, lagpas kina Isabelle at Bernard, sinundan nila sila at huminto sa labas.
Nakaupo si Tenho at nagbabasa mula sa tablet na hawak nito, umupo siya at saka uminom.
"Nabalitaan ko ang gawad mo... Congratulations" bati ng prinsepe at ibinaba ang Tablet sa mesa
"Salamat" mahinang sagot niya at saka siya tahimik na nagsimulang kumain.
"Masama ba ang lagay mo" tanung ni Tenho nang makita itong walang kibo
"Hindi ka ba marunong magpaalam kung aalis ka... Alam mo ba kung gaano kahirap ang magutom"
"Magutom? "
"Oo.. Dahil hinihintay kita para kumain noong umaga.. Umalis ka na pala"
Tinignan siya ni Tenho saka ngumiti.
"Sorry, patawarin mo ako" sabi niya at wala paring kibo ang asawa at kumakain
"Anung nangyari sayo... Humihingi na ako ng tawad hindi ba? ""Oona... Kailangan pa bang sabihin" sagot niya at saka ibinaba tinidor na hawak at uminom
"Busog na ako""Anu.. Hindi pa ako nagsisimula busog ka na?"
Pero tumayo siya,
"Mauna na ako" sabi niya"T... Teka lang"
Pero hindi siya nakinig at lumabas papunta sa opisina niya. Nang pumasok siya doon nandoon si Prince Marco.
"Kamahalan... Naparito kayo? " bati niya
"Nais kitang batiin sa bagong parangal mo... Babatiin sana kita kagabi kaso nawala ka agad" sagot nito
"Salamat po kamahalan" sagot niya
saka siya ngumiti sa kanya,
"Alam mo mukhang nagugustuhan ka ng Hari higit sa akala ko" sabi ni Marco
"Hindi naman po siguro, kamahalan"
"Huwag mo na akong tawaging kamahalan... Kasi... " saka kinuha ni Marco ang kamay niya, nagulat siya rito
"Kasi ako lang ito, hanggang sa huli wala parin akong nasasabi sayo... Wala akong nagawang mabuti sa iyo... Alam mo bang ang pagsisisi ko ay siyang sumira sa lahat ng meron ako... At ngayon naiwan akong walang natitira kundi...."
Biglang namagitan si Tenho at hinila ang kamay nito mula kay Marco. Tumayo siya sa pagitan nila at hinawakan ng mahigpit si Rosalie.
"Kuya... Anung ginagawa mo?" Nakatatakot niyang tinanong
"Binabati ko lang siya sa parangal na nakuha niya"
"Kung kailangan mo siyang batiin, hindi mo kailangang hawakan ang kamay niya" mahina nitong sinabi
"Tenho... "
"Hindi ka ba magagalit kapag may ibang lalaking kasama ang asawa mo? Sasabog ka hindi ba? Huwag mong uulitin to, kahit ikaw ang tagapagmanang prinsepe... Kaya kong ipagtanggol ang lahat mula sayo" sabi niya saka tumikod at tinignan si Rosalie
Hinila niya ito at dinala sa kabilang opisina, ang opisina niya.
"Naintindihan mo pa ba ang limitasyon mo.. O hindi mo alam na meron ka?" Galit nitong sinabi
"Bakit ako ang pinagsasabihan mo... wala akong ginagawang masama... Bakit hindi ang sarili mo ang pagsabihan mo" sagot naman nito.
"Anu..? "
"Akala mo ba talaga wala akong alam, habang walang awa mo akong niloloko sa kasinungalingan mo... Akala mo hindi ko alam na hindi lumang litrato ninyo ni Alyana ang lumabas... Kundi nangyari yun ngayon"
"Wala ka na doon"
"Tama... Kaya hindi ako naki alam dahil hindi kita asawa nang nangyari yun... Pero nakikita ko parin na hindi mo napipigilan ang sarili mo"galit niyang sinabi
"Wala kang alam sa nangyari at huwag ka nang maki alam" galit na nasabi ni Tenho
Napabuntong hininga siya at saka masamang tumawa.
"Oona...hindi ko rin ninais na malaman... Wala akong paki alam... Mula sa ngayon" sabi niya at saka lumakad palabas ng opisina nito
Nakita niya sina Bernard at Isabelle na nakatayo, pero alam niyang wala silang narinig dahil may soundproof ang pader.
Bumalik siya sa silid niya, at doon niya inilabas ang galit, kinuha niya ang lampara na nasa gilid ng kama niya at ihinagis sa sahig, at ito ay nagkapira piraso, doon din lumabas sina Isabelle at Bernard sa silid
"Ang galit niya at lungkot ay hindi niya nailalabas sa luha" sabi ni Bernard
"Totoo... Matagal ko na siyang nakasama, pero hindi ko man lang nakita na lumuha siya" salaysay naman ni Isabelle
"Siya ang tipo ng taong kahit mamatay ang buong pamilya ay hindi iiyal" biro ni Bernard
"Pero magiging maayos ba siya?"
"Oo.. Kapag galit siya mas nais niyang mag isa... Maya maya wala lang yun sa kanya... Pero anu kaya ang pinag awayan nila" seryusong sinabi ni Bernard
"Anu man yun.. Wala na tayo roon..." komento naman ni Isabelle
Samantalang hindi mapakali si Tenho, at lungkot na lungkot. Dahil sa sarili at sa asawa. Lumabas siya at saka ginamit ang kotse at nagtungo sa royal villa.
Nang makarating siya roon. Nahanap niya ang katahimikan na nais niya. Sa wakas ay tahimik ang lahat. Naupo siya at hinarap ang mga larawan na nakasabit sa mga dingding. Napukaw ang atensiyon niya sa larawan ng paruparu at naalala niya ang sinabi ni Rosalie.
"Hindi ko minsan nakahawak ng paru paro... siya ay napakagandang nilalang... simula pagkabata ako ay lumaki na puno ng parangal... lumaki ako sa maganda at ka aya aya sa mata ng lahat ng hindi nakakakilala sa akin... pero kabaliktaran ng paro paro na ito... ako ay walang kalayaan... tinutunaw ko ang sarili sa lahat ng mga bagay upang laging ako ang pinakamagaling o pinakamahusay.... at nagagawa ko ito... pero sa bawat paglubog ng araw walang natitira sa akin kundi pagka-ulila sa labas"
Natahimik siya habang inaalala na kahit minsan ay wala siyang nagawang mabuti para sa asawa.
Hindi niya namalayan na may tao sa pinto. Pagkalingon niya nakita si Alyana.
"Mukhang nalulungkot ka nanaman" sabi ni Alyana at saka ito pumasok
"Iwan mo muna akong mag isa" sagot niya
"Narito ako upang magpalipas ng oras" sabi niya at lumapit kay Tenho na malayo ang iniisip
"Ngayon lang kitang nakitang ganito ka seryoso na mag isip.. Mukhang isa itong malaking problema" sabi niya
Pero walang kibo ang prinsepe, tapos hinawakan ni Alyana ang kamay nito.
"Hindi ka dapat nalulungkot ng ganito... Huwag mong pahirapan ang sarili mo" bulong niya habang hawak hawak ang kamay nito at nakatingin sa mga mata niya
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...