Madilim na nang nagpunta siya sa royal sala nandoon ang lahat at pati si Tenho. Umupo siya sa tabi ng asawa.
"Nasaan ka kanina" tanung ng Hari kay Tenho
"Sa Royal House po kamahalan" sagot nito
Mukhang naging seryoso ang hari,
"Hindi ko alam sayo... ang akala ko ay malinaw na ang lahat sayo.. pero hindi mo parin ang alam mga ginagawa mo..." sabi ng hari
Habang si Tenho ay nakayuko ang ulo
"Nakikinig ka ba!" Lumakas ang boses ng hariNagulat si Rosalie dahil ito ang unang beses na nakita niyang seryoso ang hari.
"Naiintindihan mo ba ang tungkulin mo? Tenho? Alam mo ba kung anu ang mga dapat mong gawin... ang mahalaga maging mabuti kang halimbawa sa mata ng mga tao..."
"Hindi po ako ang Crown Prince... kaya maari niyo po bang pabayaan ako?" Sagot nito
"Nakikinig ka ba sa sinasabi mo? Kailan ka ba matututo hanggang ngayun... simpleng gawain lang hindi mo magawa... akala mo ba hindi ko alam... wala ka sa royal house kanina... iniwan mo rito ang asawa mo at tumakas ka... huwag ako ang pinagloloko mo..." galit na sabi ng hari
"Alam mo naman pala kamahalan... bakit mo pa tinatanong" arroganteng sinabi nito
"Tenho" mahinang sabi ng Reyna pala awatin ito.
"Tandaan mo ang prinsesa ay responsibilidad mo na ngayon kaya huwag kang padalosdalos ng desisyon..." sabi ng hari
"Papa tama na po yan... " awat ni Marco
At tumayo si Tenho saka yumuko. Tinignan niya si Rosalie na gulat na gulat saka hinala ang kamay palabas ng bulwagan.
"Tenho teka lang... sandali huwag mo akong hilahin" sabi niya
Habang hila hila parin niya ang kamay papunta sa opisina nito at saka siya binitiwan.
"Sige na iwan mo akong mag-isa" sabi niya at tumalikod para harapin ang bintana
"Anu paalisin mo ako ... samantalang ikaw ang humila sa akin dito" sabi niya habang ginagalaw ang kamay na mahigpit na hinila nito
"Ayaw ko lang na manatili ka doon... at pakinggan ang mga taong yun"
"Bakit?"
"Wala ka nang paki alam doon... nakita mo naman dbah.. pinagalitan ako dahil tumakas ako"
Tinitigan lang niya ito saka tumalikod upang lumabas.
"Maaga ang conference bukas... maghanda ka" sabi ni Tenho
"Ewan ko sayo" sabi niya at saka lumabas pabalik sa silid niya
Madilim na ang paligid at tahimik ang lahat. Sa halip na pumasok si Rosalie sa silid niya ay lumabas siya at nagtungo sa harden.
Magandang panoorin ang tubig habang ito ay lumilipad sa fountain. Naupo siya sa tabi nito at saka tumingin sa langit.
At may umupo sa tabi niya. Nakita niyang si Marco ito.
Iniabot ang isang maliit na kahon.
"Anu po ito, kamahalan?" Tanung niya at ngumiti
Binuksab niya at nakita ang dating sing sing na dapat ay para sa kanilang kasal.
"Nasayo pa pala ito akala ko naitapon mo na ito" sabi niya."Ibinabalik ko lang sayo... ang sabi mo kasi noon may kwento ang bawat sing sing... kaya hindi ko itinapon" sabi nito at ngumiti
Sandali silang natahimik. Saka may iniabot ulit si Marco na isang maliit din na kahon na kulay Asul
"Yan ay relago ko sa kasal mo" sabi niya
Kinuha niya ito at binuksan, isa itong bracelet na may palamuting mga rosas na crystal.
"Gusto mo ba?" Tanung niya ulit
"Oo.. maganda siya.. salamat" sagot niya
"Hindi ko akalain na magkikita pa tayo ulit... at sa gamitong sitwasyon pa" sabi niya at inilayo ang mata sa kanya
"Masyado kasing malupit ang mundo... ang mga nais maghiwalay sila ang pinapalapit tama ba?"
Tumawa si Marco bago nagsalita.
"Noon... hinanap kita.. pumunta ako sa inyo pero wala ka na dito.. nagpunta ka na sa Madrid...""Nung bumalik ako.. hindi mo man lang ako kinausap o anu" biro niya
"Ang sama kasi ng huli nating pagkikita... huli kitang nakita sa grad camp... tapos nawala ka na parang bula... ni hindi pa man ako nakahingi ng tawad..."
"Sabi ng Reyna... kung hindi ang puso ang nagpapatawad ito ay ang panahon... tatlong taon na ang lumipas... matagal na yun... saka wala naman masyadong naging malalim na samahan natin..." mahina niyang sinabi
"Sana ay maging masaya ka dito..." sabi ni Marco at tumingin sa mga mata nito
"Salamat" sagot niya at ngumiti sa isa't isa.
"Pero kahit na... patawarin mo ako... sa mga nagawa ko... sa pagiging irresponsable sayo" sabi niya ng may ngiti at lambing
"Maayos na ang lahat... huwag kang mag-alala..."
Saka tumayo si Rosalie..
"Mauna na ako kamahalan... maaga pa ang press con bukas" sabi niya at gumalang bago umalisTumayo si Marco at pinanood siyang umalis na hindi niya namalayan na nasa likod niya si Tenho na kanina pa nakikinig.
"Masaya ka ba?" Biglang tanung niya at nagulat si Marco
"Huh.... Tenho... ikaw pala yan..."
"Kinakausap mo ang asawa ko parang fuancee mo parin" sabi niya ng diretso
"Binigay ko lang ang regalo ko... walang masama don..." sagot niya naman
"Regalo?... anu yun... ahhh.... yung bang singsing"
"Huwag kang mag-isip ng masama... "
"Wala naman akong iniisip... tinitignan ko lang" sagot niya
Humakbang ng palapit si Marco.
"Bantayan mo ng mabuti ang asawa mo... huwag mo siyang itutulad kay Alyana na at huwag mong hahayaan matulad ako sayo" sabi niya at tumawa"Anung ibig mong sabihin?" Tanung ni Tenho
Muling humakbang si Marco.
"Alam ba ni Rosalie na ikaw at si Alyana ay nakunan ng larawan ng gabing yun...at alam din ba niya na yun ang dahilan kung bakit napabilis ang kasal na ito?"Nagtimpi si Tenho at saka lumakad paalis ng galit. Habang masamang ngumiti si Marco.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...