Kabanata 3

1 2 0
                                    

Hinintay niya si Tenho para sa hapunan, pagkatapos niya itong sunduin pumunta sila doon at nandoon ang lahat.

"Kumusta ang pagkain?" Tanung ng Reyna

"Maayos naman po" sabi niya

"Oonga pala, Rosalie... tatlong araw na bago ang kasal ninyo... at sa tatlong araw na ito ay pinapayagan kang makita ang mga taong nais mo... pero kailangan sila ang pupunta rito sa palasyo.." ipinaalam ng Hari

"Talaga po" natutuwang sinabi niya sa malaming na boses at kahit na tutuwa siya at walang saya sa pananalita niya.

"Baka po pwedeng ako ang lumabas sa tatlong araw," mabilis niyang sinabi

Sandaling natahimik ang kainan.
"Alam mo naman siguro na hindi ka pwedeng umalis dito hindi ba?" Magaan na sabi ni Alyana

Tahimik lang siya at kumain. Alam niyang hindi siya papayagan talaga.

Sa buong hapunan ay masyadong tahimik si Marco at si Alyana.

Matapos ng hapunan nauna na siyang pumasok siya sa silid niya. At mag-isa siya rito.
Pumasok si Tenho at binuksan ang ilaw at nakita siyang nakaupo sa madilim na silid.

"Hindi ka ba marunong kumatok" sabi niya

"Nagtaka lang kasi ako... papunta ako sa silid ko nakita kong walang ilaw akala ko kung wala ka" sagot nito

Nakita niyang mukhang malungkot ang mukha nito.
"Bakit ka ba kasi nagmumukmuk dito na walang ilaw" malambing niya tinanung

Tumingin lang si Rosalie sa kanya saka umupo si Tenho sa harap niya.

"Malamang iniisip mo ang tungkol sa hindi mo paglabas ng palasyo tama ba?"  Tanung nito

"Isa na yun... pero tanggap ko naman lahat.. ayos lang yun... wala rin akong pupuntahan sa labas" mahinang sagot niya

"Hindi ko alam kung anu ang iniisip mo... pero pagkatapos ng tatlong araw ikakasal na tayo... hindi ko alam kung maniniwala ka pero... susubukan kong maging mabuting asawa para sa iyo" sabi nito para pagaanin ang nalulungkot na fiancee

"Paki-usap huwag mong sabihin susubukan mo... ang sabihin mo gagawin mo" sabi niya habang nakayuko ang ulo niya.

Walang nasabi si Tenho kundi ang tumango. Ang babaeng nasa harap niya ang babaeng habang buhay na niyang makakasama ay hindi siya makawala rito.

Lumabas siya at nagpunta sa silid at iniwan si Rosalie doon. Malalim at malayo ang isip niya. Kinuha niya ang cellphone niya at nagtext sa mga kaibigan ni Rosalie, na maari siyang makasama ng tatlong araw.
Nais niyang may magawa siya kahit konti para kay Rosalie para hindi nito isipin na wala siyang paki-alam sa kanya. 

Kinaumagahan nagulat si Rosalie ng pagkatapos
Niyang kumain ay sinabihan siya ni Isabelle na may naghahanap sa kanya sa garden.

At nang mapunta siyo roon ay labis ang pagkagulat niya nang makita ang mga kaibigan niya na matagal na niyang hindi nakikita.

"Rosalie!!!!" Sigaw ni Clarrise habang pa kaway kaway

Tumakbo naman si Reah para yakapin siya.

Sina Reah at Clarrise ay mga kaibigan niya noong nasa college sila na hindi na niya nakita ng tatlong taon.

"Kumusta ka na" mangiyak iyak na sabi ni Reah.

Umupo siya bago nagsalita.
"Dito parin naman ang bagsak ko" tawa niya

"Bat ka ba kasi hindi nagsabi na nandito ka na pala" sabi naman ni Clarrise

Tumawa siya ng mahina,
"Paanu niyo pala nalaman na nandito ako?"

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now