"Nasaan si Tenho" tanung ni Rosalie nang makita si Isabelle sa opisina nito
"Kaalis lang po niya, nagpunta raw po sa royal villa" sagot nito
Nagmadali siyang bumaba at lumabas, gamit ang isang kotse nagtungo siya sa royal villa kasama si Isabelle.
"Nais ko lang siyang makausap... Hindi kasi ako nagiisip kanina.. Kasalanan ko yun" sabi niya habang nag mamaneho patungo roon.
"Bakit may isa pang kotse.. Sino ang kasama niya" tanung niya
Nauna siyang bumaba at sinundan siya ni Isabelle. Habang tumatakbo papasok.
Pero napahinto siya sa pinto nang makita si Alyana na hawak hawak ang kamay ni Tenho at saka ito binitiwan nang makita nila si Rosalie sa pinto.
"Rosalie" sabi ni Tenho
Tumakbo siya pabalik sa kotse, habang hinabol siya ni Tenho at Isabelle
"Kamahalan" sigaw ni Isabelle
"Rosalie... "
Pero hindi siya nakinig at pumasok sa kotse at saka, pina andar ito. Sumakay din si Tenho at Isabelle sa isa at saka siya hinabol.
Naramdaman ni Rosalie ang kakaibang sakit sa puso niya. At sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng tubig na unti unting dumaloy sa mga namumulang pisngi niya.
Hindi siya makapaniwala na umiiyak siya.Pero ang sakit ng puso niya ay nagdulot ng labis na galit, hanggang sa hindi niya namalayan, ay naging masyado siyang napakabilis.
At nangyari ang hindi inaasahan, bumangga ang kotseng gamit niya sa isang puno sa tabi. Ang malakas na tunog na parang pagsabog ay bumulabog sa lahat ng nasa palasyo. Lalo na kay Tenho na nakakita sa nangyari.
Nagmadali siyang bumaba at lumapit sa umousok na kotse.
"Rosalie" sigaw niya habang kinakatok ang pinto.
"Kamahalan" sigaw din ni Isabelle.
Binuksa ni Tenho ang pinto, habang tumawag si Isabelle sa palasyo.
Nakaupo parin si Rosalie at may dugo sa mukha nito. Nanginginig man ay tinngal ni Tenho ang seatbelt niya at saka siya binuhat at inilabas sa kotse. Walang malay ang prinsesa.
Ginigising siya ni Isabelle at Tenho, pero wala itong malay, isinakay siya sa kotse at saka dinala sa palasyo. Buhat buhat ni Tenho, itinakbo niya ito sa kanyang silid. At dumating ang mga nurses at mga doctor.
Agad siyang, sinuri, inilay ang IV niya, at oxygen, saka tiniganan ang ulo nito na duguan.
Nanginginig si Tenho habang pinapanood ang asawa. Dumating ang hari at reyna na gulat na gulat, maging si Bernard.
"Anung nangyari?" Sabi ng hari
Lumapit ang reyna sa anak saka ito niyakap ng saglit."Huwag kang matakot.. Lumalaban siya" bulong niya sa anak.
Naupo sila roon, habang inaayos ang prinsesa, mahigit isang oras na ang lumipas bago nila natapos.
"Doc stable na po siya" sabi ng isang nurse
"Kung ganun, sige, gamutin niyo ang sugat niya". Sabi ni Doc Alden
Lumapit ito sa kinaroroonan nina Tenho.
"Hindi po ganun kalala ang nangyari, kaya maayos po siya, ngunit may mga sugat po siya na kailangan gamutin.. Pero hindi ito ang kinakabahala ko kahamalan" sabi ni Doc Alden
"Anu yun Doc" wika ng Reyna
"Nakasuot po siya ng seatbelt kaya, hindi siya masyadong nasaktan pero ang dulot po ng malakas na pagkahampas ng kanyang ulo at maaring maka apekto sa kanya.. Ito rin po ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya nagigising, maari po itong magdulot ng epekto sa paggalaw ng kanyang utak" salaysay niya
"Anu ang maaring mangyari sa prinsesa" sabi ni Tenho
"Malaki po ang posibilidad na magdudulot ito ng pagkahilo, o palagiang pananakit ng ulo... Maari po itong magdulot din ng delekadong sitwasyon tulad ng pagka apekto sa kanyang memorya.. At malalaman po natin kapag siya ay nagising na"
"Bakit hindi pa siya nagigising?" Tanung ni Isabelle
"Mahihirapan po siyang gumising" sabi ni Alden
Tumayo si Tenho at lumapit sa asawa. Nakita niya ang ilang pasa sa kamay nito at ang ulo niyang may mga gauze, habang siya ay naka dextrose, at sa tabi ng heart monitor.
Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay niya.
"Patawad, aking prinsesa... Noong una lamat ang nagawa ko sa paa mo.. Pero ngayon buong buhay mo na ito" bulong niyaNilapitan siya ng Reyna at saka tinapik ang balikat nito.
"Huwag kang masyadong mabahala.." Mainit niyang sinabi para pagaanin ang anak"Mula noong una, wala akong nagawa para sa babaeng, nanatili sa tabi ko, inintindi ako, inalagaan ako at higit sa lahat ininsulto ako sa tamang paraan... Hindi ko matatanggap na ako ang dahilan ng kanyang pagkaganito" sabi niya ng mahina
"Sabihin mo anung nangyari" mahinang sinabi ng hari habang palapit na lumakad.
"May hindi pagkakaunawaan po kami papa... Tumakbo siya at sinubukan kong pigilan pero mabilis siyang nagmaneho" paliwanag ni Tenho
"Nais kitang pagalitan... Pero hindi ko gagawin... Sa ngayon, alagaan mo siya hanggang sa siya ay magising na, halika na Helen" sabi ng Hari lumabas siya palabas ng silid
"Sabihan mo kami pag may pagbabago" utus ng reyna kay Isabelle bago siya lumabas at sumunod sa hari sa silid nito.
"Marlon.. Alam kong may ibang nangyari... " wika ng reyna habang papasok sila sa opisina ng hari
Naupo si Marlon at saka nag isip."Oo.. Naniniwala ako, hindi na matapostapos ang problema ng mag asawang yan.. Hindi ko na alam kung anu ang gagawin" sabi ng hari
"Hidi kaya" at saka umupo si Helen sa harap niya, "mahihirapan na sila.." Sabi ng Reyna
"Oo.. Nakita ko yun... Pero nagbago si Tenho... Huwag muna tayong mag isip ng masama, maghintay pa tayo... Bigyan natin sila ng konting oras para sa sarili nila" sabi ng Hari
"Ang totoo niyan Marlon... Natatakot ako para kay Tenho... Masyado siyang mabilis na magdesisyon, minsan hindi niya pinag aaralan ang lahat... Hindi ko na alam kung hanggang saan aabot ang mga ito" sabi ng Reyna na may pag aalala
"Hindi ko rin maisip kung Bakit... Pero ramdam ko may ibang nangyayari sa loob ng palasyo na hindi ko pa alam..." Pahayag ng hari
"Anung ibig mong sabihin? "
"May mga napapansin lang ako... Silang apat ay hindi magkasundo... Pero sa tingin ko ay hindi sa kanilang relasyon sa isa't isa kundi may ibang dahilan... Nakikita ko ito... ang sabi ni Marco noon. Arogante at masakit magsalita si Rosalie. Naninindigan at ipaglalaban ang sariling kapakanan at higit sa lahat walang awa sa kaaway...pero sa kabila ng lahat meron siyang mabuting kalooban at mabait na puso... pero dito sa palasyo, malaki ang nagbago...hindi ba lagi lang siyang tahimik?" Salaysay ng hari
"Tahimik man siya o hindi... hindi na mahalaga yun..dahil maaring ito ay dahil sa pagbabago ng lahat sa kanyang buhay at pagkatao" sagot ng Reyna
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...