Isang tawag ang bumulabog sa buong palasyo, ang prinsepe ay pumanaw at wala na. Halos lahat ay nagluksa___ at iniuwi ang prinsepe sa palasyo, nabaha ng luha ang lahat ang buong palasyo, ang reyna ay nahimatay na rin nang makita ang anak, si Alyana rin ay naglugmok sa kalungkutan.
Sa araw din na yun inayos ang funeral niya. Puno ang palasyo ng mga tao, at si Alyana ay nagkulong sa kanilang silid.
Nakita ni Rosalie ang asawa na nakayuko habang nakaupo sa sala ng silid nito.
Nilapitan niya ito at niyakap. Walang anumang salita, kundi isang yakap na nagpapakita ng pananatili niya sa tabi nito.Maging si Rosalie din ay naubos ang luha sa mga nangyari, pero ang pinakanahihirapan ay si Prince Troy. Pero alam niya na hindi ito ang oras para maging mahina, ang lahat ay natapos. Ang mga tradisyon ay nagwakas. Tuluyan nang nagpaalam ang lahat kay Marco.
"Sa aking minamahal na taga Minoria, sa aking pamilya, kay Alyana at Kay Troy, at sa lahat ng narito ngayon, buong pusong nagpapasalamat ang palasyo sa inyong malambot na pakikiramay sa___ ang ating nawalay na prinsipe ay naniniwala akong nasa mabuting kalagayan sa ngayon, malungkot man ang naging wakas" sabi ng hari sa harap ng mga tao, pagkatapos ng libing.
Matapos yun tumayo ang principal secretary ng palasyo at binasa ang huing mensahe ni Prince Marco.
"Ako si Prince Marco ng Minoria, isang napakagandang bagong araw, ako ay sumusulat upang tuparin ang tradisyon ng palasyo na sumulat ng huling mensahe para sa mga tao bawat kaarawan. Sa aking mga nakaraang taon sumulat ako ng kung anu anu, at ngayon nais kong maging totoo at tapat sa aking sulat. Una sa lahat nais kong magpasalamat sa ating bansa, na nagpalaki sa akin, sa aking ama at ina para sa pagpapalaki at pag aaruga sa akin, sa aking nag iisang kapatid na kahit madalas hindi kami nagkakaunawaan ay lagi parin kaming nagmamahalan___ at pinakahuli para sa aking asawa, ang aking prinsesa sa pananatili niya sa aking tabi at sa aking anak. Ang ating mga buhay ay may sariling kwento, may nagsisimula ng tahimik at nagwawakas ng magulo, may nagsisimula naman ng malungkot pero nagwawakas ng kasayahan. Sa akin anuman ang aking magiging wakas, wala akong pagsisisi, at aking ipagpapasalamat ang aking naging buhay. Sana ang lahat ay maging tama at maayos___ wala na akong masulat dahil may susunod pa"
Tumulo ang luha ng lahat, nakikita ang kalungkutan sa bawat mukha ng mga tao. Isang paghihinagpis at pagtatangis sa isang buhay na dinukot mula sa lupa.
Nakaupo si Tenho sa kama niya at nakatingin sa malayo, pumasok si Rosalie at nilapitan siya, nakita niyang ngumiti si Tenho sa kanya pero ramdam niyang malungkot ito.
"Maayos ka ba?" Tanung pa nito
Ngumiti si Rosalie at umupo sa tabi niya at humawak sa kamay nito.
"Ayos lang ako___ pero ikaw ayos ka lang?"Nakita niyang pilit na ngumiti ang asawa para itago ang nararamdaman.
"Oo__ mabuti ang lagay ko" sabi niya."Magpahinga ka na Tenho___" mahina niyang sambit.
Tumango ito at humiga, habang inayos ni Rosalie ang kumot sa kanya at naupo sa tabi niya habang maingat na pumikit ito at bumulong.
"Dito ka lang" sabi niyaHumawak si Rosalie sa kamay niya at saka sumagot.
"Nandito lang ako"Alam niyang ang puso niya ay naghihinagpis sa pagkawala ni Marco, dahil naging bahagi na siya ng mga araw nilang lahat. Pero hindi niya dapat hinaan ang loob niya dahil alam niyang higit ang pagluluksa ng mga tao sa paligid niya.
Nang makita na niyang tuluyan nang nakatulog si Tenho tumayo ito at saka maingat na lumabas. Pagkasara niya ng pinto nakita niya si Lance.
"Kumusta siya?" Tanung nito
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...