Pumasok si Alyana sa opisina ni Marco at nakita itong nagbabasa.
"Anung lagay ng Prinsesa?" Tanung niya
"Wala paring pagbabago hanggang ngayon..hindi pa siya nagigising" sabi ni Marco
Umupo si Alyana sa harap ng asawa.
"Kasalanan ni Tenho ang nangyari" sambit niya"Ang sabi nila, kasama ka doon sa villa, nagpunta kayong tatlo... anung ginawa mo doon" tanung niya at isinara ang binabasa habang ipinatong ang kamay sa mesa
"Papunta ako sa villa at nakita ko ang kotse ng prinsesa na papasok sa villa nila, kaya sinundan ko..pero nang makarating ako don... si Tenho ang nakita ko, nag uusap lang kami...sino ba ang may alam na darating si Rosalie...at nakita kami...namali siya ng pagkakaintindi...at umalis...masyadong mabilis siyang nagmaneho" salaysay nito
"Kung ganun may kasalanan ka rin pala sa nangyari hindi ba...."sabi ni Marco
"Bakit ako...siya ang namali"
"Alam mo bang nasa hindi mabuting lagay ang relasyon nila...pinalala mo ba"
"Bakit kailan ba sila nagkaroon ng maayos na relasyon" sabi ni Alyana at tumawa
"Nagalit si Tenho nang makita niyang kinakausap ko si Rosalie...alam mo naman ang taong yun kahit anu papatulan para lang naghahanap ng dahilan na magalit sa akin" sabi ni Marco
"Kung ganun may kasalanan ka rin sa nangyari..hindi ba?"
Tahimik lang si Marco.
"Nag aalala ako... hindi dahil kay Rosalie...kundi dahil sa mga taong pinag away niya..." sabi ni AlyanaTinignan siya ni Marco at nagtanung.
"Anung ibig mong sabihin?""Malapit lang naman siyang mamatay" tumatawang sinabi niya
"Anu bang pinagsasabi mo?" Gulat na sabi ni Marco
"May malala siyang migraine... delikado para sa kanya ang mahilo kahit sa anung paraan...pero ang nangyari, hindi pangkaraniwan ang nangyaring pagkahilo" salaysay ni Alyana
"Alam ba ito ni Doc Alden?" Natatarantang tanung ni Marco
"Bakit ka natataranta... ganun ka ba nag aalala...pero oo alam niya" sagot nito
"Bakit mukhang natatawa ka pa?" Sabi ni Marco
"Ikaw bakit ka natatakot?... ganun ba ang pag alala mo sa kanya, kaysa sa sarili mong asawa?"
"Bakit Alyana... ideya mo ang maghiwalay tayo hindi ba... ideya mo na huwag na tayong magpaki alamanan...hindi ba.." Sabi ni Marco
"Pumayag ka naman..."
".....hindi ako pumayag... ilang beses kong sinubukan, na ayusin pero anung ginawa mo... lalo kang nakipagkita kay Tenho.." agaw na sabi ni Marco
"Anu na ba ang pinag uusapan dito... ang kalagayan ng Prinsesa o ako na ba?"
"Ewan ko sayo" sabi ni Marco at iniwan ito sa loob... nagtungo siya sa silid ni Rosalie
Nandoon sina Isabelle at Bernard, pumasok siya at nakita niya si Tenho na nakaupo sa tabi ni Rosalie habang nakayuko ang ulo nito.
Pareho parin ang kondisyon ni Rosalie at walang pagbabago. Hindi pa siya gumigising o gumalaw man lang.
Lumapit siya kay Tenho at saka tinapik ang balikat ng dalawang beses. Matagal silang natahimik saka siya muling lumabas at pinuntahan ang hari.
"Kamahalan" sabi niya at yumuko
Bago siya lumapit at naupo sa harap ng ama.Nakita niya na nandoon din si Doc Alden"Doc. Nais kong itanung kung alam po ninyo ang kalagayan ng prinsesa...ibig kong sabihin ang tungkol sa sakit niya" sabi niya
"Oo..mahal na prinsepe yun ang kasalukuyang sinsabi ko sa hari ngayon" sagot ni Alden
"Darating ang mga magulang niya mamaya... hayaan natin silang ipahayag ang kanilang desisyon" sabi ng hari,
"Pero bakit hindi parin siya nagigising?" Tanung ulit ni Marco
"Sa ngayon ay wala paring pagbabago, wala parin siyang malay... masyadong malakas ang pagkauntog ng ulo niya dahilan ng kanyang pagkaganyan... mamaya sa pagdating nina Sir Alfred...kasama nila ang dating doctor ng prinsesa...mas makakabuti ito dahil hindi ko alam kung anu ang totoong kalagayan niya" sabi ni Alden
Pumasok si Isabelle at saka nag bigay galang.
"Kamahalan...nandito na po ang punong ministro...nasa silid po sila ng prinsesa" sabi niya"Sige salamat...nandito na pala sila" wika ng hari at tumayo papunta roon kasunod nina Marco at Alden.
Nandoon na ang reyna nang sila ay makarating.
"Alfred... mabuti at nandito kayo" sabi ng hari
"Oo kamahalan... hindi ako makapaniwala na nangyari ito mismo sa loob ng palasyo" sabi ni Alfred
Sa kama ni Rosalie ay nandoon si Lady Carina ang mama niya at ang dati nitong doctor na si Denver.
Lumakad si Denver palapit sa hari at saka yumuko.
"Hindi po pangkaraniwan ang kanyang lagay... siya po ay nasa delekadong kalagayan... lalo nang hindi siya nagigising... maayos naman po ang paggalaw ng kanyang dugo at puso...""Kung ganun ano ang mangyayari?" Tanung ng hari
"Ikinalulungkot ko sa inyong lahat... na sa ganitong kalagayan...wala po tayong magagawa kundi hintayin na siya ay magising" nalulungkot na sinabi ni Denver
"Nahilo siya minsan sa noon... at inabot siya ng tatlomput anim na oras bago nagising... pero ngayon dalawamput anim na oras na siyang hindi pa nagigising.." dagdag niyaSi Carina ay luhaan habang hawak ang kamay ng anak. Lumapit si Tenho sa kanya.
"Patawad po, mama" sabi niya
"Alam kong mahihirap siya rito...pero hindi ko inakala na hanggang ganito ang mangyayari" mahina niyang sinabi
Tumayo si Carina at lumapit sa asawa.
"Alfred anung gagawin natin ngayon?" Balisa niyang tinanung"Maghintay muna tayo..." sagot ng asawa
"Carina" sabi ng Reyna at nilapitan siya
"Naiintindihan kita... alam kong mananagot ang palasyo rito pero hayaan mong mabantayan muna natin siya" dag dag niyaBalisa ang lahat. At walang magawa sa ka awa awang kalagayan ng prinsesa.
Nang gabing yun mag isa si Alyana sa silid niya at nakaharap sa sarili sa salamin.
"Ikaw ba ang may kasalanan ng lahat?" Tanung niya sa sarili.
Naramdaman niya ang pagbuhos ng luha sa mga pisngi niya, hindi niya alam kung bakit, pero ramdam niya ang bigat at galit sa loob niya.Naalala niya ang lahat, malinaw na malinaw sa isip niya ang bawat detalye ng mga nangyari sa kanila ni Rosalie. Minahal niya ito bilang isang kaibigan at kapatid pero hanggang kailan. Hindi niya malimutan sa ala ala niya ang oras na nakatayo siya sa balkonahe ng bahay nila habang pinapanood ang pag alis niya at ang pagmamakaawa ng papa niya sa punong ministro.
Labis ang galit at pagkamuhi niya, at kung may isang bagay siyang hindi mawawala ay ang kanyang galit kay Rosalie.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...