Naiwan sina Isabelle at Rosalie sa silid niya dahil pinuntahan ni Bernard ang chief para sa orientation niya.
"Ngayon... Isalaysay mo.. Sa akin.. Ng buong detalye... Ang tungkol sa silid ni Alyana" sabi niya kay Isabelle saka umupo sa sofa kaharap ni Isabelle
"Saan po dun?" Sagot niya
"Lahat lahat.... Sige ganito... Simulan natin sa kung sino ang mga pwedeng pumasok dito" sabi niya
Mukhang nag isip ng konti si Isabelle bago nagsimulang mag salita ulit.
"Ang silid po ng mahal na crown princess ay hindi pwedeng pasukin ng kahit na sino, ang prinsesa, si Prince Marco at ang court lady niya lang po... "
"Pero hindi ba pumapasok sa mga silid ang mga tagalinis, yung mga dressers saka yung mga naghahatid ng tsaa o yung mga taga ayos"
"Yun po kamahalan ay kailangang kasama ang Court Lady kasi..... "
"Teka lang" pigil niya,
"Sino ang nga court lady? ""Ang palasyo ay may tatlong Court Ladies po, si Irish, si Alice at saka ako po... Kaming tatlo ay nagsisilbi sa tatong pinakmatataas na babae ng bansa, Si ate Irish ay sa Reyna, at si Alice po sa Crown Princess... Kami lang po ang pwedeng pumahintulot sa kahit sino na pumasok sa inyong mga silid... Ibig sabihin po walang sinuman ang maaring pumasok na hindi ako kasama"
Natahimik muna si Rosalie at nag isip.
"Ibig sabihin...lahat ng pumapasok sa silid ko dapat ay sinasamahan ninyo?"
"Opo mahal na Prinsesa at ganun din po sa ibang silid.."
"Kung ganun ang lahat ng papasok sa silid ng Crown Princess ay dapat kasama ni Alice... Paano kung palihim itong papasukin"
"Hindi rin po pwede, kapag walang tao po sa silid ng royal family... Binabantayan po ito sa monitor, at kapag may pumasok na wala ang Court lady... Magsasara ang pinto at hindi makakalabas ang pumasok" paliwanag muli ni Isabelle
"Kung ganun... Anu ang itsura ng silid ng Crown Princess?" Tanung niya
"Ang silid po niya ay walang pinagkaiba sa silid ninyo.. Kamahalan... Parehong desinyo at itsura, maging ang mga gamit tulad ng sofa ay pareho ang kinalalagyan... Ang tanging magkaiba po ay ang mga kagamitan" sabi ni Isabelle
Magtatanung pa sana siya nang kumatok si Bernard at pumasok.
"Mukhang may napakaseryosong pulong kayo... Hindi mo man lang ako inimbita" sabi niya kay Rosalie
"Ilang beses ko pong kailangang sabihin... Na hindi po kayo basta pumapasok dito ng gusto ninyo... Nais ko pa po bang ulitin ko.. Hindi po kayo pwedeng pumasok ng walang nagsasabi na pwede kayo pumasok" diretso at malamig na sinabi ni Isabelle
"Wow.. Nakakabigla naman yun... Teka... Kamahalan... Pinagkatiwalaan mo siya kaysa sa akin? " sabi ni Bernard
"Oo... Dahil hindi kita maasahan lalo na ngayon... Isa pa may maasahan si Isabelle at mas makapagkakatiwalaan kay sa sayo" sabi niya
"Ang sakit nun ah... " biro niya
Tumayo si Rosalie saka lumakad papunta sa harap ng salamin at tinignan ang itsura.
"Pupuntahan ko ang hari" sabi niyaLumakad siya palabas kasunod ng dalawa sa kanyang likuran.
Pumasok siya sa opisina ng hari at naiwan ang dalawa sa labas.
"Magandang umaga po kamahalan...""Halika... Rosalie... Pasok ka... "
Umupo siya sa harap ng hari at nanahimik. Isinara ng hari ang binabasa at saka ipinatong ang kamay sa mesa.
"Minsan... Upang iligtas ang sarili, kailangan na baliktarin ang ibang bagay..." Pagsisimula ng Hari
"Anu po?"
"Ang ginawa mo ay maaring hindi madali... Pero minsan ito rin ang paraan para mapadali ang lahat... Kapag lumabas pa tayo roon at ipaliwanag ang nangyari... Hindi maniniwala ang nakararami... Nabasa ko ang artikolong kumakalat... Ayon dito nagawa mo lang ang bagay na ito para sa pamilya... Marami ang naantig sa artikolo... Kaya sa halip na kamuhian ka... Nagkaroon sila ng awa na kalaunan ay naging pag intindi at pagmamahal sa isang gabi"
Salaysay ng hari"Salamat po kamahalan" wala siyang reaksiyon na sinabi ito.
Hindi siya ang may gawa, hindi siya ang umisip, pero wala siyang magagawa."Maaring nakita rin ni Tenho ang artikolo" mahinang sinabi ng hari
"Nasaan po siya?"
"Bakit hindi mo ba alam... Umalis siya kanina upang makipulong sa mga opisyal sa labas na lungsod... Bukas ang uwi niya.. Hindi ba siya nagpaalam sayo?" Sabi ng hari
"Marahil ay nakalimutan ko lang dahil maraming iniisip... Mauna na po ako mahal na hari" sabi niya saka tumayo at lumabas.
Naghihintay sa labas sina Bernard at Isabelle.
"Wala po kayong gagawin ngayon, may nais po ba kayong puntahan? " tanung ni Isabelle"Nais ko sanang imbitahan ang prinsesa na maglaro ng archery" sabi ni Alyana na sumulpot sa likod nila.
Wala rin naman siyang magawa at masama ang loob sa pag alis ni Tenho na hindi nagpapaalam.
"Bernard... totoo pala ang sinabi ng hari" sabi niya
"Hindi ka parin nagbabago" pahabol niya"Opo, at sa nakikita ko ang laki ng pinagbago ninyo kamahalan"pormal niyang sinabi
Nagtinginan ang dalawa
"Oo sasama ako sayo" sabi ni Rosalie para patigilin ang dalawa.
Bumalik siya sa silid niya para palitan ang dress na suot bago nagtungo sa harden ni Alyana, nandoon siya at si Alice. Nandoon din sina Isabelle at Bernard.
Kinuha niya ang isang pana, at isang palaso. Sinubukan tiyang tirahin ang gitna. Pumikit siya muna bago tumira, pagdilat niya ay natamaan niya ang gitna.
"Natutuwa ako na mahusay ka na ngayon" sabi ni Alyana at binitawan ang palaso at lumipad ito diretso sa target
"Swerte lang yun... Hindi naman talaga ako magaling dito" sabi niya
Tahimik lang si Alyana habang tuloy tuloy na pinapalipad ang palaso diretso sa target.
"Iniisip ko lang saan ka ba magaling?" Biglang tanung ni Alyana
Nagtinginan ang lahat na nasa likod nila.
"Magaling ako sa lahat" aroganteng sinabi niya
Saka siya tinitigan. Tumira muli si Alyana at tumama ulit.
"Magaling din ang ginawa ng papa mo... Binaliktad niya ang lahat, ginawang ikaw ang biktima" saka ito tumawa
"Anu? "
"Akala mo hindi ko alam... Ang papa mo naman talaga ang umayos nito... At sa ganitong paraan hindi mo ito gagawin... Si tito Alfred lang ang may tigas ng puso para baliktarin ang lahat" tinignan niya ito
"Sige na maglaro ka na" pahabol niyaTahimik lang si Rosalie at saka tumira muli, pero hindi tumama sa gitna.
"Alam mo ba na mas gusto ni Tenho ang panlabas na gawain, kaysa magkulong buong araw at magbasa?" Sabi ni Alyana
"Hindi ko na problema yun... Wala rin naman kaming ganun ka interes sa isa't isa... Asawa ko siya sa batas" sagot niya
Tumawa ng bahagya si Alyana.
"dito sa palasyo totoong nababagay ka... Sa tulad mong walang paki alam sa lahat... Yan ang mga kailangan dito""Isa ba itong payo?"
"Hindi.. Nagsasabi ako ng totoo... Dito sa palasyo wala kang maasahan ililigtas mo kung anu ang meron ka... Ikaw ang magmamahal at magliligtas sa sarili mo... Walang iba" dagdag niya
"Alam ko na ito"
"Pero hindi pa ganun katigas ang puso mo para manatili rito... Dahil sa pagpapanggap mo... Bakit hindi mo ilabas ang walang pusong Rosalie... Hindi ako naniniwala na nagbago ka sa pananatili mo sa Madrid" wika ni Alyana
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...